Chapter 50

1.6K 33 0
                                    

"Ate, hindi ba nahahalata ni Hanz na buntis ka?" Bungad sa akin ni Josh. Hinarap ko siya pagkatapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin. I chose to put light make-up than the usual make-up I used.

"Josh, three months palang. I'll tell him after wedding." Nakangiting sabi ko. Alam kong nag-aalala siya na baka biglaang iwanan ako ni Hanz sa altar at hindi mapanagutan yung bata. Alam kong hindi gagawin ni Hanz yo'n.

"I see," kalmadong sabi ni Josh. "Best wishes, Ate. Sana maging masaya ka." After all those pain, Josh is smiling in front of me. Hindi ko maiwasang yakapin siya ng mahigpit.

"I will." I patted his back. Siya ang unang kumalas sa pagkakayakap namin at lumabas na siya ng kwarto ko.

Nandito na muli ako sa Zambales para sa kasal namin. Hindi lang pala para sa kasal namin kundi hanggang kamatayan namin. White ang motif ng kasal namin dahil napakaganda sa paningin ko no'n. Parang napakabilis ng pangyayari at namalayan kong nakaapak na ako sa buhanginan at kasal narin kami.

Napili kong sa dagat gaganapin ang reception dahil pinilit ako nung mga babaeng yo'n. Masaya kong pinagmamasdan ang mga itsura nila habang papasok kami ni Hanz sa venue.

"You're so beautiful." Biglang bulong sa akin ni Hanz. "Ilang araw din tayong hindi nagkita."

Natawa ako ng marahan, "Mayor, are you excited?" Nakita ko kung paano siya ngumisi.

"More excited than ever." Napangiti ako sa sinabi niya.

Inalalayan niya akong makaupo sa upuan, pagkatapos no'n ay umupo siya sa tabi ko at nakita kong hawak na ni Ara ang mic. Siya pala ang emcee sa kasal namin.

"I would love to introduce you, the newly-wed couple! Sarr and Hanz Selrom!" Nagpalakpakan ang mga tao at naririnig ko pa ang ingay ng wine glass dahil tinatama nila rito yung tinidor. "I can sense that the people in here wants to see you kiss!" Then, she winked at us.

"Why not?" Natatawang tanong ni Hanz.

"Kiss! Kiss! Kiss!" My girls chanted. Tumayo pa si Narisse, Rizz, Ianne at Aries para lang sumayaw. Imagine them dancing while wearing a gown.

Nagtinginan kami ni Hanz at tumawa kami sa isa't-isa. Inilapit niya yung mukha niya sa akin at naramdaman ko ang hininga niya. Napakabango pa nito.

"Hindi ka ba nagsasawang halikan ako?"

"Ba't naman ako magsasawa lalo na't asawa na kita ngayon?" I raised my left eyebrow but still smiling.

"Baka may ibang-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinalikan na niya ako sa labi ko.

"You're the only woman I wanna kiss every seconds, minutes, hours and so on." Muli niya akong hinalikan at mas umingay na yung mga taong nakakakita sa amin.

"Let's all enjoy the night and wait 'til the couples get hot tonight!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Ara. Napangiti ako nang lapitan ni Ara si Ingrid, mukhang nakahanap na ng katapat ang isang 'to.

"Wanna dance, Miss Sartorius?" Napatingin ako kay Hanz na nakatayo na habang nakalahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman yo'n at dinala na niya ako sa gitna.

I'm wearing a white dress and not even wearing a sandals. They put some flower crown on the top of my head, para raw mag mukha akong teenager. Kakaiba mga trip nila.

They played a slow song and changed the lights. Napakaromantic kung titingnan. Habang isinasayaw ako ni Hanz ay dahan-dahan ko siyang niyakap. I heard him chuckled.

"My wife became clingy." Pang-aasar niya. Pabiro ko siyang hinampas sa likuran niya.

"Wala kang pake. Magiging clingy ako kung gusto ko." Inangat ko ang paningin ko sa kanya at tinitigan ang kanyang berdeng mata. Hinaplos ko ang pisnge niya at napangiti siya.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon