Chapter 3

2.3K 56 0
                                    

Yumayakap ang itim na gown sa aking katawan. Halata ang curves ng aking katawan, isama mo pa ang killer heels na suot ko. Napagpasyahan nilang lahat na mag-stay dito para sa party ngayon.

"You good?" Lumitaw ang ulo ni Ara sa hamba ng pintuan. I smiled at her.

"Yes." Kinuha ko ang purse ko at lumabas ng kwarto. Napatitig ako sa katawan niyang napaka-sexy lalo na't nakasuot siya ng red na gown na sobrang lalim ng pagka-V neck.

"Such a gorgeous." She complimented me. Natawa nalang ako. "They're waiting outside." Tumango nalang ako habang sabay kami sa pagbaba ng hagdanan.

A limosine is waiting outside while the girls bought their own car. Sabay-sabay silang sumakay sa loob habang ako ay hinihintay ko pa si Josh na inaalalayan si Nanay pababa ng hagdanan. As they arrived in front of me, they smiled genuinely.

"We trust you, Sarr." Tumango ako. "Be careful with your words." Napairap ako.

"Hindi ko maipapangako yan, Nay. I don't use sugar-coated words." Tinapik niya nalang ako sa balikat saka siya pumasok sa loob ng limo.

Marami na kaagad na taong nandito sa capital. Napapangisi ako sa tuwing nakikilala ko sa mukha ang mga kaklase kong dating sinisi ako. Pagkababa namin ay lahat ng atensyon nila ay nasa amin.

"Smile, Sarr." Bulong ni Amber sa akin.

As we entered the hall through the red carpet. All eyes on us. I can't help but to smile widely. I repeated these words many times inside my head, "I'm back, bitches."

Dahil may reserved seats naman kami ay do'n na kami dumiretso dahil ayaw nilang tumayo ng matagal. May mga umiikot na photographer sa bawat table at hindi nila maiwasang umirap. Lalo na si Ara na sawang-sawa na sa pagkuha ng litrato.

"Pst," napatingin ako kay Aries na nakanguso. Agad akong napatingin sa nginusuan niya.

Napangisi ako. The Selroms. Nawala ang ngisi ko nang makitang napakasaya ng ngiti ni Janina Selrom habang nakikipagkamay sa mga tao. Isang demonyo, napakagaling. Ang galing naman magpanggap na mabait. Siya naman ang mismong pumatay sa anak niya.

I was young back then, I can't even say the truth because these people are powerful. They rule this province and you can't do anything but to eat your pride and run away.

"Ladies and Gentleman! We're here to welcome the mayor's son. Silvestrine Hanz Selrom!" Nagpalakpakan yung mga tao. And, the girls started chanting. Well, he's good-looking, why not? "Let's give him around of applause!"

Habang paakyat siya ay sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. He's wearing an expensive suit, while his hair are messy that made him look so hot. His brown eyes stuck on mine. I looked at his lips that starting to form into a grin.

"I'm grateful that you've all come to this fantastic gathering." Nagtilian yung mga ibang babae na parang hindi propesyonal. "Pero hindi ako pumunta rito para magsaya kundi pumunta ako rito para sa kapatid ko." Nagkaroon ng konting katahimikan.

The hell, after his joyous greeting, isusunod niya agad yung sa kapatid niya? A fucking bipolar?

"Nalaman kong hindi parin nahahanap ang pumatay sa kapatid ko." He chuckled. "After six years, wala parin. If everyone says the girl is not the one who killed him. Then, why did she ran away? That means, she's guilty." Fuck, no!

Nanggigigil ako. Gusto kong umakyat sa entablado at sampalin siya ng malakas. Hindi niya alam! Hindi niya alam ang nangyari sa amin ng kapatid niya! We fought for our love, pero sila mismo ang sumira! They forced me to run away!

"Besides, I'm here to help our mayor, too." Unti-unti niya ng iniiba ang mood ng mga tao. Pero, ako ay nanatiling nagaalagab ng galit sa kalooban ko.

Marami pa siyang pinagsasabi at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Agad na hinawakan ni nanay ang kamay ko at ngumiti.

"Calm down." Huminga ako ng malalim.

"Bitch, it's time." Nakangising sabi ni Aries. I can really sense evilness to them.

Biglang umingay yung buong lugar dahil sa pagkabagsak ni Silvestrine sa mic. Nanlaki yung mga mata ng ibang tao nang makita si Ara, ang taong hinahangaan nila, na nakangisi habang nakahawak sa kanyang baywang.

"Enough for these shits." Walang ibang taong umimik. "Do you people wanna hear the girl you accused six years ago?"

They all started to chant. They really want me to go to jail. Kaya ba nilang magawa yo'n?

"It's also a welcome party for her. Let's all welcome, Sarr Antha Sartorius!" I mouthed 'what the fuck?' at her. Nagulat ako nang tumapat ang spotlight sa akin.

I hate surprises. I heaved a sigh and stood up. Hindi ko pa napag-isipan ang sasabihin ko. Pero, dahil sa nagaalagab kong galit ay alam kong hindi ko mapipigilan ang mga gusto kong sabihin.

Wala akong ibang naririnig. Lahat sila nakatingin sa akin habang paakyat ako ng entablado. Hinawi ko ang buhok ko bago ko hinarap ang mga taong nandito ngayon. "Warning! She's a woman now." Nakita kong nagtawanan yung mga kaibigan ko sa gilid.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nila habang ako ay nakangiti.

"I returned to clear my name and prove that I was not the one who murdered him." Nagsimula na silang mag-ingayan sa loob. They're all mad at me. While, Janina is looking at me, more like killing me. "I'm not the one-"

"Liar! You're all over the news! Nagawa mo pang magtago! Kung hindi ka ang pumatay sa kanya, dapat no'ng mga panahon pa na yo'n ay nasabi mo na!" Sigaw nung isang matanda. Maraming sumang-ayon sa kanya. I clenched my jaw. "Wag kang magpapanggap na inosente dahil sa simula palang ay masama kana! Isang kang Sartorius! Mamamatay tao!"

Ang galit ko... hindi ko na makontrol. Hindi ko na kayang kontrolin.

Bago ako magsalita ay huminga ako ng malalim.

"You don't know what happened! You don't know everything! You're accusing the wrong person! An innocent-"

"Pumunta kana sa impyerno! Pare-parehas kayo!" Nagpatuloy na sila manumbat dahil sa nakaraan.

This is why I fucking hate my past. This is why I fucking hate this place. These people!

"If my sweet words can't convince you. Then, let me use my tongue like knife. So, I can turn the tables, easily." Nakangisi ako. "An innocent woman like me... you triggered her. Now, she came back and all she can do is drag you down."

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon