"Ingrid!" Sigaw ko mula sa kabilang linya. Agad kong pinaandar yung sasakyan ko at inapakan yung gas. "Investigate Silvestrine Hanz Selrom." Pagkasabi ko no'n ay hinagis ko yung cellphone ko sa passenger's seat.
Napatingin ako sa side mirror ko at nakita kong hinabol niya ako hanggang labas. Hanggang sa napahawak siya sa kanyang tuhod. Napakahirap pigilan ng luha lalo na kung napakabigat na ng nararamdaman mo.
Pinuntahan ko si Narisse sa casino niya. Sinalubong niya ako at niyakap ng mahigpit. Halatang masaya ang isang 'to ah. Naupo ako sa stool bar at magsasabi na sana ng iinumin nang unahan niya ako.
"Bad wiser, Long." Sabi niya ro'n sa bartender. Tumango naman ito at ayo'n ang hinanda para sa amin. "So, tell me?" Nagsindi siya ng sigarilyo niya.
"Naguguluhan na ako kung sino ang paniniwalaan ko." Sabay inom ko sa baso ko. Habang siya naman ay nagbuga ng usok.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Ngumiti ako ng peke.
"Si Hanz." Nakita ko ang pagkurba ng kanyang labi at unti-unting pumapalakpak.
"If you really love him, papaniwalaan mo siya." Humithit ulit siya sa sigarilyo niya.
"Ayo'n nga e. I love him but I saw dreadful things he does. I don't know, but I guess he's planning something. Tell me, who wouldn't doubt about that?"
"Listen, honey." Nilapag niya yung sigarilyo niya at lumapit ng kaonti sa akin. "Our life is fucked up. Come to think of it, the man who already owns you or your eyes that believe lies? What would you choose? Well, I'm not saying that your whole life was a lie." Ngumisi siya. "Or maybe, is it."
I rolled my eyes, "I don't wanna answer your question. Hindi konektado."
"Tama! It is not. That's why, you should choose wisely, honey." Then, she winked at me. "Oh, ibahin natin yung tanong. Mata o puso?"
"Well, I'll choose the eyes." Lumayo siya sa akin at dumikwarto. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
"You can't see the lies and truth without this," then she pointed at her chest. "Without heart!" Natawa nalang ako at umiling.
"How 'bout you? You are always using your heart. But you're blinded by what you saw." I smirked.
"Our story is different. They deserved it." Saka siya nagbuga ulit ng usok. Napadako ang paningin ko sa entablado ng bar niya. Hindi gaanong ka-wild ngayon dahil mamaya pang madaling araw yo'n. "Anong gagawin mo ngayon?"
"Magpapakalasing." Pagkasabi ko no'n ay nakita ko ang pag ngisi niya.
"Go, I'll stay here." Sabi niya. Kinuha ko yung beer na kakalagay lang sa harapan namin. Tinungga ko yo'n habang naglalakad. Isa-isa kong tinitignan yung mga tao rito.
Yung mata ko parang babagsak na dahil sa mga nainom ko. Nagulat ako nang may pumulupot na braso sa baywang ko. Kahit hindi ko makilala yung mukha ay pilit ko paring kilalanin ito.
"Why are you alone?" May halong pang-aakit ang boses niya. Pilit kong kumawala pero mahigpit yung hawak niya.
"Bitiwan mo 'ko kung ayaw mong masaktan." Walang anu-ano'y sabi ko.
"Masaktan? Show me how bad you are."
Umabot kami sa isang kwarto at tinulak niya ako sa kama. Alam kong lasing ako pero alam ko parin yung nangyayari. Medyo malabo ang itsura niya at nakikita kong nagtatanggal siya ng damit niya.
"Show me-AH!" Pagkalapit niya ng kamay niya ay agad kong pinulupot yo'n at tinulak siya palayo. "Gago ka! Bitch!"
Tumawa ako ng marahan at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Bitch?" Saka ko siya sinipa sa pagkalalaki niya at tinuhod ko ang kanyang ulo. "Take this, motherfucker!" Tumalon ako sabay sipa muli sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Romance"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |
