Chapter 33

1.4K 33 0
                                        

Papasok palang ako sa loob ng campus ay nagsitinginan na silang lahat. Porket ba nobyo ko ang isang Silvestri Selrom? Malayo palang ay natatanaw ko na siyang nakasandal sa pader habang hinihintay ako.

"Ang tagal mo." Nakangusong sabi niya. Pumulupot kaagad ang kanyang braso sa baywang ko. "Pa-kiss?" Natawa lang ako ng marahan at nilayo yung mukha niyang papalapit.

"Maraming magseselos." Pang-aasar ko. Mas lalong humaba ang kanyang nguso.

"Kahit cheeks?" This guy is really clingy. Pinisil ko ang dalawa niyang pisnge saka siya hinalikan do'n. Nakita kong namula pa ang kanyang mukha sa ginawa ko. "I didn't expected that."

"Sarr!" Mula sa malayo ay tumatakbong papalapit si Ara. Her curves are teasing their eyes and her hair are bouncing. She smiled widely then hugged me so tight. "Excited kana bang grumaduate?"

"Oo naman!" Masaya kong sabi. Marami kaming plano ni Ara pagka-graduate. Alam kong magsesenior high pa pero balak na niyang mag-artista or should I say, balak ng magulang niya.

"Syempre, itatanan ko na si Sarr." Natatawang sabi ni Silvestri kaya siniko ko siya. Nang titigan ko siya nang masama ay nasilayan ko nanaman ang berde niyang mata. "Oh, in love ka nanaman?"

"Tse!" Sabi ko.

"Enebe! Kenekeleg eke!" Sabi ni Ara. Napairap nalang ako habang tumatawa. "Basta, siguraduhin niyong ninang ako!" Hahampasin ko sana si Ara kaso tumakbo na siya palayo.

"Gaga ka!" Sigaw ko sa kanya. Napailing nalang ako nang makitang namumula ang mukha ni Silvestri. "Kilig ka naman?"

Ngumiti siya, "Naimagine ko lang na magiging asawa kita at magkakaroon tayo ng maraming anak." Ako naman ang namula ang pisnge.

"Tara na nga!" Sabi ko para maitago ang namumula kong mukha. Tinalikuran ko siya st naramdaman ko naman siyang nakaakbay sa akin.

Sa tuwing nakatitig siya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya ang masasabi ko ay napakaswerte ko sa kanya. Selrom siya, Sartorius ako. Maraming nagtataka kung bakit naging kami.

"Alam mo bang naiinis ako sa isang tao?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Yung tipong paulit-ulit ako nagbibigay ng advice sa kanya pero gago parin." Natawa naman ako. Kita mo kasi yung pagkairita sa mukha niya e.

"Baka ayaw niyang sundin yung mga corny mong advices." Pang-aasar ko. "Kailangan no'n ng babaeng bibihag sa kanya ng sobra para magtino."

"Nako, gago na yo'n since birth." Sabi niya.

"Sino ba yo'n?" Pagtatanong ko.

"Ah, wala. Basta gago yo'n." Napailing nalang ako at hinayaan na siyang wag sabihin.

Matapos kong bumili ng pagkain ay natanaw ko na si Ara at Silvestri na naghihintay sa akin. Nagtatawanan pa nga sila pero noong dumating ay tumigil sila. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ako nanaman topic niyo 'no!" Sabi ko.

"Hala siya. Feeler!" Sabi ni Ara at nilantakan yung spaghetti niya. "Damn! Kailangan kong mag diet! Kailangan pasado ako sa standards ng pang-model!" Body conscious, huh?

"Kahit naman mataba ka, papasa ka rin." Singit ni Silvestri. "Extra nga lang." Natawa naman ako ngunit nag-iba yung timpla ng mood ni Ara.

"Kayong dalawa..." tinuro niya pa kami. "Pasalamat ka at girlfriend mo 'tong kaibigan mo. Nabugbog na sana kita."

"Bleh!" Silvestri stuck out his tongue to Ara. Pinigilan ko na silang dalawa baka magkaroon ng rambulan dito sa cafeteria e.

Matapos ang lahat ng klase ay dumiretso ako sa locker para iiwan yung ibang libro. Nalaman kong sumama si Ara sa theater club habang ako ay papunta sa field para hintayin si Jacob.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon