Chapter 29

1.3K 31 0
                                    

Tahimik kong pinipirmihan yung mga papeles na kararating lang. Nag-inat ako nang matapos kong pirmahan ito. Napatingin ako sa orasan at alas-dose na at hindi pa ako nakakakain. Tinawagan ko yung sekretarya ni Josh para hatiran ako ng pagkain.

"Ma'am, sabi ni Sir Josh, kayo mismo ang magpapirma kay Mayor Silvestrine nito." Kumunot ang noo ko. Ba't ako ang magpapapirma? Pwede naman 'tong sekretarya niya? "Si Sir Josh po sana ang gagawa kaso hindi pa siya makalakad."

Tangina. Sa lahat ba naman ng gagawin ko ngayon ay ang papirmahin ang lalaking yo'n.

"You are his secretary." I said through gritted teeth.

"But, you are his sister." I threw my hands up in the air. Napayuko pa siya.

"I am your boss, right?" Tumango siya. "So, you should follow what I say."

"But, you're just his substitute." Dahil ayoko nang makipagtalo sa babaeng 'to ay ako na mismo ang nag iwan sa kanya sa loob ng opisina. Mamaya ko pag-iisipan kung ako ba ang gagawa no'n.

Saka isa pa, malamang wala yo'n ngayon sa Capital. Maraming ginagawa ang lalaking yo'n. Nasa mansyon siya o rumuronda. Bwisit! Nakalimutan ko pang kumain.

Dumiretso ako sa restaurant nitong hotel at kumain nalang dito. Tahimik akong kumakain nang makita ko ang isang pamilyar na tao. Pinunasan ko kaagad ng tissue yung labi ko saka lumapit aa taong yo'n. Mukhang nagulat pa siya pero bumawi naman sa ngiti.

"Came here to investigate, Detective Ingrid?" Nginisian niya ako.

"Tatlong taon na ako umalis sa serbisyo ng mga Selrom. Nandito ako para sa isang tao." I shrugged.

"Great to hear." Tumango siya at dinaanan ako. Oh, so he's checking in here.

Dahil wala naman akong ibang magawa kundi maupo at kumain. Ako na mismo ang magpapamirma kay Hanz nung papeles. Bahala na kung anong mangyari.

Pumunta ako sa Capital at nabigo ako dahil wala siya ro'n. Mayor siya tapos nawawala siya! Nakakapikon ang taong yo'n.

"Nasaan ang mayor niyo?" Iritang tanong ko.

"May tiningnan ho silang lupa. Mamaya-maya pa ang balik no'n, madam." I rolled my eyes.

"Tell him that he's a mayor, so he has a lot of responsibility in this city! How dare he leave without checking his appointments?" Ngumuso ito at nagkibit balikat. "Seriously, are you even fucking working here?" I can't help but to cuss.

"Yes, madam. Pero ayaw niyang ipagsabi ang schedule niya. He knows what he's doing." Hindi ko mapigilan ang inis ko. Ano siya sa tingin niya? Na siya dapat ang masunod sa lahat ng bagay?!

Maybe I need to freshen up my mind. Bumalik ako sa mansyon para magpalit ng pampaligo. Pupunta ako sa Sta. Barbara falls. Baka sakaling maenganyo akong maligo.

Ilang taon narin akong hindi nakapunta rito. Pinagmamasdan ko yung tubig na umaagos mula sa taas. Mukhang mali ang pampaligong suot ko. Paniguradong masusugatan ako.

Sa hindi kalayuan ay may narinig akong nagtatawanan kaya hindi ko maiwasang hanapin yo'n. Nakita ko sa bandang ibaba ang mga kalalakihan na naliligo na. Damn, akala ko masosolo ko ang lugar na 'to.

Pero, isang tao lang ang umagaw ng atensyon ko. He brushed his fingers through his wet hair while biting his lips. Laughing with those other men. Are they having a party? Or something? Why am I even curious?

Nagtago ako sa bato para mas lalo silang makita. Malas nga lang dahil malamok yung pwesto ko rito. Sumingkit yung mata ko nang may makitang babaeng pamilyar. Oh, shoot! Is that Architect Sophia? Napadako ang paningin ko sa dibdib niya.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon