Six. (M.I.R.)

14 1 0
                                    

Natahimik ako sa narinig ko. Natulala lang ako sa mukha ni David. Wala akong ibang makita kundi isang taong nasasaktan. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Parang paralisado ang buo kong katawan.

Nang mapansin ni David na hindi ako makapagsalita, agad siyang nagtakip ng kumot at tumalikod sa aming dalawa ni Lucas.

"David, I'm sorry." wika ko. Muli kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa kaniya. Humarap siya sa akin.

"Flynn," wika niya. "hindi ko na alam ang gagawin. Hindi na nga kami naaasikaso ni Mommy, pati si Daddy mawawala pa."

"Alam na ba ng kapatid mo?" tanong ko.

Umupo siya mula sa kaniyang pagkakahiga. "Hindi pa." umiiyak pa din niyang sagot.

"Paano mo ba nalaman?" tanong ko. Hindi kaagad nakasagot si David. Hindi niya kami matingnan ng deretso.

"Tumawag si Mommy sa akin. Kinuha na daw ni Daddy ang mga gamit niya sa bahay. Nag-iwan pa siya ng dalawang ATM para sa aming magkapatid para daw mapadalhan niya kami ng pera. Pero Flynn, hindi ko kailangan ang pera niya!" sagot ni David.

Nakikita ko na nanginginig sa galit si David. Hindi ako makapag-isip ng maayos kung ano ang isasagot ko. Alam kong malayo ang loob ni David sa Daddy niya pero ang malamang may iba na itong pamilya, masakit iyon para sa isang anak.

"David." wika ko. "Ikaw ang nag-iisang lalake sa pamilya mo ngayon. Alam ko masakit pero kailangan mo magpakatatag. Lalo na't mas kailangan ka ng kapatid mo ngayon."

Tumingin sa akin si David. May mga luha pa din sa mata niya. Bigla siyang ngumiti. Pilit na ngiti.

Nasasaktan akong makita na ganiyan ang mukha niya. Hindi niya deserve na mangyari ito sa kaniya. Pero ngayon, kailangan niyang maging matapang lalo na't wala nang ibang kakapitan ang kapatid niya kundi siya.

Umupo na din si Lucas sa tabi ni David.

"Nandito lang kami para sa iyo David. Alam mo naman na higit pa sa kapatid ang turing ko sa iyo." wika ni Lucas.

"Hindi ka din naman namin papabayaan." dugtong ko.

"Tsaka nandito naman si Flynn. Halos asawa mo na yan dito sa dorm. Pwede ka niyang pagsilbihan." wika ni Lucas. Agad ko siyang binatukan. Nagawa pang magbiro nitong kumag na ito sa ganitong uri ng sitwasyon.

Ngumiti si David.

"Bakit ba ako umiiyak sa inyo. Dapat hindi ako ganito." natatawang wika ni David. Napangiti ako sa narinig ko sa kaniya.

"Okay lang. Normal lang ang umiyak sa lalake. Nasaktan ka eh." sagot ko.

"Kapag ikaw ang umiyak normal ba yun?" biro ni Lucas.

"Anong gusto mong iparating?!" naaasar kong tanong.

"Hindi ka naman lalake eh." direktang sagot ni Lucas. Tinadyakan ko siya na naging sanhi para mahulog siya sa higaan. Tumawa lang si David.

"Grabe ka sa akin Flynn! Nananakit ka na talaga ngayon!" wika ni Lucas.

"Subukan mong magbiro pa sa akin malilintikan ka na talaga." pagbabanta ko.

Agad naman akong hinatak ni David at niyakap. Nagulat ako. Pinilit ko siyang itulak pero hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Maya-maya naramdaman ko na ding yumakap sa amin si Lucas.

"Group hug!" wika ni Lucas.

"Bakla ba kayong dalawa?" naiirita kong tanong.

"Masama bang magyakapan ang magkakaibigan? Naiilang ka lang kasi inlove ka sa akin." biro ni David.

Double RainbowWhere stories live. Discover now