"Ma'am, may problema po yung isang guest. Hinahanap ang may-ari nitong hotel." Kumunot naman ang noo ko.
"I'm not the manager at hindi ko sasayangin ang oras ko dahil sa nagrereklamo na yan." Iritang sabi ko. Pero, mukhang hindi siya mapakali.
"Pero, Ma'am... kayo talaga ang hinahanap-" natigilan kami nang bumukas yung pintuan ng opisina at may pumasok na babae habang pinipigilan siya ng mga guwardiya. Awtomatikong napatayo ako at tinapunan ng masamang tingin ito.
"Napakabastos nung nasa information desk! At nakapag-reserve na kami ng room at nangako siyang bibigyan kami ng libreng room!" Naningkit ang mata ko.
"Wait, what? Libreng room? Sinong may sabing bibigyan kayo ng libreng room? Tawagin niyo yung babae sa info!" Galit kong sabi. Ilang minuto ay dumating yung babae at sasabunutan na sana nung guest pero sumigaw ako. "Wala kang karapatang saktan ang mga tauhan ko kung ayaw mong i-ban ka namin dito."
"Sinungaling ang isang yan!" Sigaw niya. Humalukipkip ako.
"Ilan kayong pumunta rito?"
"Sampo-"
"Kailan kayo nagpabook? Bakit kamo hindi natupad ang sinabi? Bakit kamo wala kaming pake sa isyu mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Nakaraang linggo pa." Sagot nito.
"Kaya hindi natupad dahil maraming taong pumupunta rito. Hindi lang kayo. At kung bakit wala kaming pake? Dahil akala mo ay isa kang taong may posisyon sa buhay." Inis na sabi ko. I pointed at the girl from information. "You should always remember that this is a rising hotel. Hindi mo kailangan gumawa ka agad ng ganitong aksyon. How did you became rude?" Napayuko siya.
"She rolled her eyes on me-"
"Hindi kita kinakausap." Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Saka isa pa, nasaan ang manager niyo?"
Napakamot yung sekretarya ni Josh. "Ma'am, naka-day off siya."
"Day-off?!" Bulyaw ko. Ba't hindi ko man lang alam? Pinag-usapan na namin 'to ah.
"Huh, pati ang may-ari nitong hotel walang kaalam-alam sa business. Hindi kaya manipulahin ang mga tauhan." Sabat nung babae. Humalukipkip ako at naglakad patungo sa kanya. Nang huminto na ako sa harapan niya ay tiningnan ko siya mula sa paa hanggang ulo.
"Sino ka para sabihin na wala akong alam sa business?" I chuckled.
"Isa akong may-ari ng kumpanya at may pinapagawa kaming branch dito sa Zambales. Kaya wag kang magsalita na parang ang taas mo!" Napailing nalang ako.
"Anong branch? Yung mga mumurahin at lalangawin ba?" Naglakad pa ako pabalik balik at nanatiling nakatingin sa kanya. "Base sa iyong itsura, hindi ka mukhang presentable para sa mga tauhan mo. Maliban sa pananamit, pati narin sa pananalita. If you're an owner of a well-known branch, dapat alam ko."
"So, judging me the way I look?" Natawa ako ng marahan.
"I'm Architect Sarr Antha Sartorius, currently handling my brother's hotel. Anong branch yang meron ka? Baka mas mapaganda ko pa." I swayed my hair. "Kung may problema ka sa tauhan ko. Wag kang magaalala, sisisantehin ko sila."
"Dapat lang." Tinaas niya pa yung kilay niya na akala mo totoo. Mukhang tattoo lang naman.
"At bilang may-ari ka naman ng isang branch. Expected na hindi mo kailangan ng discount o libreng room." Ngumisi ako. "Ibig sabihin ba no'n ay hindi mo kayang magsakripisyo o hindi mo lang kayang humawak ng pera?"
"Aba'y bastos ka rin! For your information, marami-"
"Enough. I don't need more information." Seryoso kong sabi. "You and your members are already banned here."
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Roman d'amour"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |