Chapter 49

1.4K 25 1
                                    

"I didn't know you acted so good." Nakangiting sabi ni Starry.

"I told you, I can play the game." Ibinaba ko ang baril. "And now, you're under arrest." I winked at her. Biglang may nagpasukang mga pulis at tauhan ni Hanz. Nakita ko si Hanz na papasok at agad niya akong sinalubong ng yakap.

"You good?" He asked.

"Yeah. Akala ko hindi ka pupunta." Nakangiting sabi ko. Hanggang sa may pumasok na isang lalaki. Tinutukan siya ng baril at tinaas niya ang dalawang kamay niya.

"I am Attorney Wilson, nandito ako para sabihin sa inyong si Mayor Silvestrine Hanz Selrom ang pumatay sa kanyang kapatid. Nando'n siya sa mismong pangyayari at siya ang unang kumalabit sa gatilyo ng baril niya-"

"Sandali, nagkakamali ka ata." Nakangising sabi ni Hanz. Binitawan niya ako at hinarap yung lalaking yo'n. "Ako ang mismong nasa pangyayaring yo'n. Umuwi ako galing ibang bansa para patigilan ang kapatid ko. Yes, I shot him on his leg. It didn't killed him. But, Bryant Ortigas and Starry Sartorius pulled the trigger at once." He smirked. Inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha. "I just saved my girl, Attorney." Save me?

"Hulihin din yan!" Sigaw nung isang pulis at pinosasan yung lalaking yo'n.

Napatingin ako kay Starry na pilit isakay sa sasakyan. Pinatigil ko yung mga pulis at nilapitan siya. Nakita ko kung paano siya kagalit na tumingin sa akin.

"I never wanted to say sorry to you but..." I smiled. "...I'm sorry." Umiwas siya ng paningin at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.

"I just wanted to save you." Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. "I was trying to help you kill him."

"Mom, you did too much." Sabi ko. "Wala na si Dad. Ikaw at si Josh nalang. Just accept the fact that justice will always win, Mom. Hindi ko nilaro ito para maging masama. Nilaro ko 'to para malaman ko kung sino talaga ang totoo sa akin. Wala akong inuurungan, Mom. Alam mo yan." She smiled before turning her back.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makasakay na siya sa sasakyan. Nakita kong nakikipag-usap pa si Hanz hanggang sa nagtama ang aming paningin. I waved at him and I saw him chuckled.

Nagpaalam siya sa kausap niya at lumapit sa akin. In just a swift move, he kissed me passionately on my lips.

"I thought, I was just hallucinating that time." I said.

"Baby, don't you remember that you called me using Jacob's number?" Ngumuso ako. Oo nga, ba't hindi ko man lang nalaman na nandito talaga siya no'n. "Noong nakita kita sa sementeryo, nagtataka ako kung bakit iniiyakan mo ang kapatid ko." Kinurot ko ang ilong niya.

"Well, he became part of my life. That tears was full of sadness, Hanz." Hinaplos niya ang pisnge ko at nasilayan ko ang ngipin niya nang tumawa siya. Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib. "Porket hindi lang kita makilala no'n. Ang corny mo kaya! Sinabi mo pang tawagin kitang Sil."

"What? I never said that!" Natatawang sabi niya.

"Corny mo!" Pang-aasar ko sa kanya. Hanggang sa namalayan kong buhat-buhat na niya ako na parang sako. Tumitili ako dahil umaakto siya na parang ihuhulog ako. Pero, naririnig ko lang ang pagtawa niya at nakikita kong tumatawa narin yung ibang tauhan niya. "Hanz! Put me down!"

"No." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang binti niya at pwersahang ko siyang hinila para magpalit kami ng posisyon. Bumagsak siya sa lupa at nagsimula na akong tumawa sa reaksyon niya.

"Gosh, baby! Talo ka nanaman sa akin." Pang-aasar ko. Hanggang sa hilahin niya rin ako pababa at pinatungan kaagad ako. Nailang ako nang malamang maraming tao sa paligid.

"Fuck. You called me baby." Hinalikan niya muli ang labi ko at sinimulan ko naring isuklay ang daliri ko sa kanyang buhok.

"Damn, get a room!" Napatigil kami nang marinig ang boses ni Ingrid. Naunang tumayo si Hanz at inilahad ang kanyang kamay para makatayo ako. "Guess what?"

"What?" I asked.

"The case is closed." Pagkasabi niya no'n ay mahigpit kong niyakap si Hanz. "Enjoy you two. Imbitahan niyo ako sa kasal." Natawa kaming dalawa hanggang sa mawala na sa paningin namin si Ingrid.

"So, when do you wanna marry, huh?" Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

"Next week." Nakangiting sabi ko.

"I can't wait, baby." Muli niya akong hinalikan at hindi ko maiwasang mapangiti.

Sinalubong ko ng yakap si Josh at si nanay. Hindi nila maiwasang mapaluha sa saya. Napadako ang paningin ko sa kabaong ni Dad. Bukas na pala ang libing niya. Lumapit ako sa kabaong niya at ipinatong ang kamay sa ibabaw nung glass.

"Dad, everything's great now." I smiled while my tears rolling through my cheeks. "I forgive you." Naramdaman ko ang yakap ni Josh sa akin. Humarap ako sa kanya at binuhos ang luha sa kanyang damit.

Kinabukasan, wala na akong galit o lungkot na nararamdaman. Payapa na ang buhay namin. Pagkatapos mailibing ni Dad ay dumiretso kaagad si Hanz sa Zambales. Balak niyang magpakasal kami ro'n at do'n mamuhay hanggang pagtanda. Nakakatuwang isipin na ngayon ay wala ng gulo.

"So lucky, bitch!" Tili ni Ara nang makita niya ako. Isa-isa silang nagpasukan sa loob ng mansyon namin dito sa Tarlac. At nakita kong may dala pa silang pagkain.

"Oh, dumating kana, Aries." Nakangiting sabi ko pero nagkibit balikat lang suya habang nakangiti.

"Is this your bachellorette's party, huh?" Ngumisi ako sa tanong ni Ren.

"I don't really plan any party before my wedding. But, hell yes!"

"Can we change our place? Your mansion is kinda boring. I'm gonna post it to my vlog." Maarteng sabi ni Shekinah pero hinampas lang siya ni Amber sa pwet niya.

"Get your ass wildin, bitch." Nakangising sabi ni Amber.

"Pool, anyone?" Yaya ni Ianne sa amin.

Nagtakbuhan kami sa likuran at una naming hinagis sa pool ay si Shekinah. Kinuha ni Narisse ang camera niya at agad siyang kinuhan ng video. Sinigawan niya kami pero tinatawanan lang namin siya.

"Post this on your website, honey. People will love it. 'Cause you're getting bullied." Then, Narisse stuck out her tongue. Napailing nalang ako dahil patuloy nilang inaasar si Shekinah.

"Come on, guys. Iiyak yan." Singit ni Katherine na parang nanay.

"We don't cry on petty things, Kath." Singit ni Rizz. "Maliban nalang kung malaman natin may nakauna na pala sa fafa natin."

"Rizz!" Katherine said in a warning tone. Nagtawanan nalang kami hanggang sa basagin ni Micherre yung bote ng wine at sinalin sa mga baso namin.

Kinuha namin sa lamesa yo'n at tinaas ni Lindsey ang wine glass niya.

"For Sarr Antha!" Natawa ako nang gawin niya yo'n. "The bitch who'll get married soon!"

"For Sarr Antha!" Pag-uulit nilang lahat hanggang sa sabay-sabay naming ininom yung wine.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon