Thirty Seven.

4 1 0
                                    

Natapos din ang buong araw. Nakakatuwa lang isipin na wala kaming naging quiz ngayon kaya naman alam naming magiging tahimik ang weekend namin. Napatingin na lang kami sa unahan nang magsalita dito si Aira.

"Guys. Alam naman natin na ngayon ang eleksyon." wika ni Aira. "At alam din naman natin na mananalo si Flynn kaya naman magpapaparty ako bukas."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aira. Tumingin ako kay Juneray at kita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Sandali Aira, hindi pa tapos ang eleksyon. Hindi din naman ako sigurado kung mananalo ako kaya hindi mo kailangang magpaparty." wika ko.

"Manalo o hindi tuloy ang party. Sagot ko naman ito." wika niya.

Agad na naghiyawan ang buo naming klase. Ano kayang nakain niya at naisip naman niya magpaparty ngayon? Nakakahiya. Ang laki na ng nagagastos niya nang dahil lang sa akin.

"Ano bang ginawa mo kay Aira at ganiyan siya kabait sa iyo?" tanong ni Juneray.

"Sobra sobra na ang binibigay niya." sagot ko.

"Hindi tayo pwede sa Club Red kasi nakabook na siya. Balak ko sana na dito ganapin pero hindi na pwede kaya sa bahay na lang namin bukas. 8:00 PM." wika ni Aira.

"Hanep Aira. Nakapagalante mo talaga. Siguraduhin mo lang na may maiinom kami ha!" pang-aasar ni Von. Nagtawanan ang buo naming klase.

"Sa dami ng nainom mong mamahaling inumin sa bahay namin, kulang pa ang tuition fee mo para mabayaran mo ako dahil dun!" sagot ni Aira. Naghiyawan kaming lahat. Basag na basag si Von sa sinabi ni Aira.

"Guys please. Relax lang tayo. Hindi ako sigurado kung mananalo ako kaya wag na nating ituloy yan. Baka mapahiya lang ako sa inyo." paliwanag ko.

"Ano ka ba naman Flynn. Get together na lang din natin ito. Kung hindi ka man manalo at least ginawa mo ang best mo. At proud naman kaming lahat sa iyo." wika ni Aira.

"Totoo yan. Proud kami sa iyo Flynn. Nagningning ang napakapatay nating College kagabi sa Jingle Night dahil sa iyo." wika ni Von.

"Thank you sa tulong at suporta niyo. Pero sobra sobra na kasi ang binibigay niyo sa akin. Lalo ka na Aira." wika ko.

"No worries. Mayaman ako." mayabang na wika ni Aira. Nagtawanan ang mga kaklase ko. "Kaya please Flynn, tutuloy kami kahit hindi ka magpunta. Konsensiya mo na lang kung hindi ka aattend."

Napaisip ako. Nahihiya din akong makita ang Daddy niya dahil tumulong ito sa kampanya ko. Baka magandang opportunity na din ito para makapagpasalamat ako.

"Baka ngayon nakapaskil na din ang mga bagong officers sa Council Hub." wika ni Juneray.

"Ang bilis naman." wika ni Mattheu.

"Mabilis lang naman talaga yun. May grade na kasi sila sa screening. Tapos yung result ng eleksyon, iaadd lang nila ang percentage nito tapos ipopost na nila ang mga nanalo." paliwanag ni Juneray.

"Mag-abang na lang din tayo. Kinausap ko na ang iba kong kaibigan sa ibang college na maghintay ng results. Imemessage nila kaagad ako kapag meron na pero ngayon wala pa ding update." wika ni Aira.

Bigla akong kinabahan.

∞∞∞

Nagpunta kami ni Juneray sa Council Hub. Pagdating namin dito, nakasara ang pintuan. Bukas ang ilaw sa loob kaya sigurado kami na nasa loob na din ang mga officers at nagtatally na sila. Nakita din namin sina David at Lucas na naghihintay din sa labas. Madami ang mga estudyanteng nandito. Karamihan applicants habang yung iba ay hindi ko alam kung bakit nandito.

Double RainbowWhere stories live. Discover now