Chapter 48

1.3K 28 0
                                    

"Daddy, bakit ayaw niyo akong ipalapit sa apo nung mayor?" Nakangting tanong ni Sarr sa kanyang dad habang nakaupo ito sa hita nito. Hinaplos nito ang buhok niyang itim na nangingintab at nginitian siya.

"Because, they are evil. They want to rule this place. And, Silvestri? He'll steal your heart and break it." Tumawa ang maliit na Sarr habang sinasabi ng dad niya yo'n. Tila'y parang isang fairy tale lang na kinekwento.

"Silvestri likes me. He will marry me."

"Sana." Hinalikan siya nito sa ulunan niya at kaagad naman siyang umalis sa pagkakakandong.

Masayang tumatakbo sa labas si Sarr habang dala-dala ang laruan niyang manika. Hindi kalayuan ay nakita niya ang anak ng mayor na nakaupo lang sa sementong upuan. Masaya niya itong nilapitan at tinakpan pa ang mga mata nito.

"Hulaan mo kung sino." Natatawa niyang sabi. Pero, hindi ito sumagot at simpleng tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata nito.

"Wala si Silvestri." Malamig na sabi nito. Ngumuso si Sarr at tinitigan pa yung lalaki. Naramdaman nung lalaki na nakatitig siya kaya sinarado nito ang librong binabasa. "Anong kailangan mo?"

"Sino ka?" Isang ngisi ang pinakita nito.

"I'm Silvestrine Hanz..." kumintab ang berde nitong mata. "...umalis kana."

"Ang boring sa mansyon. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Ngumiti ang lalaki pero umiling ito.

"Ayokong madamay ka."

Dumating ang araw na nasa sekondarya na si Sarr at nobyo na niya ang Silvestri Selrom. Hindi niya rin akalaing magiging sila noong lalaking matagal niyang hinintay. Patago ang naging relasyon nila. Wala namang humahadlang kung walang makakaalam.

"May kapatid ka ba?" Ilang beses na niyang tinanong yo'n Silvestri.

"Wala." Pero, panay ganiyan ang sagot nito. Nagtataka siya kung sino yung lalaking nakita niya noong anim na taong gulang palang siya. Kung bakit laging nagagalit ang nobyo niya sa tuwing tinatanong niya kung may kapatid ba siya. "Bakit ba lagi mong tinatanong yan? Nagseselos na tuloy ako!"

Natawa siya ng marahan, "I just had these weird feelings." Saka siya nagkibit balikat. Sinabi niya noon na sana hindi na niya ito makita, lalo na't may nobyo na siya. Kakaiba kasi ang epekto nito sa kanya at pinapangako niya sa sarili niya na kapag nakita niya ulit 'to. Hindi niya mapipigilan ang mararamdaman niya at ipaglalaban niya ito.

Matapos niyang makipagkulitan kila Ara at Silvestri ay napagpasyahan niyang pumunta sa locker. Papasok na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang braso.

"Bryant!" Masayang bati niya. Pero, napakaseryoso ng itsura nito.

"Wag kang sasama sa kanya ngayong gabi. Magkakagulo lahat." Ramdam niya ang mahigpit na hawak nito.

"B-bakit? Wala namang mawawala. Kayo lang ang nakakaalam ng relasyon-"

"Akala mo lang yo'n, Sarr. Mainit ang mga mata ng mga tao." Madiin niyang sabi. Pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Kaibigan ka namin, Bry. Anong pinagsasabi mo?" Nagtiim ang kanyang bagang.

"Sarr, niloloko ka lang ni Silvestri. Nakita ko sila ng kapatid ko noon. Akala ko wala lang yo'n. Pero, nalaman kong may nangyari sa kanila. Wag kang magpakatanga! Hindi ka niya mahal, Sarr. Kung hindi mo ako papakinggan. Pinapangako kong mamamatay lahat ng konektado sa kanya." Nagtaasan ang kanyang balahibo sa sinabi nito. Magkaibigan sila simula noong una palang pero bakit ganito ang sinasabi nito.

"Hindi na kita maintindihan, Bry."

"Maraming gustong pumatay kay Silvestri, Sarr."

"Bryant-"

"Wag kang pumunta, Sarr." Saka siya tinalikuran nito. Gumulo ang kanyang isipan sa pinagsasasabi nito.

Bago matapos ang klase ay naabutan niya ang nanay ni Silvestri. Nakangiti niyang sinalubong ito pero walang ekspresyon ang mukha nito. Nagulat siya nang sampalin siya nito ng napakalakas.

"Babalaan kita, Sarr Antha. Pag namatay ang anak ko, ikaw ang dahilan no'n. At hindi kita mapapatawad, ibabaon kita ng buhay sa pinakailalim ng lupa nitong lugar na 'to." Bago pa siya makasalita ay umalis na ito sa harapan niya. Hindi nalang niya pinansin ito at hinintay si Silvestri sa gilid ng gymnasium.

Hanggang sa gumulo na lahat ng pangyayari. Tumatakbo silang dalawa sa gitna ng dilim. Napagpasyahan pa nilang mahiga sa damuhan. Pero nang makarinig sila ng mga tao nagtatakbuhan ay mabilis silang nagtago.

Pinipigilan niya ang kanyang nobyo na wag lumabas. Pero natalo siya at nagpakita na ito. Pinigilan siya nito gamit ang mga palad at hinahayaan na niyang umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

A nightmare... a beautiful nightmare.

Tama siya, simula palang noong una ay tama siya. Hindi namin mahal ang isa't isa. Nasisiyahan lang kami sa presensya ng isa't-isa. Dapat oras ko na, dapat talaga papatayin na niya ako. May mahal siyang iba at may mahal din akong iba. Kahit ilang beses kong itanggi yo'n. Hindi na magbabago yo'n.

Dahil bago pa man kalabitin ni Silvestri ang gatilyo ng kanyang baril. Nakita ko na ang taong matagal ko nang hinahanap. Matagal ko nang hinihintay. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko lahat ng taong nagbanta sa akin. Lahat sila ay may hawak na baril, handang patayin si Silvestri.

"Sarr Antha, sa araw na ito ay papatayin kita. Pag hindi ka sasama sa akin ay mamamatay lahat ng angkan mo."

"Pag sumama ako?"

"Bahala na."

"Alam mo bang plano rin kitang patayin, Silvestri?"

Tumawa ng marahan ang binata, "Hindi magbabagong magpapatayan ang Selrom at Sartorius. Kaya wag ka nang umasang makikilala mo si Hanz."

"I don't lose hope easily, Silvestri."

Narinig ko pa yo'n sa isipan ko habang nakikita ang nakahandusay niyang katawan sa sahig. Lalapit na sana ako kay Hanz pero nakita ko ang pagtutok sa akin ng baril ni Bryant kaya tumakbo ako ng mabilis paalis do'n sa lugar na yo'n.

"Binalaan na kita, Sarr Antha Sartorius." Napatigil ako sa pagtakbo. "Dadalhin mo ang gulo na 'to hanggang paglaki mo."

Pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya, "Kung ayan ang gusto mo. I can play the game and turn the tables easily." Nilakasan ko ang loob kong sabihin yo'n. "If you wanna play the game in a dirty way, I can play dirty, too."

Bryant was fuming mad because Silvestri had one night stand with Diana while we're still on relationship. Silvestri wanted to kill me because I was desperate to love him and desperate to know his brother, which he hides. He threatened me that he'll kill my clan if I didn't join him. His parents, will be the one who'll get revenge for him and I'll get the justice for him. We're all gonna play the game and we'll all see who'll end up being drag down to the rock bottom.

This is not a forbidden love. There's no love between us.

Now, the game has ended and I won the game. Already turned the tables and I can see them falling to the rock bottom.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon