Chapter 47

1.2K 29 0
                                    

Tahimik kong hinahalo yung gatas na pinatimpla ko. Nakaupo ako sa gilid ng kabaong ni Dad at tahimik na pinagmamasdan yung mga taong lumalabas at pumapasok.

"Dad, I don't know what to do right now. I'm pregnant and Josh is kinda selfish." I chuckled when I realized I was talking to a dead person. "But, you know what, Dad? I really want to go there."

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nang iangat ko ang paningin ko ay si nanay lang pala yo'n. Naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok.

"I am not telling you to be selfish, Sarr." Malambing niyang sabi. "Pero, isipin mo ang magiging anak niyo?" I sighed.

"Mag-uusap lang kami, nay. Planado na lahat ni Hanz. Would you let me go?" Muli ay hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

"If that's what you really want. Pinagkakatiwalaan kita. I know you're a strong woman. Please take care of yourself." Hindi ko maiwasang yakapin si nanay sa sinabi niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at umakyat na ako sa kwarto ko. Hinanda ko ang sarili ko. Hindi na ako nagpakita kay Josh dahil paniguradong hindi niya ako papupuntahin. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko saka umalis sa mansyon.

Tatlong oras lang ang byahe pero kung mas bibilisan ko ang pag-andar ko ay mas mapapaaga ako sa sinabing oras ni Hanz. Inaapakan ko ang gas at nakitang tumatawag si Hanz. Later, baby. Papunta na ako.

Tinawagan ko kaagad si Hanz pagkarating ko sa Zambales. Sa capital niya ako hinintay habang nasa gilid niya si Ingrid. Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa aking labi.

"Nagkausap na kayo?" I asked.

"Yes. Mamayang gabi tayo magkikita-kita." I nodded. "Mukhang pagod ka. Saan mo gusto mag-stay? Sa condo mo o sa mansyon niyo?"

I smiled, "Sa condo nalang." Paniguradong nando'n si Starry sa mansyon.

"Ihahatid na kita ro'n."

"Wag na, Hanz. Magpapahinga lang ako ro'n." Nang mapatingin ako sa kanyang mata ay tumama ang sinag ng araw. Hinawakan niya ang pisnge ko at dahan-dahang ginalaw ang hinlalaki niya. Hanggang sa umabot ito sa labi ko.

"Is there anything wrong?" Umiwas ako ng tingin. Ayoko munang sabihin sa kanya. Gusto kong malaman niya ito pag natapos na ang lahat. Pag wala ng problema. Ayokong malaman din nila ito dahil paniguradong pupuntiryahin nanaman nila ang anak namin.

Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya. "Pagod lang ako." Tumango lang siya. Hinalikan ko siya muli sa labi at bumalik na sa sasakyan ko. I need to keep it as a secret.

"Welcome, my dear Sarr!" Sinalubong ako ni Starry ng yakap pero umilag ako. Pinaramdam ko sa kanyang nandidiri ako at nagagalit sa kanya. Nginisian niya ako at patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaupo ako. "Don't you missed this place?"

Pinalibot ko ang mata ko sa lugar at napadako ang paningin ko chandelier na napakagandang tingna. Sa gitna nito ay ay may mahabang lamesa, mukha rito ginaganap ang mga pagsasalu-salo noon ng mga matataas na posisyon. Sa magkabilang gilid ay may mahabang hagdanan.

"Take a seat, hija." Solo ko lang pumunta rito dahil nakagawa na ng plano si Hanz. "Himala at solo mo lang pumunta rito."

Ngumisi ako, "Bakit? Kailangan ba palaging may kasama?" Humalukipkip siya at ngumisi rin. "Bakit mo nga pala ako pinapunta?"

"Ah, oo!" She snapped her fingers and a man handed me pictures. Nagtaka naman ako. "Lahat ng taong makikita mo riyan ay kasama sa kasong ito. Ako mismo ang magsasabi lahat." Pinagsiklop niya ang dalawang kamay niya.

Isa-isa kong tiningnan ang litrato at una kong nakita ay si Bryant at Diana Ortigas. Sa pangawalang litrato ay yung mag-asawang Selrom. Sumunod naman ay si Starry. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh, magtataka ka pa? Syempre, ilalagay ko na ang sarili ko." Nagpasindi siya ng sigarilyo sa lalaki sa gilid niya. Umiling nalang ako at tinignan yung sumunod.

Kumunot ang noo ko nang makita ang litrato ni Silvestri. Magtatanong pa sana ako nang patigilin niya ako. I can read her eyes, she wanted me to look at the next picture.

Dahan-dahan kong inilipat at nakita ko ang sarili ko. Nakangiti ako sa litratong yo'n na parang walang problema. Na akala mo walang kinalaman sa lahat ng nangyayari. Tama nga sila. Kahit pilitin mong kalimutan ang nakaraan, kahit ilang beses mong itatak sa isipan mong hindi nangyari yo'n. Mararamdaman at mararamdaman mo rin.

"Naalala mo ba na sainyong dalawa nagmula lahat ng galit?" Ibinaba ko yung litrato sa lamesa at nagulat ako nang kuhanin ito nung isang lalaki at sinunog yo'n sa harapan ko. "Naalala mo bang hindi magkasundo ang Selrom at Sartorius pero kayong dalawa ay nagmamahalan parin?"

Hinayaan ko siyang magsalita. Matalim lang akong nakatingin sa kanya.

"Pero, alam mo bang hindi ka minahal ni Silvestri?" Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Tapos na yo'n, wala na akong pake. "Alam mo bang niloloko ka niya habang kayo pa? At nang malaman mo yo'n ay balak mo rin siyang patayin? Nagpapakatanga kasi kayo sa isa't isa."

"Wala akong maalalang gusto ko siyang patayin!"

"Gusto mo siyang patayin, Sarr. Nagtataka nga ako nang malamang hinahanapan mo siya ng hustisya e." Saka siya tumawa na parang baliw. "Kilala mo ang mahal niya? Kilala mo?"

"Ako ang minahal niya." Madiin kong sabi.

"Hindi ikaw, anak." Umiling-iling na sabi niya. "Si Diana Ortigas ang babaeng minahal niya. Ngayon ay magkasama naman na sila. Nakakatuwa at ikaw ang nakapatay kay Diana."

"Bakit sinasabi mo 'to lahat?" Pagtatanong ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking buhok pero pilit akong umiiwas.

"Para malaman mo lahat." Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Ngayong alam mo na. Kailangan mo narin mamatay, anak." Pagkabulong niya no'n ay sinipa niya ang upuan ko pero nakatayo ako kaagad at tinutok sa kanya ang baril ko.

Napatingin ako sa paligid nang lahat sila ay nakatutok ang mga baril.

"Anak kita kaya alam kong magsasakripisyo ka." Ngumisi siya. "Ang Zambales o ang Tarlac?" Nanlaki ang mga mata ko at nanginginig ang katawan ko sa galit.

Fuck! Hanz! Where are you?!

"Decide now, Sarr. Hindi na pupunta ang isang yo'n para saklolohan ka." Sabi niya. "Paano na ang anak niyo?" Nag-apoy ako sa galit nang sabihin niya yo'n. Itinutok ko sa kanya lalo yung baril. Hinding-hindi ko tatanggalin ang pagkatutok sa kanya.

"Don't you dare."

"Shoot me, honey." She opened wide her arms while smiling. Nanginginig na akong barilin siya, pero pag ginawa ko yo'n ay paniguradong tatadtarin nila ako ng bala. "Shoot me!"

Napapikit ako ng mariin nang isigaw niya yo'n. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong ibinaba ang baril ko. Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko.

"I'm not a murderer..." ngumiti ako. "...mom."

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon