Chapter 14

1.6K 33 0
                                    

Wala akong balak lumabas ngayon kasama sila kaya hinila ko yung box na kinuha ni Nanay sa bodega. Bumungad sa akin yung mga dati kong I.D, meron pang litrato ni Silvestri na nakaipit do'n. Punong-puno ng love letters at mga picture na galing sa polaroid.

Ito ba? Ito ang dapat sunugin? Ang dapat ibaon na sa limot. Paano kung mga memorya sa mismong isipan? Paano?

Binuksan ko yung walk-in-closet ko at hinila palabas yung malaking teddy bear na napalanuhan ni Silvestri sa timezone. Niyakap ko pa 'to ng mahigpit bago maglabas ulit ng mga gamit.

"Magbebenta ka ba?" Bungad ni Josh.

"Hindi. Maglilibing ako." Mapait kong sabi. Nagtataka naman siya sa inaakto ko. Nang gagalawin niya yung nasa box ay pinigilan ko siya. Nagmumukha tuloy siyang sumusurrender.

"Okay, okay." Saka siya tumalikod.

Kumuha pa ako ng mga box sa bodega para pagkasyahin lahat ng mga 'to. Nang ma-tape ko na yung box ay pinatawag ko si Kuya Pinong para ibaba 'to.

"Sa'n niyo idadala 'to, Madam?" Tanong niya habang nilalagay sa likod ng sasakyan ko. Lumabas si Nanay habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili.

"Mukhang magmu-move on ang apo ko." May bahid ng pang-aasar ang sinabi ni Nanay. Kaya sumimangot ako.

Natawa nalang si Kuya Pinong habang nilalagay pa yung natitirang box. Naglagay narin ako ng pala at nagtaka naman sila ro'n.

"Ingat ka, apo." Tinanguan ko nalang sila saka umalis.

Pumunta ako sa kagubatan kung saan kami huling nagkita. Napangiti ako nang walang tao rito at mukhang hindi pa nila nadidiskubre ang lugar na 'to. Pagkahinto ko ay hinila ko na agad yung pala at nagsimulang maghukay.

Alam kong napakahirap ng ginagawa ko. Pero, kakayanin ko 'to! Kailangan ko mabaon!

Inabot na ako ng hapon pero hindi ko pa nakakalahatian ang hinuhukay ko. Napaupo ako sa sahig at nadumihan na ako. Binasa ko ito kanina para madaling hukayin pero hindi ko talaga kaya. Magsisimula muli sana ako nang makarinig ako ng kaluskos. Awtomatikong kinuha ko yung itak sa kotse ko.

Palapit ng palapit yung yabag kaya nakahanda na ako. Pero, nang malaman ko kung sino yo'n ay halos atakihin na ako. Naihagis ko pa yung itak sa malayo dahil ang nasa harapan ko ngayon ay si Hanz. Paano niya nalaman ang lugar na 'to?!

"Bakit nandito ka?!" Sigaw ko. Kumunot ang kanyang noo.

"Ikaw. Bakit nandito ka?" Dumako ang paningin niya sa sasakyan ko pati roon sa hinuhukay ko. "May ginawa ka bang krimen?" Natatawang tanong niya.

"Oo!" Sigaw ko at nagsimulang maghukay ulit.

"Sino naman 'tong inililibing mo, Sarr?" Malamig ko siyang tinitigan. Lumunok muna ako bago siya sagutin.

"Alaala namin ni Silvestri." Naging blangko ang reaksyon ng mukha niya. "Kailangan na kailangan ko. Kailangan ko na siyang kalimutan!" Tumatagaktak ang pawis ko sa bawat bungkal ko.

"Tulu-"

"Wag!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Wag na wag mo akong tutulungan." Nanatili siyang nakatayo ro'n.

Nang medyo lumalim na ay kinuha ko yung isang box at hinagis do'n sa nahukay ko. Alam kong hindi lahat ay magkakasya. Pero, pinagpilitan kong ilagay lahat.

"Ah! Shit!" Sigaw ko nang ihagis ko ang pinakahuling box. At ganoon parin siya, nakatayo habang blangkong nakatingin sa ginagawa ko. Pumunta ako sa sasakyan at kinuha yung lighter.

"Sarr, tama na." Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na dumapo sa braso ko. "Pagod kana. Please. Tama na." Umiling ako at lumapit do'n sa mga box.

Binuhusan ko muna ng gas ito kaya nang ihagis yung lighter ay agad na nagliyab yung box. Hinila ako palayo ro'n ni Hanz at sabay naming pinanuod 'tong nasusunog. Hanggang sa dumidilim na dahil namamatay na ang apoy.

"Umuwi na tayo, Architect." Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko nalang siya hilahin ako.

Ito na ang huling pag iyak ko para kay Silvestri. Tapos na, binaon ko na siya. Hindi pala, sinunog ko na siya. Pero, alam kong wala na siyang pwesto sa puso ko. Napapikit ako ng mariin habang tumutulo ang luha ko.

"Give me your keys. I'll drive you home." He said. Umiling ako.

"I threw the keys." Kumunot ang noo niya. "He owned that car, Hanz. Kailangan kong iiwan din yo'n."

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Halata sa itsura niyang pagod na siya. Paano pa ako? Kanina pa akong umaga. I saw his jaw clenched.

"Let's go." Sabay hila niya sa kamay ko. Pero hindi ako gumalaw. Siguro ito na ang panahon para buksan muli ang puso ko. "Sarr, tara na. Maggagabi na."

"Hanz," Nang tumingin ako sa mata niya ay berdeng-berde ang kanyang mata. Pero, unti-unti 'tong lumalabo dahil sa luhang kumakawala sa mata ko. "M-ma..."

Hindi ko kayang sabihin. Bakit?! Sabihin mo na, Sarr.

Biglang pumungay ang kanyang mata.

"Kung hindi mo kaya, wag mong pilitin." Malamig niyang sabi. Walang anu-ano'y niyakap ko siya ng mahigpit.

Kung ikukumpara mo silang magkapatid ay mas magugustuhan mo si Silvestri. Siya yung taong magpapakatatag kahit ilang beses nang nasaktan. Lumalaban parin kahit alam niyang mapanganib. He's the ideal type.

Si Hanz? Kakaiba. Siya yung bastos kung magsalita. Pero, sa simpleng tingin niya lang ay mahuhulog kana. He's trying to be sweet kahit hindi siya ganoong tao. Straightforward siya sa mga tao. Kumbaga walang hiya. Pero, ang walang hiyang 'to ay iba ang epekto sa akin.

"Sarr?" Nakayakap parin ako sa kanya.

"G-gusto ata kita..." halos pabulong ko nalang na sabi. Pero alam kong narinig niya yo'n. Sana narinig niya yo'n.

Nang humiwalay sa pagkakayakap sakanya ay bumungad sa akin ang malamig niya ekspresyon. Bakit, Hanz?

"Wag ngayon, Sarr." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"B-bakit?!" Sa sobrang inis ko ay nasigawan ko na siya. "Minsan mo lang maririnig yo'n mula sa akin! Tapos-"

"Wag dito. Wag ngayon." Malalim ang pag hinga niya sa bawat bigkas niya ng salita. "Pigilan mo 'kong angkinin kita ngayon, Sarr. Hindi ko kayang magpigil, Architect."

Habang umiiyak ako ay kumurba ng isang ngiti ang labi ko. Dahan-dahan niya pinunasan ang luhang umaagos sa akin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko hanggang sa halikan niya ako.

A passionate kiss. Akala ko hindi ka marunong humalik na pang romansa, Hanz. Napangiti ako sa naisip ko.

"Pagod kana." Bulong niya sa akin. "Umuwi na tayo." Kumislap ang mata ko.

"Wag mo 'kong iuwi." Bulong ko sa kanya.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon