Tahimik ko lang pinagmamasdan yung blueprint na nagawa ko para sa pinapagawang building ni Hanz. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang structure ng building. Napakagat ako sa labi ko. Ano bang pake ko kung maayawan niya? Siya ang may kailangan, kaya siya ang humabol sa akin.
"Buti naisipan mo ring bumalik." Singit ni Josh habang kumakain ng mansanas. "Wala ka naman kila Narisse."
"Uhm, alam na ni Nanay yo'n. You don't need to know." Sabi ko.
"But, I've already knew it, Sarr." Saka siya ngumisi.
"Alam mo na pala. Umalis kana sa harapan ko." Sabi ko at binalik ang atensyon sa drawing table ko.
"Hmm... deciding if he'll like it or not?" Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell? Bago pa ako makapagsalita ay lumabas na siya sa kwarto ko.
Ayoko pa sanang makita si Hanz kaso kailangan kong puntahan ang pinaparenovate niyang mall. Malamang ay pupunta rin siya ro'n. Nakasuot ako ng blouse at mini skirt dahil alam ko namang mainit ngayon sa Zambales. Bago ako makalabas ay sinuot ko na yung shades ko at tiningala yung building.
Sinalubong ako ng mga tauhan ko pero tuloy-tuloy parin ako sa pagsilong dahil mainit.
"Kamusta naman ang tauhan?" Tanong ko ro'n sa team leader.
"Ayos naman, ma'am. Kasalukuyang binabantayan sila ni Sir Hanz." Sinasabi ko na nga bang nandito siya. "Sir! Nandito na po siya!"
Tinanguan niya muna yung isang lalaki bago siya lumingon sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang kalakas yung epekto niya sa akin. Nang makalapit siya isinuklay niya ang kanyang daliri sa buhok niya at ngumisi sa akin.
"Late ka, Architect." Mapang-asar na sabi niya.
"May ginawa pa ako." Sabi ko. "Anyway, kamusta naman dito?" Humalukipkip siya at tiningala rin yung building.
"I'm excited." Ayo'n lang nasabi niya.
"Well, I am excited, too." Saka ako lumapit sa isang bench para maupo. Sumunod naman siya at hindi na nag alinlangang umupo sa tabi ko.
"Gusto sana kitang imbitahan sa dinner mamaya. Sa mansion. Pwede ka ba?" The thought of me wandering their mansion. Feels great. Why not?
"Yeah, sure. Ako na mismo pupunta ro'n." Nginitian ko siya.
Should I wear something seductive? Or not? Something decent? Well, kahit ano naman ang susuotin ko ay wala naman silang pake. Kinuha ko ang make-up kit ko at nagsimulang mag lagay ng light make-up pero paniguradong matatakot sila.
Nagsuot ako ng itim na dress na long-sleeves pero see through na sleeves. Kinuha ko ang cellphone ko saka nilagay sa purse. Bago ako makalabas ay napadako ang tingin ko sa lipstick; a camera.
"Good evening, madam." Sabi nong bantay nila mula sa double doors. Naglahad pa 'to ng kamay para sa coat ko.
They escorted me inside the mansion. And, as expected, Janina's sitting on the middle. She looked at me intimidatingly. I gave her a genuine smile and she did too.
"Welcome!" She said while throwing her hands in the air.
"Long time, no see." I said while tracing my fingers on the chair before I sit. "How are you?"
"Still alive and..." ngumisi siya. "Oh, powerful." Nang tumawa siya ay tumawa rin ako para mapikon siya.
"After six years, that's great. Akala ko tuluyan kang babagsak dahil malalaman nila." I said. "But, too bad, you're good at pretending that they didn't know!" Tumalim ang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (#Wattys 2018)
Romance"Forget me, my past A chaos I shall rest Justice I must seek, Drag you to the bottom I'll make." | Wattys 2018 Longlist & Shortlist |