Sixteen. (T.B.S.A.T.A.J.)

7 1 0
                                    

(from a lip balm and face cream commercial)

Bakit siya lumuhod?

"Bryan." gulat na wika ni Lefzon.

Nakatitig lang siya sa akin. Bigla niya akong hinawakan sa kamay pero agad ko din itong inalis. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Galit ba o awa?

"Flynn." wika ni Bryan.

Tumingin lang ako sa kaniya. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko ngayon.

"Bryan, umalis ka na muna." mahinahon kong pakiusap.

"Flynn, ano bang kailangan kong gawin para makausap lang kita kahit sandali?" tanong niya. Tumingin ako sa paligid. Masiyadong malaki ang quadrangle para mapansin nila kami dito.

"Ayoko Bryan. Please umalis ka na muna." wika ko.

Bigla niya ulit akong hinawakan sa kamay ko. Agad ko itong inalis. Naramdaman ko na lang na umakbay sa akin si Lefzon. Tumingin ako sa kaniya at seryoso ang mukha niya.

"P're. Ayaw makipag-usap nung tao. Baka pwedeng iwanan mo muna siya." wika ni Lefzon.

Tumingin si Bryan kay Lefzon. Dahan dahan siyang tumayo at lumayo sa aming dalawa. Huminga ako ng malalim. Anong nasa isip niya at kinailangan pa niyang lumuhod sa harapan ko?

Tinanggal ni Lefzon ang pagkakaakbay niya sa akin. Muli akong tumingin sa kaniya pero seryoso muli ang mukha niya. Pinagpatuloy niya ang pagkain niya.

"May gagawin ba tayo dito?" tanong ko.

"Wala naman." sagot niya. "Gusto mo na bang umalis?"

Tumingin ako sa mga dala niyang pagkain. Kung aalis kami sayang naman ang mga ito. Nakalibre na din ako ng lunch kahit papaano.

"Okay lang kung gusto mo nang umalis." wika niya.

"Hindi. Okay lang kung dito muna tayo." sagot ko.

"Hindi mo ba talaga papansinin si Bryan?" bigla niya tanong. Tumingin ako sa kaniya. Kakausapin ba niya ako ngayon tungkol kay Bryan?

"Hindi." sagot ko.

"Lasing talaga siya nung gabing yun. Nawala siguro sa sarili." paliwanag ni Lefzon.

"Pinagtatanggol mo ba siya?" tanong ko.

"Hindi ko siya pinagtatanggol. Ang sa akin lang, sa tingin mo ba deserve niyang lumuhod sa harap mo?" tanong niya.

Napaisip ako. Ang lalim din pala mag-isip ni Lefzon. Pero oo nga. Deserve nga ba ni Bryan? Hindi ko lang kasi lubos maisip kung deserve niya ang ugali niya. Alam kong apektado pati relasyon niya at ni Michelle pero anong magagawa ko? Siya ang gumawa nun.

"Nasa iyo naman yan kung papatawarin mo siya. Pero tayo sa council dapat alam nila na role model tayo." wika ni Lefzon.

Natawa ako bigla.

"Bakit ka tumawa?" tanong niya.

Sino ba naman ang hindi matatawa. Agad na pumasok sa isip ko si Joyce. Role model? Halos kulang na lang ipakidnap niya ako sa inis niya sa akin para mawala na ako ng tuluyan sa paningin niya.

"Wala lang." sagot ko.

"May naisip ka. Ano yun?" tanong niyang muli.

"Wala nga." nakangiting sagot ko.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong subuan muli ng tinapay. Nakita kong naaasar ang mukha niya.

Napatingin ako sa harapan ko ng may tumigil na lalake dito. Pagtingin ko, si Juneray. Kita ko sa mukha niya ang nakakaasar na ngiti.

Double RainbowWhere stories live. Discover now