Two. (H.O.)

15 2 0
                                    

Nagpunta ako sa Council Hub para kumuha ng application form. Pagdating ko dito, halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

Sobrang haba ng pila.

Nakita ko ang ilang members ng council na nag-aayos ng pila. Lumapit ako at pumila dito. Desidido akong mag-apply kaya hindi ako aatras ng dahil lang sa mahaba ang pila. Tumingin ako sa mga nasa unahan ko. Mga medical students ang karamihan sa nag-aapply. Pero pagdating sa gitna, halo halo na.

Nang unti-unti nang nababawasan ang nakapila, biglang lumabas si Joyce mula sa loob ng Council Hub. Tumingin siya sa aming lahat na tila sinasabihan kaming hindi kami matatanggap lahat. Nakakaasar ang itsura niya. Kung sakali mang matanggap ako, sisiguraduhin ko na hindi niya ako pwedeng tapakan. At isa pa, isang taon na lang naman siya sa posisyon niya dahil next year, last term na niya bago siya grumaduate.

Nang makapasok na ako sa loob, nakita ko ang isang mahabang mesa at nakaupo dito si Jasper at si Lefzon. Si Jasper ang Treasurer ng council, at siya ang bestfriend ni Lefzon. Si Jasper ang namimigay ng forms at kumukuha ng mga requirements na dala ng mga nag-aapply habang si Lefzon ang tumitingin sa mga stub na pinuputol mula sa form at nagdidikit ng mga pictures dito.

Nang ako na ang lumapit, ngumiti sa akin si Jasper.

"Two by two at xerox copy ng college ID mo?" tanong niya.

Agad kong binigay sa kaniya ang mga dala ko. Tumingin ako kay Lefzon, seryoso siya. Binabasa niya ang stub na hawak niya na galing sa nauna sa akin sa pila. Agad na binigay ni Jasper ang pictures ko kay Lefzon. Pagkakuha niya dito, agad naman siyang tumingin sa akin.

Bigla akong napalunok ng laway.

Hindi ko alam bakit bigla siyang tumingin sa akin pero alam kong mapapangiti ako.

"Pakisulat na lang muna pangalan mo dito sa stub sa baba tapos pakipirmahan. Kopyahin mo yung form no. mo kasi kailangan mo yan sa orientation ng applicants." wika ni Jasper.

Agad kong kinuha ang phone ko para picturan ang form no. ko. Nang kukunan ko ito ng litrato, agad na kinuha ni Lefzon ang phone ko. Nagulat ako.

"Sa lahat ng pumila dito, ikaw lang ang tinamad na magsulat para kopyahin yan." paninita niya sa akin.

Napalunok ako ng laway. Ramdam ko na napahiya ako sa mga tao sa paligid ko o kaya naman ay tuwang tuwa ang ilan sa nakakakilala sa akin bilang si pharma na kaibigan ni David. Nakita kong kumuha si Lefzon ng ballpen at piraso ng papel. Inabot niya ito sa akin habang masama ang pagkakatitig niya sa mga mata ko.

Gumawa ako ng pekeng ngiti para sa kaniya. "Salamat." sabi ko.

Agad ko namang sinulat ang form no. ko. Habang nagsusulat ako, nararamdaman kong nanginginig ang kamay ko dahil nakatitig sa akin si Lefzon. Tumingin ako kay Jasper. Nakangiti lang siya sa akin. Nang matapos ako, inabot ko ang stub kay Jasper.

"Ibibigay ko sa iyo itong form. Ifill-up mo lahat ng kailangan tapos ipasa mo dito sa Council Hub hanggang Biyernes next week. Kapag nalate ka, hindi na iyan tatanggapin." bilin ni Jasper.

Ngumiti lang ako at tumalikod na para umalis. Pagtalikod ko, agad kong napansin na karamihan sa mga estudyante ay nakatingin sa akin. Napansin ko na karamihan sa kanila, masama ang tingin. Panigurado, ito yung mga estudyante na patay na patay kay David.

Habang papalabas ako, bigla may kumuwit sa akin. Pagtingin ko, si Joyce. Ngumiti siya sa akin pero halatang plastic ang ngiti niya. Nakakaasar.

"Flynn, right?" tanong niya. Ngumiti lang ako.

"May maitutulong ba ako sa iyo?" tanong ko.

Tumawa siya. Nakakaasar ang tawa niya. Pinakita ko sa kaniya na hindi ako natutuwa sa tawa niya. Nang mapansin niyang hindi ako natatawa, tumigil na siya.

Double RainbowWhere stories live. Discover now