Chapter 9

1.7K 39 0
                                    

Nakatapat ako sa aircon habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Nang humarap ako sa kusina ay nakita ko ang naka-topless na Hanz. He even looked at me seductively while slicing those vegetables. Bwisit.

"I'm not a vegetarian, Hanz." Sabi ko saka kinuha ang suklay na dala ko.

"Mag-iihaw ako mamaya ng karne." Sabi niya at itinuon nalang ang atensyon sa paghihiwa. Much better.

Nakasuot parin ako ng bathrobe kaya lumapit ako sa maleta ko at kukuha ng damit. Pinili ko ang isang pulang spaghetti straps at white shorts. Hindi ko alam kung bakit ito ang dinala ko. Dahil siguro sa pag mamadali 'to.

Pagkalabas ko ng c.r dahil nagpalit ako ng damit ay dumako ang paningin niya sa suot ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Agad naman siyang ngumuso.

"What?"

"Anong suot mo sa loob?" Kumunot naman ang noo ko. I didn't wear a bra. Mas nakakarelax kasi at hindi masakit sa dibdib. Nakasanayan ko narin 'to.

"W-wala." Iritang sabi ko.

"I can see your nipples." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong tinakpan 'to ng dalawa kong kamay. Pinunasan niya ang kamay niya at lumapit sa akin.

Akala ko kung ano gagawin niya. Pero, kumuha lang pala siya ng t-shirt sa kabinet niya. Wala naman kasing division ang tree house niya. Pagpasok mo sa pintuan ay bubungad ang mini salas na isang mahabang sofa lang. Tapos sa likod nito ay ang kama at kung anu-ano pa. Sa gilid naman nito ang kusina na kasama narin ang dining at sa kabilang dulo ang c.r.

"I-doble mo na 'to." Abot niya sa akin nung t-shirt.

"No, it's okay." Sabi ko.

"I insist. Giginawin ka mamaya. And you're gonna make me horny, Sarr." He's fucking straight forward. Bakit hindi ko naiisip yo'n? Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa sinabi niya.

"Lalabas muna ako." Sabi ko. Pero bago ako makalabas ay may inabot siya sa aking lotion. To be specific, it's an off-lotion. Tinanggap ko nalang ito saka dumiretso sa labas.

Walang ibang ingay kundi ang mga insekto lang. Nang may kumagat na lamok sa akin ay awtomatikong naglagay ako ng lotion. Uminit nga sa balat ko yo'n at hindi ko alam kung normal pa yo'n.

Agad na lumabas si Hanz na may dalang wine at dalawang wine glass. Inilapag niya yo'n sa tabi ko habang umuupo naman siya. Inunahan ko na siya magbukas at sinalinan yung dalawang wine glass.

"Tapos kana magluto?" Tanong ko.

"Yeah." Natawa nalang ako nang mas inuna pa namin yung pag inom ng wine kaysa sa pagkain. '"So, tell me about your past, Miss Engineer?"

"I hate my past." Malamig kong sabi sabay inom sa wine. "Hindi ko akalaing lalaki ako kasama ang mga taong yo'n." Napangisi ako habang nakatitig lang sa wine.

"Sartorius..." mahinang banggit niya. Ibinaba ko naman sa tabi yung wine glass at nag-inat.

"Have you read some old news papers? Sartorius was all over the news." Mapait kong sabi. "Bumalik lang ang apilyedo namin nang dahil sa akin. Nang dahil sa maling pagsisi."

"Yeah, I've already read some old news papers. That's why I'm still mad at your family, Sarr. They killed innocent people." Marami akong naging kaibigan noon. Pero, nang malaman nila ang family background ko ay unti unti na silang naglalaho.

"Pero, iba ako, Hanz." Sagot ko sakanya. "Magalit kana sa kanilang lahat. Pero, wag kang magagalit sa akin dahil wala kang ebidensyang masamang tao ako."

He chuckled, "Wala naman akong sinabing galit ako sa'yo. Past is past, Sarr. But, if you're gonna repeat the history. I swear, I'm gonna be fucking mad."

"Why? Why would you get mad?" I looked at him straight in his eyes.

"Because you are different since the day I met you. You're kinda bold."

"Anong bold?" Natawa naman siya sa inakto ko.

"Sira, hindi yung literal na nagbo-bold." Bwisit. Kasalanan niya 'to. Sa tuwing kasama ko kasi siya ay lumilipad lagi ang utak ko.

"Whatever." I hissed. "How 'bout you?"

"What about me?" Kinunutan ko siya ng noo. "What about us?" Agad ko siyang sinuntok sa braso pero tumawa lang siya.

"Walang tayo, Hanz." Humawak siya sa dibdib niya at umaktong parang nasasaktan. "Umayos ka nga." Seryosong sabi ko.

"Oo na," sabi niya sabay nguso. "Gago ako-"

"Obvious naman." Sabat ko pero nakatingin ako sa ibang direksyon. I heard him sigh then continued his words.

"Walang serious relationship. Flings lang. Pero, kung tatanungin mo kung nakipag-sex na ako. To be honest, no." Seryoso niyang sabi na ikinatawa ko. "What? May mali ba?"

"You lived in U.S.A for like twenty years or more than? Don't tell me that people didn't influenced you. Do you know their favorite motto?" Hindi siya sumagot. "Sex is life, Hanz."

"Alam ko yan, Sarr. Hindi ako tanga." Inirapan ko siya.

"Don't be scared to deny it, Hanz. It's a big deal in their country, right?" Nakita ko ang pagtiim bagang niya. "Honestly saying. I've already kissed a lot of guys. Flings, too. No serious rela-" oh shit! Anong no serious relationship?! "I mean, okay lang!"

"Bakit ba pinipilit mong sabihin ko na nakipag-sex na ako sa mga hilaw, huh, Sarr? Pinipikon mo ba ako?" Tumalim ang kanyang tingin sa akin.

"We're having an open minded talk, Hanz. There's nothing wrong. Okay lang-"

"Anong okay lang?!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses. "I never had sex in my whole fucking twenty-six years, Sarr. Ikaw, ikaw ang unang babaeng nag buhay ng kalibugan ko!" I suddenly gulped of what he said. "Tapos sa'yo? Okay lang? Okay lang makipag-sex?!"

"W-wala akong sinabing ganyan! I said, flings!" Iritang sigaw ko.

"Hindi mo ba alam kung gaano mo ako nilalasing sa simpleng pag irap mo lang sa akin, huh?" Bigla niya akong hinigit papalapit sa kanya na halos tumama ako sa kanyang dibdib. "Wag mo akong masyadong pabaliwin, Sarr. Wag."

Napapikit ako ng mariin. Wag mo rin akong pabaliwin sa mga ginagawa mo. Baka, baka hindi ko magawa ang dapat kong gawin.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon