I'll be the one who'll finish Josh's work here. Wala muna akong tatanggapin na projects hangga't hindi pa ako nakakaalis dito sa Zambales. Sasakay na sana ako sa kotse nang hilahin ni Hanz yung pulsuhan ko.
"What?" Malamig kong tanong.
"Why did you come back, baby?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lalo na nung humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko. Inilapit niya ako sa kanya pero umiwas ako ng tingin.
Iwinaksi ko ang pulsuhan ko at masama siyang tiningnan.
"Wala kang pake, Hanz." Bago pa niya ako mapigilan ay sumakay na ako sa kotse ko.
Nang makarating ako sa mansyon ay ro'n ko naramdaman na sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Napadako ang tingin ko sa mailbox kaya binuksan ko yo'n. Bumungad sa akin ang mga sulat at dyaryo.
Isa-isa ko itong tiningnan at isa lang ang umagaw ng pansin sa akin. Mukhang bago lang siya.
Kulay white and gold ang invitation. Paniguradong ito ang pupuntahan sana ni Josh. Alam kong marami nang bago sa probinsyang ito. Kaya hindi ko alam kung saan 'tong lugar na 'to.
Napangisi ako. Paniguradong nando'n lahat ng tao mula sa mayayamang tao. Maraming mapanghusga at matapobre. Ako? Should I make an entrance? Or a speech with evilness? Hmm, why not both?
Bukas pa naman yo'n. Pwede pa ako mag-isip. Siguro ko ay hahanapin ko muna yung lugar.
Habang nagmamaneho ako ay halos mapamangha ako sa ganda ng lugar. Sa loob ng tatlong taon ay gumanda na ito. Parang napakaimposible.
"Kuya, saan yung The Hill?" Tinitigan niya muna ako bago sagutin.
"Sa Palanginan yo'n." Hindi na ako nagpasalamat. Nasa Palanginan? Hindi ko nakita yo'n ah. Dahil siguro sa pagmamadali yo'n.
Bumungad sa akin ang isang hotel na mukha pang 5-star. Teka, probinsya ang lugar na 'to. Hindi ba alam ng may-ari na baka malugi sila? Sabihin na natin na pupuntahan 'to ng mga turista pero parang hindi parin aayon.
Biglang tumunog yung cellphone ko. Nakita kong si Josh ang tumatawag kaya napairap nalang.
"Ate! What the fuck! Bakit nagpa-iwan ka?! Anong gagawin mo? Nasaan ka?!" Mukhang galit na galit siya.
"Easy, Josh. I'll be the one who'll substitute to your meeting and anything. Nandito ako sa tapat kung saan gaganapin yung pagsasalo bukas." Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"I'm gonna tell you something." Sabi niya. "It's my hotel's grand opening tomorrow. At bukas ipagpapatotoo na magiging syudad na ang lugar na yan." Nanlaki ang mata ko.
"You own this damn hotel, Josh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, ate. Kaya kailangan kong pumunta riyan. At ikaw, umuwi kana." Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"No. Sasabihin ko kay Dad na ako ang a-attend do'n. Wala akong pake kung grand opening yo'n ng hotel mo. Baka nakakalimutan mo rin na si Dad mismo na gustong ipaiwan ako rito, di'ba?" Binabaan ko siya ng tawag.
Matapos kong masabi kay Dad ay pumayag na siya kahit labag sa kalooban niya pati si Josh. Nilagyan ko nalang ng lipstick ang labi ko bago lumabas ng mansyon.
Pagkarating ko ro'n ay halos mapuno na yo'n. Malamang ay nasa conference hall sila ng The Hill. Dahil nasabi ko naman na kay Josh ay inutusan na niya ang mga tauhan niya na ako ang mangunguna sa pagtitipon na 'to.
Nagtinginan ang mga tao sa akin nang tumama ang ilaw sa akin habang naglalakad sa red carpet. May mga ilaw na mula sa camera at panay ang ngiti ko. The bitch is back, peasants.
Nang makaapak na ako sa entablado ay halatang nagtataka na yung mga tao. Ngumisi ako.
"Good evening, ladies and gentleman." Bati ko. "I'm here to substitute my brother in his position. I know this is very important and memorable to all of you being part of this. But, sorry to say, the owner of this hotel was injured because of car accident."
Ngumiti ako at tiningnan lahat ng mga tao na nandito. Puro mga bigatin dahil yung iba ay nagkaroon na ng proyekto sa akin.
"I'm Architect Sarr Antha Sartorius, I'm here to welcome all of you. I have no words to say-"
"Akala namin patay kana." Sabi nung isang lalaki.
"Excuse me?" Sumingkit yung mata ko. If they're trying to pull my trigger. Why not?
"I was just saying." Sabi nito at bumaling sa iba. Nag tiim bagang ko.
"How did your brother succeed?" Tanong naman nung isang matandang babae.
"He's not a clingy brother to me. I don't know what he likes or what he does. But, I can tell you by observing him. He's a mysterious guy-"
"Let's not talk about him, Architect. Tutal ikaw ang nandito. How did you succeeded?" Natawa naman ako sa tanong. Kanina pa ako tingin ng tingin pero hindi ko parin siya nakikita.
"I went through a lot of struggles or should I say bullshits. I grew up here, it was peaceful, you know? I had so many great memories here. Even the war." Nakangising sabi ko. "I succeeded because I wanted to give him justice. I succeeded because of my weakness. I succeeded because of boldness I'm showing. I succeeded because I wanted to drag them down. I succeeded because..."
Dumako ang paningin ko sa taong kanina ko pa hinahanap. Binigyan ko siya ng isang malaking ngisi.
"Because of her." Malamig kong sabi. "Janina Selrom, because of your evilness. I succeeded and ready to hit the rock bottom. With or without you."
"Anong kinalaman dito ni Madam Janina, Architect?" Tanong nung isa.
"The past." Sagot ko. "Before I end this lovely speech of mine. I wanna tell to everyone. If you'll get in my way, you'll regret it. And, oh, it was Janina's plan. She wanted me to die. So, I'm trying to let her die, too. Not in the news, but in reality."
Walang ni-isang umiimik.
"Good evening, again. Enjoy this party." Binagsak ko yung mic sa sahig at ngumiti ng napakalaki habang pababa sa entablado.
I swayed my hair, showing my curves at my back. I opened the double-doors and left without looking back.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Romance"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |