Chapter 36

1.3K 32 0
                                    

"She's good." Rinig kong sabi. "Napakaimposible pero hindi siya nabalian ng buto. Nagkasugat lang siya at alam kong madali lang itong magamot." Medyo lumabo na yung boses hanggang sa makarinig ako ng pagsarado ng pintuan.

Nakaramdam ako ng paghaplos sa pisnge ko. Medyo magaspang ang kanyang kamay kaya napadilat ako at una kong nakita ang kanyang berdeng mata.

"S-silvestri..." nahihibang na ba ako? Hanggang sa medyo luminaw na ang aking paningin. Napagtanto kong si Hanz pala ito. "I-i'm sorry. A-akala ko-"

"Shh... it's okay." Hinalikan niya ako sa noo.

"Nasaan ako?" Imbes kasi na puting silid ang nakikita ko ay beige ang kulay ng pader at may mga gamit pa ro'n. Parang kwarto ng isang teenager.

"Sa bahay ni Detective Ingrid." Kumunot ang noo ko. "Hindi ka namin dinala sa hospital dahil narinig naming nakatakas sila Mom. Tinulungan sila ni Bryant at wala akong ideya kung nasaan sila."

"Si Christineai?" Nagulat ako nang pumasok si Christineai at nakita ko si Ara sa tabi niya. "Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin." Turo ko kay Ara.

"Well, long story." Nagtaka pa ako sa suot ni Ara. Ang alam ko ay hindi siya nagsusuot ng bestida. Hanggang sa dumating si Ingrid at hinigit niya ang kamay ni Ara pero iwinaksi lang nito. "Don't touch me." She hissed.

"You need to go, Tremor." Seryosong sabi ni Ingrid. Nagkatitigan sila hanggang sa bumigay ang bruha.

"Fine." Maarteng sabi niya at umalis sa harapan ko. Nakita ko ang pag ngisi ni Christineai at parehas kaming nagkibit balikat. Well, the drama queen's having a love life, huh?

"Pero, tama ba ang narinig ko? Nakatakas sila?" Hinawakan ni Hanz ang kamay ko at tumango.

"Kailangan nating magdoble ingat. Pero pag nahuli natin sila. Siguradong kulungan ang bagsak nila. Kahit kalahati palang ang nalalaman natin. Alam kong sapat na yo'n para makulong sila." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Paano yung pinakamaster mind?" I asked.

"Wag mo munang isipin yo'n. Kaya na ni Ingrid yo'n." Ngumiti ako at tumango.

Hanggang sa maalala kong dadating pala sila Josh para tingnan yung hotel niya. Kinuha ko kaagad yung cellphone ko. Nang tawagan ko siya ay agad na sinagot niya.

"Are you okay, Sarr?!" Sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Yes, I am." Napahawak ako sa noo ko. "Fuck, I'm sorry. Hindi ko naingatan ang hotel-"

"Sarr, we need to talk." Seryosong sabi niya. "We are waiting you here in our mansion."

"We? Sinong kasama mo?" Halos bumilis yung takbo ng puso ko. Tumingin sa akin si Hanz at mukhang nagaalala siya.

"Dad's here." Pagkaputol niya no'ng tawag ay tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Hanz.

"Wait, wait, what the hell?" Kumunot ang kanyang noo. "Hindi pa kaya ng katawan mo. At gumagawa na panigurado ng aksyon yung dalawa."

"Pero, kailangan kong kausapin sila Dad." Pumungay ang kanyang mata. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Baby, I just want you to be safe." Napapikit ako ng marahan. "Please, gawin mo muna ang gusto ko. Kung gusto mo ay ipapunta ko sila rito." Dahan-dahan akong tumango.

Habang hinihintay sila Josh ay sinamahan ko muna si Christineai sa salas at nadatnan kong grabe siya makapindot sa keyboard niya. Mukhang galit na galit sa kausap niya.

Kakausapin ko na sana siya nang makarinig kami ng busina sa labas. Si Hanz na ang sumalubong sa kanila. Pagkapasok nila ay awtomatikong napatayo kami ni Christineai. Sinenyasan kong lumabas silang dalawa. Si Christineai lang ang lumabas at naiwan si Hanz sa tabi ko.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon