Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ayokong tumitig sa kanyang mata. Nakasuot ako ng mask at eye glasses, sana hindi niya ako makilala. Pero, nanlamig ako nang sabihin niya ang...
"Paki-fill-up-an nalang 'to para sa medical-"
"Ililipat ko siya sa ibang hospital. Hindi na niya kailangan yan." Malamig kong sabi. Think fast, Sarr!
"Bakit lilipat ka pa? Halos mawalan na ng buhay ang boyfriend mo. Paano kung hindi ko-"
"I'll pay you. Basta ililipat ko siya sa ibang hospital." Madiin kong sabi. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "May kaibigan akong doctor."
"If that's what you want." What?! Ayo'n nanaman ang sinabi niya. No wonder, napilitan lang siya maging mayor dahil sa tatay niya. Siguro naghihingalo na ang demonyong yo'n. "Just let me know your name." Nanlamig ako bigla.
"You don't need to know, Mayor." Malamig kong sabi. Ilang segundo kami nagkatitigan. Yung tuhod ko ay parang nanlalambot sa tuwing nakatitig sa kanyang berdeng mata.
"Do I know you?" Tanong niya. Napangiti ako kahit hindi niya nakikita.
"Well, the question is..." Napamulsa ako. "Do you even care?" Agad namang kumunot ang kanyang noo. Mga ilang minuto ay tumawa siya ng peke.
Unti-unti siyang lumalapit hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Mas matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako. Nanunuyot ang lalamunan ko dahil sa mga titig niya.
"Why would I care, Miss?" Ngumisi siya. Napaiwas ako ng tingin. Sa loob ng tatlong taon na yo'n ay halos araw-araw niya akong dinadalaw sa panaginip na para akong nababaliw. Paano pa kaya itong nasa harapan ko na siya? "Hmm, interesting."
Marahas ko siyang tinulak papalayo sa akin at lumapit ako kay Josh. Nakakainis ka, Josh! Nakakainis!
"Umalis kana. Tatawagan ko nalang ang kaibigan ko." Malamig kong sabi.
"Lalaki ba?" Nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Bakit mo tinatanong?" Irita kong sabi.
"Para malaman ko kung sinong ipapapasok ko sa kwartong 'to." He has a damn point. Wag kang assuming, Sarr. Wag!
"Babae yo'n." Tinalikuran ko siya at pinagmasdan na si Josh. "Hindi ka pa ba aalis?"
"Bakit, Sarr? Tingin mo hindi ako tanga para hindi ka makilala?" Nag-ugat ang paa ko sa sinabi niya. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa kabang nararamdaman ko. Alam kong nando'n siya sa pintuan at feeling ko ay butas na ako sa katitig niya.
Hindi pwede. Bakit niya ako nakilala?! Shit!
"Paanong hindi ko makikilala?" I can feel that he's smirking. "You're the only one who can look straight into my fucking eyes not even intimidated." Shit, I should've act better.
Hindi ako sumagot na parang hindi siya narinig. Kinuha ko nalang yung cellphone ko para tawagan si Lindsey.
"Bitch, I need you, right now. Sa Zambales, yung hospital sa Palanginan. Bring some of your teams." Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinatay na yung tawag. Humarap ako sa kanya. "Lumabas kana."
Nakita ko ang pag pungay ng kanyang mata. "Bakit nagpakita ka sa akin?" Napapikit ako ng marahan.
"Wala akong balak magpakita sa'yo, Mister. Sadyang tanga lang 'tong kapatid ko." Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"After three years, nothing has change to you." Nagtiim bagang ako. "Baby, do you missed me?" Napakuyom ako ng kamao ko.
Galit na ang nakikita ko mula sa kanyang mata. I saw his jaw and muscles clenched. Sumandal siya sa pintuan at matalim siyang nakatingin sa akin.
"No." I said through gritted teeth.
"I don't believe you." Mapang-asar na sabi niya. Fuck you, Hanz! Fuck you! Gusto ko siyang suntukin! Gusto ko siyang bugbugin! Gusto kong maramdaman niya ang mga sakit na naramdaman ko! Dahil sa pagmamahalan namin, ako ang nagsakripisyo.
Naramdaman ko nalang na may tumulong luha mula sa mata ko. Kung hindi ko pa siya papaalisin dito ay hindi ko kayang pigilan ang mga luhang 'to.
"Get out." Pagkasabi ko no'n ay lumabas siya. Nakahinga ako ng maluwag. Ibinaba ko yung mask ko at pinunasan yung luha ko.
"A-ate..." napadako ang tingin ko kay Josh at marahan siyang hinampas sa dibdib.
"Nakakainis ka, Josh..." hanggang sa umiyak nalang ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.
"Ngayon lang ulit kita nakitang umiyak, ate." Hindi ako umimik. "Nga pala, dito ako sa Zambales dinestino ni Dad. At sasamahan mo raw muna ako rito."
"Huh?!" Halos itulak ko na siya. Kaso, naalala kong nadisgrasya siya. "Hindi ka muna magtatrabaho at ibabalik kita sa Tarlac!"
"Ate! Si Dad ang nag-utos. Tatanggihan mo ba yo'n?" shit! Anong nasa isip ni Dad para ipapunta si Josh dito?
"Wala akong pake, Josh. Kakausapin ko si Dad na sa Tarlac ka lang. Wag kang makulit." Nakita ko ang pag nguso niya.
"Diba, may plano ka rin dito?" Parang nag-apoy yung tenga at mata ko sa sinabi niya. Parang gusto kong pumaslang sa tuwing naaalala lahat. "Diba, sinabi mong hindi kana puro salita?"
"Stop, Josh. You're just convincing me to stay with you." I said.
"Yep." He answered. "I'll help you-"
"I don't need your help." Malamig kong sabi.
"Saka, narinig kong bibilhin ng mga Selrom yung lupa kaya kailangan natin bantayan dahil baka mag-trespass sila." Tumango-tango ako. Nakita ko ang mensahe ni Lindsey na nasa baba na raw sila.
Nagpaalam ako kay Josh para salubungin si Lindsey. Pagkakita niya palang sa akin ay niyakap na ako ng mahigpit. Nahagip ng mata ko si Hanz. Akala ko umalis na ang lalaking 'to. Ba't nandito pa siya?
Pag nakatingin ako sa kanya ay parang may pinapahiwatig siya. Napangisi ako. Gusto mo bang ituloy ko ang pagkuha ng hustisya, Hanz? Tingnan natin, baka ikaw ang makalaban ko.
"Saan na yung kapatid mo? Nakahanda yung chopper para sa kanya." Tumikhim ako at lumingon kay Lindsey.
"Nasa kwarto niya sa third floor. Room twenty-three." Tumango siya at pinapunta na do'n yung tauhan. "Pag tinanong ni Josh kung nasaan ako. Sabihin mong ako na ang tatapos sa gawain niya rito sa Zambales."
"Pero, diba, Architect ka?" Siningkitan ko siya ng mata.
"I can do business, too, Lindsey. Utak naman, please." Tumawa naman siya at napakamot sa ulo.
"Sige pala. Ingat!" Tumango ako at umalis sa harapan niya.
We're meters away to each other. I removed my mask and gave him a smile. Slowly walking towards him.
Nang magtama ulit ang mata namin ay nawala ang kanyang ngiti. Tumingala ako para masilayan ng buo ang kanyang mukha.
"Welcome me to your province, Mayor." I heard him chuckled.
"Welcome back to my fucking place." His eyes looks fiery as he moved his lips into a grin.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Romance"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |