Chapter 1

4.5K 88 2
                                    

"May balak ka bang bumalik ng Zambales?" Rinig ko mula sa kabilang linya. Napangisi ako. Bakit naman ako babalik sa lugar na pilit kong kalimutan?

"Are you kidding me, Ara?" Nakangisi ako kahit hindi nakikita ng kaibigan ko. Ara Tremor; an actress. "I thought you know me so well." Tinawanan niya lang ako mula sa kabilang linya. Nag paikot ako sa kama saka nagtalukbong.

"Should I say sorry?" I can sense that she's rolling her eyes. "I mean, it has been years. Bet you've already moved on!" I sighed.

"It wasn't really easy to move on, Ara." I felt sad right now.

Ang araw na yo'n ay kung kailan niya inaming mahal na mahal niya ako at hindi iiwan. Pero, ayon din ang araw kung kailan siya nawala. Napangiti ako ng mapait. Bakit? Bakit kailangan siyang patayin nang sa pagmamahalan naming hindi dapat? We were just fighting our love, though I wasn't able to save him that time. I felt so guilty.

"Still there?" Agad akong umalis sa pagkakatalukbong ko. Napabuntong hininga nalang ako nang malamang ang lungkot ng buhay ko. "Yo, Architect Sartorius? Buhay pa ba?"

"Mamaya kana. Mukhang nandyan na yung photographer mo." Naririnig ko na kasi yung mala-speaker na boses nung baklang photographer.

"Yeah, you're right. Bye!" As the call ended. I threw my cellphone on the sofa and went through the bathroom.

Kasalukuyang nasa tapat ako ng drawing table ko. Tinitigan ko ang ginawa kong draft kanina, kaso hindi ko nagustuhan kaya nilukot ko ulit. It should be passed on Friday, kaya kailangan kong bilisan at ayusin 'to. Ipaparenovate nalang ang mall kaso malaki ang bayad kaya mas pinagiigihan ko pa.

Bago ako makasimula ay tumunog ang cellphone ko mula sa sofa. Mas inuna kong itali ang buhok kong medyo na-dry dahil sa kabababad sa arawan noong summer.

Silvestri's death anniversary.

Mapait akong napangiti sa nabasa. Bakit ba hindi ko naalala 'to? Buti nalang at nag alarm ang cellphone ko. Nagmadali akong pumunta sa walk-in-closet ko para mamili ng damit na isusuot. Mapipilitan ata akong pumuntang Zambales.

"Nay," hindi ako sanay na tawaging "lola" ang lola ko. "Uuwi ako diyan ngayon. Busy po ba si Josh?" Napairap nalang ako nang maalala ko yung kapatid ko.

"Hindi naman busy itong kapatid mo." Napatango ako.

"Pasundo ako. Magko-commute lang ako." Narinig ko ang pag buntong hininga ni nanay.

"Alam mo namang-"

"Nay, I can handle it. Thanks, bye." I heaved a sigh when I ended the call.

I put my drafts and blueprints inside my briefcase. Saka ko hinila yung maleta ko at isinukbit yung malaking back pack ko. Hindi ko nga alam kung bakit napagdesisyunan kong mag-stay ro'n kahit ilang buwan.

Agad kong tinakpan ang mukha ko saka sumakay ng bus. May mga taong tumitingin sa hawak kong briefcase. Akala ba nila ay drugs o baril ang nasa loob nito? Wow, people really like judging others.

"Saan po?" Tanong nung kondukter ng bus. He scanned my appearance then shrugged. Nakasuot ako ng sumbrero, mask at eye glasses kahit hindi kailangan.

"Iba." Good thing alam ko pa ang daan papunta rito sa Zambales.

Matapos niyang ibigay yung ticket ay binigay ko narin yung bayad. Medyo nagtaka siya sa ka-weirduhan ko. Ilang oras pa bago makarating ng Zambales kaya isinandal ko ang ulo ko sa bintana.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating narin ako rito. Mula sa labas ng bintana ay nakikita ko na si Josh na nakasandal sa kaniyang kotse.

"Ba't hindi mo dinala yung kotse mo?" Medyo irita niyang tanong.

"Nakakalimutan mo ba, Josh?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi nalang siya umimik at pumasok nalang sa kotse niya.

Tahimik naming tinatahak ang daan patungong El Pascual, ito ang pagmamay-ari ni Nanay simula nang mamatay si Tatay. Maraming naging pamana sa akin ang mga magulang ko pero napagpasyahan nilang manirahan muna sa U.S. at hindi rin nila alam na pumunta ako rito.

"Apo ko!" Nanay exclaimed then hugged me so tight. She even traced her fingers on my cheeks. "Bakit naisipan mong pumunta rito? Alam ba ng mga magulang mo 'to?"

"Nay, ilang buwan lang ako rito. At sisiguraduhin ko namang walang makakakita sa akin." Nakangising sabi ko.

Napadako ang paningin ko kay Josh na hinihila yung maleta ko papasok ng mansyon.

"Kamusta kayo rito? Wala na bang nanggugulo?" Umiling si Nanay.

"Ilang taon narin ang nakalipas, Sarr." Malamig na tugon ni Nanay. "Pero, kung hindi ka magiging maingat sa lugar na 'to, malamang ay hindi na tatahimik ang mga Selrom." I shouldn't be scared. I've learned a lot of things when I started to live in Tarlac.

Hindi ako masyadong nagpakalayo-layo dahil magaling naman akong magtago. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ang mga nakaraan ko.

"Halika na," saka niya hinawakan ang likod ko at iginaya papasok sa loob.

Sinalubong ako ng mabangong amoy na ulam. Ngayon ko lang nalaman na nagutom ako sa biyahe. Habang nakaupo ako sa mahabang sofa at pinakealaman ko ang mga dyaryo ro'n.

"Ate, nasa kwarto na yung mga gamit mo." Malamig na sabi ni Josh. "Kung may kailangan ka, wag sa akin." Napairap nalang ako.

Six years later, a girl who murdered the Mayor's son is still seeking justice for Silvestri Selrom's death.

Natawa ako sa nabasa ko. Ilang taon na rin pala at sinisisi parin nila ako sa mga kasalanang ginawa nila. Napapailing nalang ako. After all these years, I'm still wanted in Zambales. Selrom? Nakakatuwa dahil sila parin ang namumuno sa lugar na 'to.

Pero, sisiguraduhin kong lilinisin ko ang pangalan ko. It's time to turn the tables.

"Mag tanghalian ka muna, Sarr." Tawag nung mayordoma ni nanay.

"Pakisabi kay nanay at Josh na may pupuntahan lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ng bahay.

I used one of Josh's motor to cemetery. May matandang nagbebenta ro'n ng bulaklak kaya tinakpan ko na ang mukha ko bago bumili. Nang mahanap ko na ang puntod ni Silvestri saka ako lumuhod at napaiyak.

It's been six years and I still love him. Inilagay ko yung bulaklak na binili ko sa katabi pang bulaklak. Teka, halatang bago pa ang bulaklak na 'to. Ibig sabihin may ibang tao pang pumunta o baka nandito parin.

"Who are you?" I can hear thick English accent that gave me goosebumps. May lahi ba talaga 'to o lumaki lang sa ibang bansa?

Nilingon ko ang taong nagsalita at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang makahinga ng maayos. Halos manlamig ang aking mga kamay.

"Who are you, miss?" As he repeated those words. I can't even open my mouth to respond.

My eyes just stuck on his captivating brown eyes like Silvestri.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon