Chapter 4

2.3K 47 0
                                    

"More wine?" Nakita ko ang papalapit na Narisse habang suot-suot parin ang gown niya kanina. Lahat kami ay nakaupo sa pabilog na sofa. Napagpasyahan naming mag-stay sa mansion niya dahil malapit naman 'to sa capital.

"Yas!" Masayang sabi ni Shekinah.

"Kai, babyahe pa tayo mamaya. Walang magdadrive sa kotse mo." Alalang sabi ni Ren saka inagaw sa kanya ang wine glass.

"I can call someone to drive me home." Tamad na sabi ni Shekinah.

Nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan hanggang sa napagpasyahan na naming magsi-uwian. Pagkalabas ko ay naabutan ko ang nakangising si Josh.

"Bait mo ata ngayon." Pang-aasar ko. Kahit kailan talaga, ang sarap asarin nitong kapatid ko.

"Baka kasi may mangyaring katarantaduhan e." Nakangisi parin 'to hanggang sa makasakay sa sasakyan. Katarantaduhan? Oo, mga Selrom. "May meeting nga pala ako bukas. Kaya kung may kailangan ka, sabihin mo nalang kay Kuya Pinong."

"Sige lang." Sabi ko habang inaayos yung seat belt. "Wala rin naman akong balak magwalwal dito." I rolled my eyes.

"Weh? Imposible. Nandito mga kaibigan mo."

"May kanya-kanya kaming buhay, Josh. May mga gagawin ako." Ngumisi ako at itinuon nalang yung atensyon sa labas.

"Palibhasa, iniwan yung kotse." Bulong niya. Kinurot ko nalang siya sa braso para naman makabawi.

Nakababad ako ngayon sa laptop ko habang nagre-research sa mga Selrom. Sa loob ng anim taon ay marami silang naging proyekto. Parang wala naman silang problema. Kaso, marami parin silang taong naloloko.

Search: Silvestri Selrom

Walang ibang lumabas kundi ang mga news no'ng mga nakaraang taon pa. Pero may mga article na tungkol sa akin. Unti-unting naglabasan ang mga nangyari kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko. Ewan ko kung bakit ako napadpad sa gallery at umiiyak nalang. Tinititigan ko ang litrato naming dalawa. Ayun ang huling araw naming magkasama.

"Sarr." Agad kong pinunasan ang luhang dumadaloy saka lumapit sa pintuan. Bumungad sa akin si Nanay habang nasa gilid niya ang isang katulong na may dalang box. "Ito yung mga gamit mo nung highschool ka pa. Nakatabi 'to ro'n sa bodega."

"Salamat, nay. Sana hindi kana nag-abala." Mukhang hindi ko naman na kailangan balikan ang mga nakaraan. Kinuha ko yung box saka inilapag sa sahig.

"May kailangan ka pa ba? Hindi ka ba magtatrabaho?" Bigla kong naalala yung draft na ginagawa ko. Shit.

"Ay, may gagawin pa pala ako, nay. Salamat ulit." Saka ko sinarado yung pintuan.

Agad kong inayos yung drawing table ko at inilabas yung draft at blueprints sa briefcase ko. Buong magdamag ay ayon ang ginawa ko.

Nagising nalang ako sa malakas na katok at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako mismo sa drawing table ko. Kahit gulo gulo yung buhok ko ay binuksan ko parin yung pintuan. Bumungad sa akin si Josh.

"Aalis na ako. May pupuntahan ka ba?"

"Meron. Pero, mamaya-maya pa. Pahiram ako ng sasakyan mo." Tumango nalang siya.

Nakasuot ako ngayon ng floral dress na see through kaya kailangan merong suot sa loob. Sinuot ko narin ang wedge ko saka binitbit ulit yung briefcase ko.

"Nay, alam mo kung saan tinatago ni Josh mga susi niya?" Nasa veranda siya habang umiinom ng tsaa. Pinagmasdan niya muna ang kasuotan ko bago sumagot.

"Hindi ko alam, Sarr." Tumingin ako sa orasan ko. Shit. Malelate na ako. Dalawang oras pa yung byahe. "Saan ba ang punta mo?"

"Sa Olongapo. Malelate na ako, nay." Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya. Agad akong pumunta sa mismong labas ng mansyon.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon