Chapter 19

1.4K 30 1
                                        

Tahimik akong nakaupo sa bar counter habang umiinom ng wine. Kanina ko pa tinititigan yung mga taong nagsasayawan sa gitna ng bar. Agad naman akong tinabihan ni Narisse at ngumisi. Nagmu-move on ang isang 'to kaya pumayag akong samahan siya.

"You know, this place... hindi alam nila Mom na pag aari ko 'to." Then, she giggled. She's kinda drunk right now.

"What if they find out?" Napairap siya at tumawa.

"Pake ko? Lahat naman nabubunyag. Like, duh!" Nangangamoy alak ang bibig niya. Kaya umiwas ako at ininom yung nasa inuminan ko. Tinitigan niya ako bago inagaw yung baso ko. Tiningnan ko siya ng masama.

"What?"

"You're gonna get drunk." Tinaasan ko siya ng kilay.

"No, I wont. Baka ikaw ang malasing." Umiling siya.

"Nilagyan ko ng gin yan. Hindi mo ba nalalasahan?" Gano'n na ba ako kamanhid at di ko maramdaman yung tama? "Remember, limang oras nalang at darating na yung magulang mo. You need to be decent!"

"Shit!" Napatingin ako sa orasan. Oh, like the hell I care? Pupunta lang naman sila at nagyayaya ng family dinner. I'm sick with that bullshit!

"Umuwi kana muna at magpahinga." Seryosong sabi niya. "I can handle myself. I have my room here." Tumango nalang ako.

Pagka-uwi ko ay diretso ako sa kama at halos bumagsak na yung mata ko. Pagod ako buong linggo at hindi kami masyadong nagkikita ni Hanz. I'm currently working on his new building. At marami pang proyektong dumarating. Nagkakausap nalang kami sa chat or sa tawag dahil busy rin siya.

Forgot to mention, that he's running for the position of mayor. Napangisi ako. Let's see how he can handle this province. I heard that Jacobos has a cancer. Sana hindi pa matuluyan. Gusto kong makita niya ang gagawin ko.

Dahil sa pagod ay nakatulog ako. Kaya paggising ko ay isang oras nalang bago sila dumating. Guess the maids already set the dinner. Nagmadali akong mag-ayos kasabay ng pagkatok sa pintuan ko.

"Sarr, tapos kana mag-ayos? Nandito na sila." Napairap ako.

"They can fucking wait, Josh." Kinuha ko ang pabango ko at nagspray bago lumabas ng kwarto.

His face looks irritated. Napatakip siya ng ilong niya.

"Shit, ang tapang ng pabango mo." Hindi ko siya pinansin at inunahan ko siyang bumaba. Naabutan ko silang lahat do'n. Isa-isa nila akong niyakap, nagpapalitan ng mga ngiti. Pekeng ngiti.

We all gathered outside for our dinner. Pinaghandaan talaga nila 'to. They started talking about business. Talking about life... love. Nagulat ako nang tapikin ako ni Josh at nginusuan si Mom.

"So, Sarr, how are you?" Ngumisi ako.

"Good," as fuck.

"Aren't you having a work, are you?" Nakataas ang kaliwang kilay niya. Tumango ako at umiwas ng tingin. "To whom?"

Nakita ko ang pagtitig nilang lahat sa akin. Fucking hot seat. When I looked at Josh, he gave me an unemotional look. Like, shit, give me an alibi!

"Don't lie, honey. You know, I hate liars." Mom said then her eyes glittered. She's intimidating. They are all intimidating.

"Selroms." Mahinang sabi ko. Naramdaman ko ang paglamig ng kamay ko. Magsasalita palang sila nang pigilan ko. "I'm only working with their son."

"Alam naming patay na ang anak niya." Singit nung uncle ko.

"No, uncle. Dalawa ang anak nila." I said. Halos tumalim ang kanilang paningin sa akin.

"Better than Silvestri, Sarr?" Tanong nung auntie. What do you mean? "You like him, honey?" Sa sobrang kaba ko ay napainom ako. Shit, it's whiskey. I shouldn't lie. They'll be mad if I lie.

"Yes, more than that, auntie." Nakita ko ang pagtiim bagang ni Mom. I'm actually dead.

"I know you came here for your dead boyfriend to find justice for him." Tumango ako sa sinabi ni mom. "Finding justice for him is so damn easy for you. But, too bad, someone's distracting you." Umiling ako.

"No, mom." Madiin kong sabi. Now I've already said that I like Hanz. No, I love him. I need to fight for him, too. "He's not distracting me. He'll help me. I swear!"

"You're twenty-three years old, Sarr. Dapat alam mo na lahat ng mga bagay. Pinayagan ka naming pumunta rito. Pero, nang dahil sa lalaking yo'n ay masisira lahat!" Hinampas ni Mom yung lamesa at tumayo.

"You're not making any sense, mom."

"Not making any sense?!" Sigaw niya. Tila'y walang pumipigil sa kanya. "I am your mother, Sarr. This guy, he's using you! Imagine, the fought between Selrom and Sartorius wouldn't mind to him? You've got to be kidding me."

"You're not making any sense at all! I can do both of it. Love and justice are my plan! I didn't come to fuck around. I'm not yet doing it because you're still fucking dictating me!" Naramdaman kong hinawakan ako ni Josh sa pulsuhan. Shit, I stepped on the line.

"Sarr Antha Sartorius, titigilan kita..." inayos niya ang kanyang salamin. "...kapag wala na siya sa'yo."

"B-but..."

"Don't say a fucking word." Saka siya umupo. "You're dragging yourself down, Sarr."

"When I've hit the rock bottom. I wont fucking climb to drag them down. I'll dig until the land collapse and they will fall." Nilaklak ko yung isang basong puno ng whiskey. Padabog kong inilapag 'to sa lamesa saka sila tiningnan isa-isa.

Umalis ako sa harapan nila at tinawagan si Hanz. I'm kinda tipsy. Shit, I'd drank too much whiskey. Habang nakaupo ako sa bench malapit sa plaza ay nakita kong may lalaking patungo sa akin. When he's in front of me, he touched my cheeks.

"Is there any problem?" Hindi ako sumagot. Tiningala ko siya. I saw his green eyes. This man is really gorgeous.

"Hanz..." iniwas ko ang mukha ko sa pagkahawak niya sa akin. "Itigil na natin 'to."

"Stop what?" Takang tanong niya.

"The connection between us." Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya. Ang lamig. "I've already planned what to do. Guess, it's the best way-"

"Is there any plan, Sarr? It's okay if it's not the best way." Umiling ako. Gusto ko nang umiyak sa harapan niya.

"I can't think another plan." Hindi ko siya tiningnan sa mga mata. "Hindi ko magawa ang dapat kong gawin sa tuwing kasama kita." I'm trying my best not to cry.

"Baby, there's another way. Maybe we can keep this a secret or we'll go far away." Sa sinabi niyang yo'n ay tumulo ang luha ko. Kahit gusto kong gawin yo'n ay may tumitigil sa akin.

"No... no..."

"Sarr, alam kong na-i-stress kana. Diba, mahal mo 'ko? Mahal natin ang isa't isa. We won't leave each other, right?" Pinunasan niya ang luha ko.

"No!" Sigaw ko. "Walang nagmamahalan sa atin! Walang nagpangako na hindi natin ang iiwan ang isa't isa!" Sigaw ko. Pumungay ang kanyang mata. No, no... ayokong mangyari yung dati. Ayokong may mawala nang dahil sa akin. Ayoko.

"Baby, you're drunk." Iwinaksi ko yung kamay niyang humawak sa akin.

"Sana nga lasing lang ako! O kaya sana panaginip nalang 'to!" Looking at his eyes are making me weak. I can feel my legs becoming jelly. "Hanz, just hear me out. Please."

Hindi siya umimik. Naging blangko ang ekspresyon niya.

"This is the only way. I don't want you to get involve what I'm doing." Umiling-iling ako habang nakayuko.

"If that's what you want." Nagtama ang aming mga paningin. "I won't stop you." Parang may tumusok sa puso ko nang sabihin niya yo'n. What now, Sarr? Iiyak iyak ka?

Ikaw naman mismo ang nagdesisyon ng lahat. Pero, nagdesisyon ako alang-alang sa kapakanan niya. I cannot even tell him. I can't even stop him.

"Hanz..." habol ko nang nakatalikod na siya.

"Bakit, Miss Architect?" Kumalabog yung puso ko dahil ang lamig ng pagtugon niya.

"S-sorry..." parang mawawala na ang boses ko sa sinabi kong yo'n dahil sa pag-iyak.

"It won't change everything." Dahan-dahan akong napaupo sa sahig habang pinapanuod siyang nakatalikod at unti-unting nawawala.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon