Forty.

6 1 0
                                    

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Totoo ba itong narinig ko? Stepfather niya si Tito Steve? Si Tito Steve na Daddy ni David? Tumingin ako kay Tito Steve at kita ko din sa mukha niya ang pagkagulat.

"May problema ba?" pagtataka ni Lefzon.

Narinig ko na lang na binitawan ni David ang mga hawak niya at agad siyang tumakbo palayo. Tumingin ako kay Lefzon at kita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Ano bang nangyayari?" tanong ni Lefzon.

Hindi ako makapagsalita. Napakaliit ng mundo. Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit si David at Lefzon pa?

"Saka na lang tayo mag-usap." wika ko kay Lefzon. Tumingin ako kay Tito Steve ng may pag-aalala at naglakad na ako paalis.

Sinundan ko si David. Hinabol ko si David hanggang masundan ko siya palabas ng mall. Naguguluhan na din ang isip ko. Pero kailangan kong masundan si David ngayon. Paniguradong nagulat siya sa nangyari.

Umabot kami sa West Garden. Tumigil sa pagtakbo si David. Agad siyang napaluhod at ako naman, agad siyang nilapitan. Pagtingin ko sa mukha niya, umiiyak siya.

"Bakit?! Bakit ganito ang nangyayari?!" sigaw ni David. Agad ko siyang hinawakan sa braso at pinilit ko siyang itinayo.

"David, tumayo ka na muna diyan. Pag-usapan natin ito." wika ko.

Agad na tumayo si David pero itinulak niya ako palayo. Nagulat ako. Agad siyang humarap sa akin. Kita ko sa mukha niya ang sobrang galit.

"Flynn! Ang boyfriend mo! Sila ang ibang pamilya ni Daddy!" sigaw ni David.

"Kahit ako nagulat din pero David huminahon ka na muna." wika ko.

"Paano ako hihinahon?! Pinipilit kong isipin na magiging okay din ang lahat. Pero lalo lang lumalala! Ang tagal kong gustong malaman kung sino ang ibang pamilya ni Daddy ayun pala kasama ko lang sa isang classroom ang iba niyang pamilya!" sigaw niya.

Hindi ko mapigilan si David. Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Tumalikod siya sa akin at umupo siya sa bench na malapit sa kinatatayuan naming dalawa. Nilapitan ko siya. Alam kong galit siya pero mas kailangan niya nang makakasama ngayon.

"Sorry." wika ko sa kaniya.

"Sorry din Flynn." umiiyak niyang wika. "Hindi dapat kita sinisigawan. Wala ka namang kinalaman sa mga nangyayari."

"Huminahon ka na muna." sagot ko.

Narinig ko na lang na tumutunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong tumatawag si Lucas.

"Hello." wika ko.

"Nasaan kayo?" tanong ni Lucas.

"West Garden. Sa may taxi bay." sagot ko.

"Bakit kayo nandiyan? Papunta na ako diyan." sagot ni Lucas.

∞∞∞

Nakaupo kaming tatlo sa mga kani-kaniyang higaan namin. Nakatingin lang kami ni Lucas kay David na tulala sa sahig. Muli akong tumingin kay Lucas at pinakitaan din niya ako ng mukhang may pag-aalala.

"David." wika ko.

"Okay na ako." mahinahon niyang wika.

"Hindi ka okay." wika ni Lucas.

Tumayo na kami ni Lucas sa mga higaan namin at lumapit kami kay David. Agad namin siyang tinabihan. Inakbayan ko siya at pagkapatong ko ng kamay ko sa balikat niya, umiyak na siya.

"Bakit bigla ko ulit naramdaman ang lahat ng sakit? Nakakapagod na. Pero bakit parang paulit ulit lang yung sakit na nararamdaman ko." wika ni David.

Double RainbowWhere stories live. Discover now