Chapter 21

1.2K 28 0
                                    

"May gagawin ka pa ba bago umalis dito?" Tahimik lang ako nakaupo sa labas ng mansyon. Wala akong ginawa kundi matulog at kumain. Ni hindi ako lumalabas. Ayoko silang makita. Napakasakit nila sa mata. "Gusto mo bang magpaalam sa lalaking yo'n?"

Napairap nalang ako. Humalukipkip ako at sinipa yung isang upuan sa tabi ko.

"He doesn't need a damn good bye." Ngumisi ako.

"Then, what?" Naupo siya sa harapan ko.

"I guess, mas maganda kung babalik ako na, 'Surprise, motherfuckers!'" Tumawa si Mom ng malakas at ako nanatiling malamig ang itsura.

"Wala ka talagang gusto gawin?" Napaisip naman ako. Bakit ba pinipilit niya akong palabasin? Tutal wala naman akong ginawa buong araw. Susubukan kong makalabas.

"May pupuntahan lang ako." Nangalumbaba si Mom at ngumisi.

"Mag-iingat ka." Inirapan ko lang siya at dumiretso sa kwarto para mag-ayos.

Napadako ang tingin ko ro'n sa mga maleta. Ito na lahat ng gamit na idadala ko ro'n. Magtatagal ba ako ro'n? Kakayanin ko ba na hindi nagagawa ang dapat gawin? Napawi ang ngiti ko nang maalala yung plano ko.

Pasensya na, Silvestri. Hindi pa ngayon ang panahon para makuha ang hustisya mo. Masyado pa akong mahina. Akala ko noon ay kaya ko na. Pero, nang dahil sa pagmamahal, nawala ako sa konsentrasyon.

Natawa ako ng peke. Noong pinaglaban mo ang pagmamahalan natin, Silvestri. Nakakatuwa ka dahil kahit napakaraming hadlang ay hindi ka tumigil hanggang sa dulo.

Pero, parehas kaming sumuko agad. Parehas kaming walang tiwala sa anumang mangyayari. Duwag ka, Hanz! Isa kang duwag! Ikaw ang lalaki sa atin pero duwag ka!

Hindi na ako gagamit ng kotse dahil sa lugar lang naman na yo'n ang pupuntahan ko. Ang sementeryo. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Binaba ko yung bulaklak na binili ko at ngumiti.

"Salamat sa'yo dahil nakapagmove-on na ako. Kaso, mali ang desisyon ko. Mas lalong nasira." Pumait ng sobra yung ngiti ko. "Puro lang pala ako salita."

Nahiga ako sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan. Unti-unting napapapikit ang mata ko. Nang may marinig akong sasakyan at mga yakap na papalapit sa akin. Agad akong napabangon at bumungad sa akin ang kalalakihan.

Ngumisi ako at tumayo. Pinagpag ko pa yung damit ko.

"Sumama ka sa amin." Sabi nung isang lalaki.

"Paniguradong pinautos kayo ng isa sa Selrom. Sino? Si Janina? Jacobos?" Walang sumagot isa sa kanila. Sinong tangang sasagot diba? "O baka si Hanz."

"Sumama ka nalang sa amin kung ayaw mong masaktan." Kalmadong sabi nito.

"Umalis na kayo rito kung ayaw niyong masaktan." Madiin kong sabi. Halos magtiim bagang na ako.

"Sarr Antha-" hahawakan sana ako nung lalaki nang hablutin ko ang kamay niya saka ibinalibag.

Sumugod na yung iba at panay amba nila ng suntok sa akin. Sinipa ko ang mukha nung dalawang papalapit sa akin mula sa likod. Yung lalaking may hawak ng kahoy ay sinipa ko yung tuhod at inagaw sa kanya yung kahoy para ihampas sa kanya.

Panay ang ilag ko nang sumugod yung tatlo. Pero nakaisip ako kaagad ng paraan. Pagkalapit nang isa ay sinipa ko ang alaga nito at tinulak do'n sa kasunod. Sabay silang nauntog do'n sa puno at yung isang papalapit sa akin ay agad kong sinuntok sa mukha.

"Tigil!" Sigaw nung huling lalaki. Nakita kong nakatutok ang kanyang baril sa akin kaya dahan-dahan kong itinaas yung kamay ko. Nagulat ako nang may mga bagong kalalakihan sa likuran ko na may nakatutok din na baril.

"Gonna kill me, huh?" I smirked at them. Mahihina ang mga 'to. Lumaban sila ng patas, hindi ganito. "Then, kill me!"

Nawalan ako nang malay nang may humampas sa akin. Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng malamig. Unti-unting lumilinaw ang paningin ko at napabangon ako nang mapagtantong nasa isang kwarto ako. Wala ni isang gamit dito sa loob.

Fuck! Those goons kidnapped me! Lagot ang mga yo'n sa akin!

Biglang bumukas yung pintuan at bumungad sa akin yung demonyong nagpakuha sa akin. Tinapunan ko nang matalim na tingin si Janina.

"Sinabihan na kita, Sarr Antha Sartorius." Pag-uulit niya sa sinabi niya rati. Nagpupumiglas ako dahil nakatali ang kamay ko.

Tumawa ng malakas si Janina nang makitang hindi ako makagalaw. Hindi parin siya natatakot sa tingin kong galit.

"Pakawalan mo 'ko!" Galit kong sigaw. "Sisiguraduhin kong paglabas ko dito ay mamamatay ka!" Halos lumabas na ang ugat ko sa leeg.

Ngumiti lang si Janina at may inabot sa kanya yung isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita ang latigo.

"W-wag-" bago ko pa matapos ang sasabihin ay napuno nang ingay ng sigaw ko ang buong silid dahil sa paghampas.

"Diba sinabi kong wag ka nang bumalik dito! Pero paulit-ulit kang bumabalik!" Sabay hampas ulit nito sa aking likod. Kumakalat ang dugo sa sahig at halos wala na akong magawa.

"Kahit ilang beses mo akong saktan. Sisiguraduhin kong makakalabas ako rito at kapag bumalik ako muli ay kamatayan mo na!" Ngunit tumawa lang si Janina.

"Hindi kana makakabalik dito!" Tili nito at walang pagod na hinahampas sa likod. Napaubo ako ng dugo at halos wala ng lakas maglakad.

"Pagbabayaran mo 'to lahat. Demonyo ka. Pinatay mo si Silvestri!" Isang malakas na hampas nito sa aking hita na pagkasigaw ko.

"H-hindi ko siya pinatay." Sabi ni Janina na parang inosente kung magsalita. "Gusto niya yo'n. Ginusto niya yo'n para sa'yo! Sana hindi ka nalang nabuhay dahil sa'yo nawala ang anak ko!"

"Hindi ko kasalanan ang mga pinaggagawa ng anak mo. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Mamamatay tao! Pinatay ang sariling anak!" Sa sobrang inis ni Janina ay hindi na siya nakatiis na sakalin ako.

Pero imbes na sakit ang ipakita ko ay nginitian ko lang siya at dinuraan ng dugo sa mukha.

Nang mawalan ng malay si Sarr ay tinawag niya ang isang lalaki.

"I want all of you to clean all this mess and throw that girl somewhere else." Tumango yung mga lalaki.

Nang makalabas si Janina sa bahay mula sa likod ng mansyon nila ay nakasalubong niya si Hanz na nakunot ang noo at mukhang nag-aalala.

"Anong ginawa mo, Mom?" Tanong nito. Wala siyang ka-ide-ideya kung sino ang pinaslang ng kanyang ina.

"Wala kana dapat pakealaman." Sabi nito pero panay ang tingin ni Hanz at gustong-gusto na niyang pasukin 'to.

"Mom, gusto kong malaman kung ano-"

"Silvestrine Hanz! Don't make me angry!" Natigilan si Hanz at lumamig ang kanyang ekspresyon. "It was nothing. Nakapagpaalam kana kay Sarr?"

"Bakit?"

"Kasi nagpapaalam na siya sa'yo." Saka inabot ni Janina ang isang sulat kay Hanz.

Nang mabasa yo'n ni Hanz ay wala siyang ibang nararamdaman kundi galit.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon