Pagkamulat ko ay bumungad sa akin ang nakangiting Silvestri. Inilibot ko ang paningin ko, para kaming nasa isang paraiso. Napatingin naman ako sa kamay kong may hawak na baril.
"You seems fighting for love, Sarr." Nakangiting sabi niya. Tumawa ako ng marahan.
"Yeah." Saka ko naalala si Hanz.
"Napapagod kana ba?" Kumunot naman ang noo ko. "Napapagod kana bang alamin lahat ng katotohanan?"
"Malapit ko ng malaman, Silvestri." Sabi ko.
"Sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang katotohanan." Saka niya inilahad ang kamay niya. Tinitigan ko lang yo'n. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay pumungay ang mata niya.
"D-diba wala kana. Paano mo ipapakita?" Pero nanatiling nakalahad ang kanyang kamay.
"Mahal mo 'ko, diba? Ba't ayaw mo akong samahan? Lilibot lang naman tayo sa lugar." Umiling kaagad ako. Hindi ko alam kung bakit hindi makagalaw ang katawan ko. "Sarr, sumama-"
"Ayoko, Silvestri." Naiiyak kong sabi. "Mahal kita, pero hindi ako sasama sa'yo." Awtomatikong umangat ang kamay ko at pinaputukan siya ng baril. Umalingawngaw yung tunog ng baril at nakita kong nakahandusay siya habang naliligo sa sarili niyang dugo.
Napadilat ang mata ko at nakitang kong natataranta na yung mga doctor at nurse. Hinahanap ko sila sa paligid pero wala akong nakikita isa sa kanila.
"Nasaan sila?" Pagtatanong ko.
"Ma'am, stay calm. Your father and brother are fine." Nakahinga ako ng maluwag. Pero, naalala kong nabaril si Dad at si Josh ay hindi pa masyadong magaling no'n.
"How 'bout my brother?" Naalala ko yung baril. "Natamaan ba siya?" Pinilit kong umupo pero pinigilan ako ng mga nurse.
"Ma'am-"
"Tell me, sinong nabaril sa kanila?" Biglang may pumasok na doktor at kinausap niya yung ibang nurse at lumabas yung iba. Magtatanong sana ulit ako nang magsalita siya.
"Ikaw ang nabaril, Miss Sartorius." Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko. Mas maayos na yo'n kaysa sila ang natamaan. "May bibisita nga pala sa'yo." Nakita kong pumasok si Ingrid.
Lumabas na yung doktor habang siya ay naupo sa upuang tabi ng kama ko. Inayos niya yung buhok niya at isa-isang tiningnan yung files.
"You good?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
"Yeah." Sagot ko. "Kamusta naman? Nahuli niyo ba siya?"
"Si Janina?" Tumingin siya sa akin. "Yes. Kinulong muna ulit siya hangga't hindi ka pa nakalabas." Mas lalong gumaan ang loob ko nang may naalala ako.
"S-si Hanz?"
"Hmm," naghalo-halo na yung mga papel na hawak niya. "He's not part of it. But, he's kinda weird these past few days." Oh, because he's good at doing bad things.
"The system Rinsaki hacked?" Nakita ko ang pagkabigo niya. Dahan-dahan siyang umiling. "H-he-"
"He failed. Na-corrupt ang computer niya. Protektado ang system nila." Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Ako mismo ang aalam-"
"Kakagamot lang sa'yo. Hindi mo pa kaya. Maybe, you'll stay here for like days." Umiling ako at tatayo na sana sa kama nang ihiga niya ako. "Don't be so hard-headed like your friend." Tumiim ang bagang niya.
Natawa ako ng marahan, "Mukhang nasisiyahan ka naman pag kasama mo ang kaibigan ko." Isang ngisi ang nakita ko sa kanya.
"Yeah." He said.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Romansa"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |
