Chapter 43

1.2K 28 0
                                    

"Anong mga papeles ang pinapahanap mo rito sa sekretarya mo?" Tanong ko kay Hanz. Lumapit siya at pinulupot ang kanyang braso sa baywang ko kaya naman nagtaka ako. "Hanz, ano yo'n?"

"Baby, you disappointed me." Sabi niya at nilapit ang kanyang mukha sa akin. "Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan?" Napaiwas ako ng paningin sa kanya.

"I'm sorry. Pinangunahan ako ng galit ko." Pilit niyang hinahanap ang mata ko hanggang sa nagtama ang mga mata namin. Napakagat ako sa aking labi. "I'm sorry." Pag-uulit ko.

"Just don't do it again. Okay?" Tumango ako. Ginawaran niya ako ng halik sa labi ko. "Pinapahanap ko lang naman yung properties ng mga Selrom sa sekretarya ko."

"I see." Sagot ko. "Pupuntahan ko si Mom." Maglalakad na ako palayo nang higpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

"It's dangerous." Mabibigat ang kanyang paghinga. Hinawakan ko ang buhok niya dahan-dahang sinuklay 'to. "Sasamahan kita." Umiling naman ako.

"No, Hanz. Siguro naman hindi niya alam na alam ko na." Naramdaman ko ang pagbaon niya ng kanyang mukha sa dibdib ko. Naramdaman ko ring hinahalikan niya ang dibdib ko. "H-hanz..."

"She killed my brother, Sarr." Nag-angat ang kanyang paningin. "And, I don't want to lose you, too." Napasinghap ako at umiwas ng tingin.

"Hanz, makikipag-usap lang ako."

Nagsuot lang ako ng simpleng red dress at stilleto. Binitbit ko ang purse na may lamang dalawang lipstick. Well, the first one is a recorder while the other one is a gun. Nakangiti akong pumasok sa loob ng mansyon namin sa Tarlac.

Sinalubong kaagad ako ng yakap ni nanay pagkarating ko. Bumaba naman ng hagdanan si Mom at pinagmasdan ako. Nang mayakap niya ako ay halos mapairap ako sa hangin.

"Buti naisipan mong bumisita rito. Alam mo bang si nanay mo ay pilit kang pinapabalik dito." Sabi ni Mom kaya napabaling ako kay Nanay.

"Nako, maganda kasing manirahan sa Zambales, nay. Unti-unti naring naaayos. Kaya mas maganda, ililipat ko kayo ro'n." Nakangiting sabi ko kaya nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mom pero nanatili siyang nakangiti.

"Bakit? Nahuli na ba ang mga Selrom? Sinasabi ko na nga ba't mahuhuli rin sila." Nakangiting sabi nito. "Eh, yung anak nilang mayor? Nakikipagkita ka parin ba ro'n?"

"Well, yes. Nagpaplano na nga kami kung kailan kami ikakasal." Nakangiting sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ikakasal ba kami ni Hanz. Hindi naman ako umaasa pero ilang beses na may nangyari sa amin pero wala parin kaming label sa isa't isa.

"Ikakasal?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes. Anyway, maliban sa magulang niya, kikilalanin muna namin yung pinaka-mastermind." And she's in front of me. Mom, keep smiling while the justice's waiting you.

"Let's eat?" Nakangiting tanong ni nanay. "Nga pala, ang Dad at kapatid mo ay nakarating narin dito. Pwede mo silang bisitahin sa mga kwarto nila." Naalala kong pinalipat ko sila sa hospital sa Tarlac at kaagad din naman silang nilabas.

"So, anak, anong gagawin mo kapag nalaman mo na lahat?" Tanong ni Mom habang nakaupo sa dulo ng lamesa. Habang ako ay katabi si nanay.

"Well, ang batas ang magdedesisyon." Sagot ko.

"Mapapatawad mo ba?" Parang may bumara sa lalamunan ko nang sabihin niya yo'n. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya. Dahil lumipas na ang taon ay siya lang pala ang may kagagawan. At gusto kong malaman kung bakit. "Mukhang hindi ka pa handa-"

"Handa akong malaman ang lahat. Pero, kung hindi sapat ang rason na maririnig ko..." Seryosong sabi ko. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "...hindi ko mapapatawad."

Kumurba ng isang ngisi ang kanyang labi at bumaba ang kanyang paningin sa kanya pagkain.

"Minsan, dapat alam mong magpatawad. Paano pa kaya kung malaman mo ang rason kung bakit namatay si Silvestri? Mapapatawad mo kaya ang sarili mo?" Kumunot ang noo ko.

"Sarili ko?"

"Ang mga taong nakapaligid sa'yo minsan ay ikaw ang mismong dahilan kung bakit sila masaya, malungkot, galit at kung bakit sila namamatay."

"Why are you saying these?" Well, she knows everything and I'm trying to act like an idiot.

"Kumain nalang kayo." Singit ni nanay na mukhang aatakihin sa mga pinag-uusapan namin. Muli kaming nagkatitigan at ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Umakyat ako sa taas para puntahan si Dad. Nakahiga siya sa kama at wala akong ibang mabasa sa kanyang mata kundi ang kasiyahan. Niyakap ko kaagad siya at hinalikan sa noo.

"Glad you came, Sarr." Tumango ako at nanatiling nakayakap sa kanya.

"How are you?" Pagtatanong ko.

"Ito... mahina na." Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi niya lalo na nung haplusin niya ang buhok ko habang nakahiga ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm sorry." Umiling-iling ako.

"Nabaril ka lang sa braso, Dad. Don't be so dramatic." Tumawa pa ako kahit peke.

"Gusto ko na magpahinga, Sarr." Hinawakan niya ang kamay ko. Tumulo ang luha ko sa kanyang kamay. "Sige na. Puntahan mo ang kapatid mo." Ngumiti ako at pinunasan ang aking luha.

"I love you, Dad." Nakita ko ang pag ngiti niya.

"Mahal na mahal ka rin kita, anak." Pagkasabi niya no'n ay umalis na ako sa harapan niya. Sinusubukan kong lumingon pabalik sa kanya pero pinipigilan ko. Dahil kapag hindi ko napigilan, galit na ang mararamdaman ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Josh ay nakita ko siyang nasa balkonahe. Nakangalumbaba siya habang tinatanaw yung labas. Lumapit ako sa kanya at hindi kaagad siya nagsalita.

"Paniguradong bumalik ka dahil alam mo na." Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

"A-alam mo?" Napayuko siya nang sabihin ko yo'n. "B-bakit hindi ko s-sinabi sa akin, Josh?!" Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wag kang maingay, Sarr." Madiin niyang sabi. "I was fifteen years old when I heard Mom calling Janina. Nang malaman kong namatay si Silvestri, ilan taon akong nanahimik. Halos lahat ng nalalaman ko ay tinago ko sa sarili ko."

"Bakit ngayon mo lang-"

"Pinapasabi ni Dad, nagpapasalamat siyang dumating ka bago siya mawala." Pagkasabi ni Josh no'n ay tinulak ko siya ng malakas papalayo. "He can't hide the truth anymore. But, please, Sarr, don't be mad at him."

"A-anong pinagsasabi mo, Josh?!" Hindi mapigilang tumulo ng luha ko sa mga pinagsasabi niya.

"He was there when Silvestri died." Pagkasabi niya no'n ay nakarinig ako ng pagputok sa kabilang kwarto.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon