Three. (A.R.T.T.L.)

11 1 0
                                    

Hindi ako makausap sa narinig ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang biglang nasira ang mga pangarap ko para sa aming dalawa.

Nakatitig lang siya sa akin. At sobrang sama ng tingin niya. Maya-maya lang ay umalis siya. Tiningnan ko siya habang paalis.

"Bakit ba kasi ngayon ako kailangan magpasa ng form?!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad siya paalis.

Tumigil siya paglakad. Dahan dahan siyang humarap sa akin. At ngayon, mas masama ang tingin niya. Agad siyang bumalik at lumapit sa akin. Literal na sobrang lapit na pwede ko na siyang yakapin. Pero hindi pwede.

"Hindi ko kasi maintindihan. Bakit kailangang ngayon ako magpasa?" tanong ko sa kaniya.

Nakatitig pa din siya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kinilig naman ako kahit na alam kong mapapatay niya na ako sa pagsagot ko.

"Student Council ang inaapplyan mo. Kung sa pagpapasa pa lang ng form palpak ka na, paano pa kapag parte ka na nito?" bulong niya.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko naman sinasadya na malate ng pasa. Ilang minuto lang naman ang lumipas. At isa pa, napasarap kasi ang usapan namin kanina habang kumakain kami nina David.

"Sorry. Baka pwedeng tanggapin mo lang itong form ko. Hindi na mauulit itong nangyari ngayon." paliwanag ko.

Bigla siyang tumayo ng tuwid. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumingin din ako sa sarili ko at nakita ko na nakapambahay ako. Nasa dorm na kasi ako at hinabol ko lang naman siya. Tumingin ako sa paligid. Wala siyang kasama. Mag-isa lang siyang naglock ng Council Hub kanina.

"Wala kang kasama?" kinakabahan kong tanong.

Nakatingin pa din siya ng masama sa akin.

"Wala." sagot niya.

Napakatipid ng sagot niya. Napaisip ako. Ibig sabihin mag-isa lang siyang naghihintay dito sa form ko? O baka naman nag-iilusyon na naman ako. Baka naman may ginawa din siyang importante kaya inabot na siya ng gabi.

"Mula alas singko hinihintay ko lang iyang form mo." pagpapatuloy niya.

Pinigilan kong ngumiti. Form ko lang pala ang hinihintay niya. At mula alas singko pa ng hapon. Kinikilig ako.

"Sorry. Sorry talaga. Pero please tanggapin mo itong form ko." pakiusap ko.

"Bakit ko tatanggapin yan?" tanong niya. "Bigyan mo ako ng magandang dahilan."

Dahil masisira ang pangarap ko sa ating dalawa kapag hindi mo ito tinanggap. Ito na nga lang ang pag-asa ko para makasama kita, mawawala pa. Kaya dapat tanggapin mo ito.

Iyan ang gusto kong isagot.

Pero hindi pwede.

Nag-isip pa ako ng dahilan. Bakit nga ba? Hindi ko din alam. Naisip ko lang kasi yung pwedeng mangyari sa aming dalawa kaya gusto kong makapasok dito. Kahit na alam kong sobrang dami ng gustong makapasok, nag baka sakali ako na makasama ko siya dito kahit na alam kong malabong mangyari iyon.

"Dahil alam kong deserving ako." sagot ko. Hindi ko din alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko.

Tumingin lang siya sa akin. Nakakatunaw ang tingin niya. Parang mas masarap tingnan ang mukha niya kapag masungit siya. Lalo kasi lumalabas ang kagwapuhan niya.

"Bukas ng umaga, ala sais dapat nandito ka na sa Council Hub. Kapag hindi ka dumating sa oras na iyan, disqualified ka na." sagot niya.

Ngumiti ako. Alam kong kita ang ngipin ko sa laki ng ngiti ko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now