Chapter 12

1.6K 35 0
                                    

Naalimpungatan ako sa malakas na kalabog mula sa baba. Agad akong tumayo at bumungad sa akin ang mga pulis. Naabutan kong nakasandal lang si Josh sa pader habang pinapanuod ang mga pulis na halughugin ang mansyon namin.

"What the hell?!" Napataas ko ang kamay ko nang itutok nila ang mga baril nila sa akin. "Anong nangyayari rito?! Where's nanay, Josh?!"

"Easy, sis. Let these assholes mess our mansion. Hayaan mo sila. Wala naman silang mapapala." Saka siya umiling at umalis.

"Put the fuck down your guns!" Sigaw ko at sinunod naman nila. Napairap nalang ako.

Kumuha muna ako ng yogurt bago bumalik sa kwarto ko. Laking gulat ko nalang nang may isang lalaki ro'n. Nakatalikod siya sa akin at hindi ko alam ang ginagawa niya. I cleared my throat.

"I didn't gave you permission to enter this room." Sa sinabi kong yo'n ay lumingon siya sa akin. He gave a genuine smile then shook his head.

"I'm Detective Ingrid," pagpapakilala niya sabay pakita ng kanyang I.D. "Inutusan kami ni Mayor na mag imbestiga sa loob ng mansyon niyo. Wala namang kakaiba pero ito..." Nanlaki ang mata ko sa hawak niyang lipstick; recorder.

"Anong gagawin mo sa lipstick ko?" I tried to act normal pero binigyan niya ako ng isang ngisi.

"Hindi ako tanga para hindi malaman ang mga hi-tech na gamit ng mga taong katulad mo." He removed the cap and a red button appeared. "You recorded everything. Kitang-kita sa CCTV." Fuck, akala ko hindi mahahalata!

"So, what?" Ngumisi ako. "Kung inutusan ka ng mayor. Malamang alam mo na lahat ng katotohanan." He shrugged then put my lipstick inside his pocket. Shit talaga.

"Maybe, yes. No." Magulong sabi niya. Pilipitin ko ang leeg nito e. Kailangan kong mag-isip para makuha yo'n. Think, Sarr!

"Binayaran ka ba nila ng malaki, huh?" Iritang sabi ko.

"I'm not on both sides. I'm just doing my job. Kung sino matimbang, siya ang makukulong." Nang daanan niya ako ay agad kong hinarang ang kamay ko.

"Hindi ka makakalabas sa kwartong 'to nang hindi mo binibigay ang lipstick." He smirked.

"If that's what you want." Pagkasabi niya no'n ay tinulak niya ang kamay ko pero mabilis naman akong nakaiwas kaya nahuli ko ang braso niya saka pinilipit. "Nice one." Then, he winked.

Nagulantang ako nang buhatin niya ako at ibalibag sa sahig. Tiniis ko ang sakit para mahila ko pabalik ang paa niya at dinaganan siya. Kada suntok ko sa kanya ay panay depensa siya.

"Fight me, Detective." Diing sabi ko.

Hinawakan ang dalawang pulsuhan ko at napangiwi ako sa sakit no'n.

"Ano? Lalaban pa?" Bigla niya akong tinadyakan sa tiyan para mapalayo sa kanya. Imbes na umalis na siya ay nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. He even held his hands to me. "Hindi mo maaagaw 'to, Sarr."

"Paano kung maagaw ko?" Nawala ang ngiti niya nang sipain ko ang pinto pasara at humarang do'n. "Hindi pa ako tapos sayo!"

"Mga babae talaga. Gustong masaktan kahit wala nang magawa." Makahulugang sabi niya. "Pinaglalaban ang dapat hindi na ipaglaban. Kung ako sa'yo, magbabagong buhay kana lang." Biglang nag-init ang ulo ko.

"Kaya kong gawin yo'n! Pero, ang pagkuha ng hustisya para kay Silvestri ay walang ibang makakagawa kundi ako!" Sinugod ko siya at inambahan ng napakalakas na suntok na ikinatumba niya.

Panay ulit siya depensa sa mga suntok ko. Nang makakuha ako ng tiyempo ay inilusot ko ang kamay ko sa bulsa niya saka nakuha ang lipstick. Susuntukin niya sana ako pero dinuraan ko siya.

"Suko na?" Biglang bumukas yung pintuan at iniluwa ro'n ang kapatid ko kasama yung mga tauhan ni Ingrid.

"Kaya pala nagkabasag-basag." Bulong nung isa sa katabi niya.

"Hardcore si boss." Kumunot ang noo ni Josh sa narinig kaya sinipa niya yung dalawa. Nang namimilipit na sa sakit yung mga lalaki ay pumasok si Josh.

"May napala ka ba, Ingrid?" Malamig na tanong ni Josh sa kanya. Tumalim ang paningin ko sa detective na 'to.

"Wala." Maikling sabi ni Ingrid at tumayo na. Sinipa niya yung dalawang kasamahan niya na namimilipit sa sahig. "Pero, sa susunod ay makakakuha rin ako." And with that, they left.

Napadako ang tingin sa akin ni Josh. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Akala ko si Hanz." Mapanuksong sabi niya. Agad ko siyang sinipa sa pwet.

"Siraulo!" I yelled at him. Mas lalo pa akong naasar nang makitang nasira ito dahil nadaganan namin kanina.

Hindi ako pumunta sa mall ni Hanz kundi pumunta ako ng library para hanapin yung mga lumang dyaryo. Tinitigan muna ako nung babae bago ako pinapasok. Don't worry, hindi ako pumapatay ng inosente.

"Saan nakalagay yung mga news papers?" Nakakunot ang noo nung matandang lalaki at itinuro yung isang pintuan.

"Diyan lang nakatago," tumango ako at pumasok do'n.

Masyadong maalikabok at paniguradong walang pumapasok dito. Pumunta ako sa dulo kung saan nagkukumpulan ang mga dyaryo. Tanging lampara lang ang nagpapailaw sa loob ng silid na 'to kaya hindi ko masyadong makita ang paligid.

"Sartorius, Sartorius, Sartorius..." I said as I traced my index finger on news papers deck. "Gotcha!"

Naupo ako sa isang silya at do'n tiningnan ang dyaryo. Gusto kong malaman kung bakit nag-away ang Selrom at Sartorius. Nakita ko ang family picture ng Sartorius at nakita ko kaagad si Nanay ro'n.

"Giraldo Sartorius, new mayor..." si Tatay. "...made an inferno through the whole farm." Basa ko. Bakit? Bakit napakademonyo ni Tatay?

Nakarinig ako ng ingay kaya tahimik ko nalang binasa 'to.

The Selrom needed justice for the people. Sartorius, declined.

Is this the end of Sartorius?

Mayor Giraldo killed innocent people. Death penalty!

Rivals of the Year! Selrom vs. Sartorius

Selrom wins!

Making everything in peace.

New generation is coming up! Will it repeat the history?

Sarr Antha Sartorius, the new antagonist of this province? What the fuck?!

Hindi ko na binasa yung iba. Alam kong sinimulan 'to ni tatay. Siya ang unang umatake at pumatay. Pero ngayon, isang Sartorius din ang tatapos sa kanila. I mean, this is all fake! 'Making everything in peace' was the day they killed Silvestrine!

Binitbit ko ang mga dyaryong 'to at lumabas na ng library. Dire-diretso ako sa paglalakad kahit ang mga tao ay nakatingin. I wore my sunglasses before the sun hits me.

Bago ako makasakay sa sasakyan ko ay nakita ko si Hanz na palabas ng isang coffee shop. Huh! May kasama pa siyang babae! Ang lakas pa ng loob nung babae na halikan siya sa pisnge. Why are you smiling there, you fucker?!

Pinagbuksan niya pa ng pintuan ng sasakyan at nang iikot na siya papuntang driver's seat ay tumama ang paningin niya sa akin. Gosh! Sana hindi niya ako nakilala!

Nagmadali akong sumakay ng kotse at nagkanda-hulog yung mga dyaryo. Shit! Bakit ba ako kinakabahan? Ano naman kung nakita niya 'ko? Ano naman kung hinalikan siya nung babae?!

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon