Eleven. (H.R.O.W.)

10 2 1
                                    

Natigil ako sa paglalakad. Nakatingin lang ako kay Kuya.

Bigla siyang ngumiti sa akin at niyakap ako.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko nakadikit na ako sa kinatatayuan ko.

Pagkabitaw niya sa akin mula sa kaniyang pagkakayakap, agad naman siyang tumingin kina David at Lucas. Tulala din ang dalawa.

"Alam niyo ding dalawa di ba?" tanong ni Kuya. Tumingin muna sila sa akin at hindi din sila makausap.

Tumingin sa akin si Kuya. Nakaramdam ako na para akong maiiyak. Pero ayoko. Pero naiiyak ako. Hindi ako makapaniwala. Alam ni Kuya. At sa itsura niya ngayon, alam kong tanggap niya.

"Kanina ko pa gustong itanong sa iyo kaso hindi ko magawa. Pero alam ko Flynn. At tanggap ko. Wala akong ibang gusto kundi ang malaman na okay ka at masaya ka. At gusto kong isipin mo na nandito lang ako bilang Kuya mo. Handa akong protektahan ka kahit na buhay ko pa maging kapalit." wika niya.

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mata ko.

"Huwag mo akong iyakan dito. Hindi ka dapat umiiyak. Dapat palagi ka lang matapang." wika niya.

Lalo na ako naiyak. Agad ko namang pinunasan ito.

"At kayong dalawa." wika niya kina Lucas at David. "Salamat. Alam kong matagal niyo nang alam pero hindi niyo sinasabi sa akin. Salamat dahil hindi niyo iniwan itong kapatid ko. At sana, palagi kayong nandiyan para sa kaniya."

Ngumiti silang dalawa. "Kuya naman. Alam mo naman na higit pa sa kaibigan ang tingin namin kay Flynn." wika ni David.

"Alam ko." sagot ni Kuya. "Kaya ikaw Flynn pasalamat ka may mga kaibigan kang tulad nila. Kaya hindi ka dapat gumagawa ng kalokohan."

Tumawa kaming apat.

"At isa pa pala David at Lucas, kung sakaling may magkagusto dito, siguraduhin niyong dadaan muna sa ating tatlo." biro ni Kuya. Nakita kong natawa si Lucas. "Alam kong may tinatago ka Lucas. Sa susunod na magkita tayo papaaminin kita."

Biglang tumino ang itsura ni Lucas. Tumingin ako kay Kuya at ngumiti siya. Minabuti na ni David na pumara ng taxi. Agad namang may tumigil sa harapan namin. Habang papasakay si Kuya, muli ko siyang tinawag.

"Kuya." tawag ko.

Lumapit ako sa kaniya. Agad ko siyang niyakap. Naiiyak ako. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Yumakap din sa akin si Kuya pabalik.

"Sige na. Mag-ingat ka pag-uwi." wika ko. Ngumiti siya at sumakay na sa loob ng taxi. Pagkaalis nito, hindi pa din ako makalakad mula sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko na lang na umakbay sa akin ang dalawa kong kumag na kaibigan. Nasa pagitan nila akong dalawa.

"Paano ba yan. Sabi ni Kuya kapag may nagkagusto sa iyo, dadaan muna sa aming dalawa ni Lucas." wika ni David.

"Wala akong nagugustuhan." wika ko. Agad akong binatukan ni Lucas

"Sinungaling." wika ni Lucas. Tumawa ako.

Naglakad na kaming tatlo pabalik sa dorm.

∞∞∞

Naglalakad kami ni Juneray palabas ng school. Hindi ko makakasabay si David at Lucas sa lunch dahil may aasikasuhin daw sila sa mga college nila. Mabuti na lang palaging nandiyan si Juneray at handa akong sabayan sa pagkain. Habang papalabas kami, sumagi sa isip ko ang team building. Agad ko namang tinanong si Juneray kung may alam ba siya tungkol dito.

Double RainbowWhere stories live. Discover now