Chapter 27

1.2K 32 0
                                    

"Asshole!" I yelled. Kahit hindi ko pa nauubos yung pagkain ay lumabas na ako sa tree house niya. But, damn, hindi ko alam ang daan paalis.

"Bye!" Kaway niya mula sa taas. Kumuha ako ng bato at binato sa kanya pero hindi siya natamaan.

"Paano lalabas dito?!" Kanina pa ako nagtitimping sipain ang ari niya. Nginisian niya lang ako at ngumuso.

"Akala ko independent ka? Kaya mo yan. Make your ways." Nang-aasar na sabi niya at pumasok sa loob.

Huh! Make your ways? Pumasok ako sa loob ng kotse niya. Though, wala namang susi kaya ginalaw ko yung mga wire ro'n. Inis na inis ako nang hindi nagtatama. Last try na 'to, Sarr! Hanggang sa tumunog na yung sasakyan at kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"What the fuck?"

"You said, make my ways. Bye!" Hahabulin niya sana ako nang paandarin ko na yung kotse niya. Itinaas ko pa yung middle finger ko habang nakangiti.

Take that, mayor.

Ano kayang magandang gawin? Hmm...

"Hello?" Tinawagan ko yung sekretarya ni Josh.

"Yes, ma'am? Ano ho kailangan niyo?" Tinigil ko ang sasakyan ni Hanz at sumandal sa labas nito.

"Alamin mo nga kung anong schedule ni Janina Selrom ngayon." Utos ko.

"Ma'am, she's having an interview right now. Turn on your radio." Pagkasabi niya no'n ay may naisip akong maganda. Maganda nga ba sa kanya? Pumasok ako sa loob para buksan yung radyo.

"At nandito tayo sa Radyo mo, Radyo natin lahat!" Ang corny ng station nila. "Guest natin ngayon si Misis Janina Selrom."

"Magandang tanghali mga kaibigan!" Narindi ako sa boses niya.

"So, meron na tayong mga ibang katanungan dito. Pwede niyong i-text ang mga tanong, pwede niyo rin naman kaming tawagan sa numerong ito..." kinuha ko yung numero at ngumisi. Agad kong tinawagan ito. "Meron na agad tayong caller. Handa na kayo, Ma'am?"

"Oo naman!" Peste kang hayop ka!

"Hello, sino po sila?" Tanong nung babae. Should I disguise? Yeah, probably.

"This is Samantha." Ayo'n talaga dapat ang pangalan ko. Kaso hindi naintindihan yung sulat ni Dad. Oh, well, much better.

"Maaari na po kayong magtanong."

"Sa pagkamatay ng anak niyo, bibigyan niyo ba ng hustisya o hindi?" Matagal bago sila umimik. Mukhang nagpapanic na si Janina niyan. Ha! Take that!

Narinig ko ang pagtawa niya. "Masyado atang personal ang tanong mo, hija."

"Hindi ba't personal din ang tanong na, 'anong panty ang gamit mo'?" Kung sino man magsabing hindi personal yo'n. Makakatikim sa akin. Nagtawanan naman silang dalawa ro'n. "Sagutin mo nalang."

"Well, sa mga taong nakikinig ngayon. Gusto kong malaman niyo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng anak ko." Undenial bitch! "Of course, kailangan niya ng hustisya-"

"Eh, bakit panay ang sabi mo kay Architect Sarr na ginusto ng anak mo yo'n at hindi na kailangan ng hustisya?" Madiin ang bawat banggit ko.

"Teka, hija. Sino ka ba para makealam sa bagay na ganito?" Tanong nung babae.

"Wag kang makialam, bitch." Iritang sabi ko. "Now, answer me or I'll burn that radio station." Hmm, It's getting worse.

"Alam mo, Samantha. Pwede natin pag-usapan yan ng personal. Just go to our mansion and I'll treat you good. Para maayos naman-"

"Bullshit, Janina!" Sigaw ko. Wala akong pake sa mga reaksyon ng nakikinig. Besides, they can't end this call 'til i'm not done yet. "Don't make alibis. Baka pag nagkita tayo sa personal, magkakasubukan tayo." Damn, I'm enjoying this.

"Bakit hindi ngayon?" Tumawa ako.

"I know you can't make a scene. Kasi maraming taong nakikinig. You only fight when you have a gun in your hand." Ang tanga naman niya kung hindi niya pa ako nakikila sa boses.

"How dare you..." She growled.

"So, one last try. Give him a justice or not?" Matagal bago ito sumagot.

"No." Halos uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Pinatay ko yung tawag at tinawagan ko si Ren. Ilang ring palang ay sinagot na niya ako.

"Yes, Ren Sawyer speaking." Pormal na sabi niya.

"Give me a fucking thing that can burn something and will not make any evidences." Sabi ko. Lumiko ako dahil marami ng tao sa dinadaanan ko.

"Oh, Sarr. How are you?" Masayang tanong niya. Hinampas ko yung manibela ko. Why is this bitch being a goody-good two shoes?

"Don't ask me. I need it right now! I'll pay you twi-"

"Make it thrice, bitch." Saka niya pinatay yung tawag. Two hours yung byahe pero dumating ito kaagad. Syempre, gumamit ng chopper ang babaeng 'to. Sinalubong ko siya sa airport sa Sto. Rosario. "Here. Handle with care."

I rolled my eyes. Pagkabigay niya ay umalis na siya. Mukhang busy ah. Sinigurado kong nando'n pa si Janina. Konting pasabog lang 'to at hindi naman siya mamamatay agad. Nagtakip ako ng mukha ko para hindi makilala.

CCTV? I can handle that. Pumasok ako sa loob ng radio station at sinugod yung CCTV room. Agad kong sinunggaban ng sipa yung isa at tumama ang ulo niya sa pader. Yung isa naman ay sinuntok ko sa mukha.

I turned off all the cameras so that I can do whatever I want. Sumilip muna ako sa mismong kwarto nila at napangisi ako. Bago ako lumabas sa pinaka building ay dinikit ko sa pader yung bomba na binigay ni Ren.

Sumakay agad ako para pakinggan yung pinag-uusapan nila.

"Maraming salamat sa'yo, Miss Janina Selrom. Uilitin ko po, Radyo niyo, Radyo natin!" Pagkasabi niya no'n ay pinindot ko yung pindutan dahilan sumabog yung ground floor.

I heard everyone is screaming. Screaming for their lives. Everyone will hear you, but they'll come late. The crashing sound, satisfies my ear. Until it became static.

Pagkarinig ko ng sirena ng bumbero ay umalis na ako habang nakangiting tagumpay. Kulang pa yan, Janina.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon