Epilogue

2.6K 41 4
                                        

Tahimik na nakaupo ang dalagang si Sarr sa damuhan habang pinapakinggan ang pagkanta ng kanyang ina habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Mom, maganda ba sa Zambales?" Pagtatanong ni Sarr.

Ngumiti si Starry, "Oo, lilipat kana ro'n. Gusto kong makilala mo ang iba pa nating kapamilya." Hinaplos niya ang pisnge ng kanyang anak sabay yakap dito. "Gusto kong sumaya ka ro'n."

"Should I trust anyone?"

"No, honey." Sagot nito. "Don't trust me, either."

"Why?"

"Because I am your mother. I want you to stand on your own. People will drag you down because they can."

"I don't really get it." Nagkibit balikat si Sarr. "You're my mother, I can't do that to you."

"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon, Sarr." Sumeryoso ang kanyang mukha. "Kung dumating man yung araw na magkakaroon ng problema. Alam kong matapang at matatag kang tao."

"Hmm?"

"Honey, whatever happens. Fight. Kahit sino pa yan, kalabanin mo. Alam kong hindi maganda na kalabanin pati ang pamilya, pero ayo'n ang paraan sa mundong puro galit." Hindi maiwasang mapaluha ni Starry ngunit hindi niya ipinapakita 'to kay Sarr. "Ginagawa ko rin naman 'to para sa'yo."

"Mom, why are you crying?" Hindi niya alam na mapapansin din ito ng kanyang anak kaya pumeke siya ng tawa at mabilis na pinunasan ang kanyang luha. Umiling nalang siya at niyakap nalang ulit ang kanyang anak.

Botolan, Zambales ang lugar kung saan sila lilipat. Nakalabas pa ang ulo ni Sarr mula sa bintana ng sasakyan hanggang sa nakita niyang tumatakbo palabas ang lola niya sa lugar na lilipatan niya ngayon.

"Lola!" Salubong niya rito. Mahigpit ang pagyakap niya rito at hinalikan pa siya nito sa pisnge. "Sa'n po si Josh?"

"Ay, naglalaro sa likuran ang kapatid mo." Masayang sabi nito. "Nako, dito ka narin pala magtatapos ng sekondarya. Galingan mo." Tumango nalang siya at sumunod papasok.

Buong maghapon ay nagkwentuhan lang sila ng kanyang lola at si Josh ay walang sawang nagpapansin sa kanya. Nakwento rin ng kanyang lola na palagi rin siyang dumadalaw dito sa Zambales at nasabing nakakalaro pa ang apo ng mayor. Hindi intensyong masabi ng kanyang lola yo'n pero dahil sa kuryosidad niya ay naging yo'n ang kanilang pinag-uusapan.

"Silvestri, di'ba?" Pagtatanong ng Lola niya. "Nakikita ko ang binatang yo'n sa tuwing namamalengke kami. Paminsan-minsan ay kumakaway pa sa akin."

Hindi niya maiwasang mapangiti sa kwento ng kanyang lola.

"Tapos meron siya minsang kasamang lalaki e. Kamukha niya rin. Kung tititigan mo sila ay parang magkapatid sila." Napakunot naman ang kanyang noo.

Tumagal nang ilang buwan ay mas napalapit pa siya lalo kay Silvestri. Masaya siya pero parang may hinahanap-hanap parin siya.

Dahil dakilang sutil ang kapatid niyang si Josh ay nalaman ng kanyang Lola na kasintahan na niya ang apo ng mayor, si Silvestri. Hindi maiwasang magalit ng kanyang lola sa nalaman at agad na niyayang kausapin si Sarr.

"Bakit po?"

"Hindi ka pinapunta rito ng nanay mo para gumawa ng gulo. Pero sa tingin ko'y plano niya rin ang isang 'to." Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito lalo na nung tumawa pa ito ng marahan. "Starry really loves chaos."

"Lola?"

"Hindi ko rin akalaing magugustuhan mo rin yo'n. Akala ko'y loko-loko lang."

"Kung ayo'n po ang problema niyo, hihiwalayan-"

"Itatago ko nalang ang nalalaman ko. Kailangan niyong mag ingat. Mapanganib kung sakaling may makaalam." Seryosong sabi nito. "Apo, wag basta-bastang magtiwala."

Mula sa kabilang dako, tahimik na naninigarilyo si Starry habang nakatayo. Kanina pa siya may hinihintay na tao. Aalis na sana siya nang dumating ito. Nakangiti pa nga ito nang makita siya.

"Hindi ko na patatagalin 'to, Janina." Nagtiim bagang si Starry. "Rivalry never fades between Selrom and Sartorious. Ginagawa ko ito para sa anak ko."

"Parehas lang tayo, Starry." Seryosong sabi ni Janina.

"Kung hindi man ako ang makakapagpabagsak sa'yo. Nasisiguro kong si Sarr ang makakagawa no'n." Nakangising sabi ni Starry. "Naalala mong umuulit lang ang nakaraan. Parang laro lang, laro na alam na alam mo na. Kaya kung matatalo ka ngayon, pasensya ka na."

"We rule in this place, wag ka masyadong sigurado." Sagot ni Janina. "Probably, my prey would be your daughter, Starry. I mean, it's easy!"

"I can kill your son."

"I have two son, Starry. I can use them." Sa mundong kanilang kinagagalawan, gagawin nila ang lahat para lang manatili ang pangalan sa lugar na yo'n. Kahit man makapatay ng ibang tao o kahit mismong pamilya nila ay hindi sila titigil at patuloy parin sa paghihilahan.

"We must die, too. Don't you forget that." Huling sabi ni Starry bago umalis sa lugar na yo'n.

They must die to let the next generation continue the chaos. Hindi rin sila sigurado sa maaaring mangyari sa susunod na henerasyon kaya binalak din nilang patayin ang magiging susunod na henerasyon.

Taon ang lumipas mula sa pagkakaplano nila ng gyera sa pagitan ng dalawang pamilya. Tinigilan ni Sarr, kasama narin ang nag-iisa nalang na anak ni Janina na si Hanz na baguhin ang takbo para sa susunod. Binago nila lahat dahil simula ngayon ay nabaon na nila ang lahat ng galit at kahirapan noon.

Simula nang lumipat si Sarr sa mansyon ni Hanz, wala na silang ibang inisip kundi ang mga masasayang nakaraan. She even renovated the mansion into a modern look. Masaya siyang nakahawak sa malaki niyang tiyan habang nakatingala sa mansyon. Narinig niyang bumukas ang pintuan ng kotse kaya napatingin siya ro'n.

"Hey, mayor." Bati niya. Ginawaran siya kaagad nito ng halik at lumuhod sa harapan niya.

"How's my princess?" Kausap niya sa tiyan ng kanyang asawa. And, yes, it's a girl. Nakakatuwa raw dahil paniguradong little Sarr yo'n.

"She's good. She ate celery with mommy." Nakangiting sabi ni Sarr at tumawa siya ng marahan.

"Tara sa loob?" Inalalayan niya itong maglakad hanggang sa makapasok sila sa loob.

Dinala siya nito sa balkonahe at inayos pa ang marahang hinahangin na buhok niya. Namangha siya sa itsura nang mas kitang-kita na ang lugar. Hindi na masyadong mapuno at nakikita na rito ang hotel ni Josh. Marami kaagad nagbago sa lugar na 'to. More happiness than pain.

When she looked at him, she can't understand her feelings. Sometimes, she became ecstatic and sometimes she became emotional. Niyakap niya ang braso ni Hanz at nanatiling nakatitig sa paligid. Naramdaman niyang hinahalikan ang ulunan niya.

"Nabisita mo na si Starry?" Tanong ni Hanz.

"Yeah. Medyo okay na kami sa isa't-isa." Nakangiting sagot niya. "Napatawad mo na ba ang mga magulang mo?" He heaved a sigh.

"Hindi ko alam kung mapapatawad ko sila. They killed our baby, Sarr. Hindi ko matanggap." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa braso at hinarap siya.

"Ako rin naman ay hindi matanggap yo'n e. Pero, kailangan magparaya." Nakangiting sabi ni Sarr. "But, are you willing to forgive them? After all, they're still your parents." He chuckled when she said that.

"Where's the boldness of my wife? Hello?" Nagtawanan sila at kinurot ang tagiliran niya. "Yeah, yeah, I'll do it." Nakangiting sabi niya.

"That's my man." Medyo namula ang kanyang pisnge sa sinabi ni Sarr at hindi nila maiwasang mag-asaran.

Sometimes, you need to learn to forgive people who gave you pain in the past. Hating her past is her thing, but right now, it's time to forget the past, go with the flow with your present and never expect for your future. No more revenge, no more chaos.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon