Chapter 32

1.3K 29 1
                                    

Narinig kong nakalabas na siya sa hospital at ipapagpatuloy niya yung paggagamot sa kanya sa loob ng mansyon nila. Tinawagan ko si Ingrid para sabihin yo'n pero mas nauna niya nalaman yo'n.

Nung isang araw ay inaresto naman na siya pero dahil naggagamot pa siya ay idadala muna siya sa mansyon nila. Hindi siya lalabas don at may mga nakabantay sa kaniya. Pag natapos yo'n ay idadala siya sa korte.

Pumunta ako sa Amungan para balikan yung mga nakaraan. Hindi ko masyadong saulo yung daan pero inaalala ko yung bahay na nadadaanan.

I was shocked when I found the tent he made. Why is it still there? Maalikabok na yung tent dahil sa lupang hinahangin. Pagkabukas ko ay nando'n parin yung higaan at lamesa sa gitna. Pumasok ako sa loob at hindi ko maiwasang mapangiti.

This is where I confessed my feelings without sincerity. I wasn't sure about my feelings. Dahil alam kong hindi matutuloy ang plano ko rati. Pero hindi ko ginustong mawala si Hanz sa buhay ko. Gusto kong mawala siya sa puso ko. Dahil naghahalo ang nararamdaman ko.

"Tao po?" Lumabas ako ng tent at may naabutan akong matanda at may batang nakahawak sa kanya. Napadako ang paningin ko ro'n sa bata. Ang taba ng pisnge niya kaso namamayat ang kanyang katawan.

"Bakit ho, nay?" I asked.

"Palagi naming tinatanaw yan. Kasi may lalaki kasing laging natutulog diyan. Minsan nililinisan niya. Kaso, tumigil no'ng isang taon pa." Could it be him? "Kaano-ano ka niya?"

"K-kaibigan po." Tumawa ako ng marahan at ngumiti sa kanila.

"Kaibigan? Ang swerte mo naman." Nanatili akong nakangiti. Sinong hindi suswertehin sa isang Silvestrine Hanz Selrom? Sa pagtitig palang sa berdeng mata niya ay mahuhulog kana.

Or is it just me? I laughed inside my mind. I didn't know that he has a strong affection towards me.

Aalis na sana sila ngunit hinabol ko. Nagtataka pa sila hanggang sa kuhanin ko ang wallet ko.

"Nako, hija wag na." Sabi niya. Umiling ako at kinuha ang kanyang kamay. Inipit ko ang limang libo ro'n. "Napakalaki nito."

"Wala pong problema hangga't sa mabuting bagay niyo ginagastos." Sabi ko. Nakita ko ang pag ngiti ng bata.

"Nako, maraming salamat. Gutom na gutom na 'tong apo ko e." Sabi niya.

"Walang anuman." Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Tinali ko ang buhok ko saka tinanggal yung sapatos bago pumasok sa tent. Hindi naman magulo ngunit maalikabok. Nakita kong may tambo sa labas kaya nagsimula ko nang linisan 'to.

Matapos kong malinis yung sa loob ay tinignan ko yung mga ilaw sa labas kung maayos pa. Nang isaksak ko ito ay biglang umilaw. Naalala ko kung paano sumalubong sa paningin ko ang mga ito.

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko.

"Bitch, I'm on my way to house-arrest her." Bungad ni Christineai.

"Susunod ako." Pinatay ko yung tawag. Nagsuot muna ako ng sapatos bago isarado yung tent.

Noong una ay hindi ako pinapapasok sa loob ng mansyon nila hanggang sa makita kong pababa si Hanz sa hagdanan at sinalubong ako.

"I told you to let her in." Inis na sabi ni Hanz. Binuksan nung mga guards yung gate. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at nagtiim ang kanyang bagang. "Baby, let's go."

Pagkapasok namin sa loob. Nakita kong nando'n si Christineai. Nanlaki pa ang kanyang mata nang makita ang magkahawak namin kamay kaya awtomatikong bumitaw ako. Nagtaas noong lumakad ako patungo sa kanya.

"House-arrest for the bitch." Ngumisi ako sa bulong ni Christineai. "Ba't kasi sinunog mo pa siya? Edi sana nakakulong na ang bruhang yan."

"Bagay lang sa kanya yo'n." I smirked.

"Ladies." Tawag sa amin ni Hanz. Sinundan namin siya sa kwarto ni Janina. Nakatanaw siya sa labas habang nakahawak sa pasamano. Lumingon siya sa amin at nagbigay ng isang matamis na ngiti.

"Hindi ko akalaing tatraydorin ako ng aking anak." Mapait niyang sabi. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Hanz.

"I'm doing this for Silvestri and for my baby." Ang pagtiim ng kanyang bagang ay nagsasabing nagpipigil siya ng kanyang galit. "And for hurting her."

"Nabulag ka narin ba sa kasinungalingan, anak?" Hahawakan sana niya si Hanz nang umatras si Hanz palayo sa kanya.

"Wag mo 'kong hawakan na parang napakalinis mo!" He shouted.

"Silvestrine Hanz!" Napatingin kami sa taong pumasok na nasa wheel chair. Si Jacobos, bakit buhay parin ang isang 'to? "How dare you talk to your mom like that?!"

"How dare you talk like you didn't commited a crime, huh, Father?" Nakita ko ang galit sa mata ni Jacobos. Napilitan itomg tumayo gamit ang baston niya. Halatang gusto na siyang hampasin nito. "Sabihin niyo sa akin, bakit hindi karapat-dapat ikulong si Mom?"

"Because, you're the mayor! You have the power to control everything!" Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Hanz nang sabihin yo'n ni Jacobos.

"Hindi ibig sabihin na kaya niyang kontrolin lahat ay hindi na siya makakatakas sa hustisya. Remember, everyone has their own eyes. They believe in what they've heard and saw. The truth will come out after lies stuck on people's mind." Tinitigan ko siya sa kanyang mata. "Because, they're scared to say the truth. People are all against them. But, believe me, Jacobos, I am not your enemy and not even your son. Justice is your enemy." Jacobos chuckled while Janina slowly clapped her hands.

"Kill this woman." Pagkasabi ni Jacobos no'n ay itinutok ni Hanz ang kanyang baril kay Jacobos. Nararamdaman ko yung lamig ng nguso ng baril sa aking noo ngunit ngumisi lang ako.

Nakatutok kasi ang baril ni Christineai sa ulo nitong lalaki habang ako ay nakatutok ang baril ko kay Janina.

"Put your guns down!" Sigaw ni Jacobos. Dahan-dahan naming ibinaba at nakita ko ang paghinga ng maayos ni Janina.

Hindi na ako nagulat nang higitin ni Hanz ang kwelyo ng kanyang ama.

"If you're gonna plan killing my girl. Remember, I've already planned where cemetery you'll go." Giit na sabi ni Hanz.

Gamit ang baston ni Jacobos ay sinikmuraan si Hanz kaya napalayo siya rito.

"I should've gave my position to others! You're such a worthless son!" Sigaw sa kanya ni Jacobos.

Tumalim ang mata ni Hanz. "Don't call me son if I'm worthless. I never wanted to be in this position. Luckily, I can use my power to end this dirty games of yours."

"Mamatay kana!" Buong lakas na sigaw ni Jacobos. Mukhang tumataas na ang kanyang dugo. "Walang kwenta! Hindi edukado! Walang respeto!"

"Nawawala ang respeto ko sa tuwing naaalala kong namatay ang anak ko at ang kapatid ko nang dahil sa inyo. At wala kayong pake sa kanilang dalawa!" I hold his hands to calm down but he gripped it so tight. "Wag na wag kayong haharang. Dahil handa akong makipagpatayan sa babaeng 'to." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Hanz, no..." bulong ko. Umiling siya at matalim parin ang paningin niya.

"Take everything I have, except my girl." As he said that. He took my hand to get out of this room.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon