Twenty Four.

7 1 0
                                    

Nagliligpit na ako ng gamit ko. Nasa laboratory room kami at karamihan sa mga kaklase ko ay naglalabasan na para sa break time.

"Flynn, sabay ba tayo?" tanong ni Juneray.

"Hindi mo kasabay si Clea ngayon?" pagtataka ko.

"May aasikasuhin daw sila ng mga kaklase niya ngayong araw kaya hindi siya makakalabas ng school." sagot ni Juneray.

"Hindi ko din naman kasabay sina David." sagot ko.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Juneray.

"Ikaw ang mas may alam sa ating dalawa kaya ikaw magdesisyon. Haha." sagot ko.

Biglang nagsigawan ang mga kaklase kong lalake sa likuran. Napatingin kaming lahat dito. Inaasar nila Von si Blanco. At si Blanco naman, nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Nginitian ko na lang din siya pabalik. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Tara na." pagyayaya ko kay Juneray.

Naglakad kami ni Juneray palabas ng school.

"Kumusta na kayo ni Clea? Sinagot ka na ba?" tanong ko.

Ngumiti si Juneray. "Hindi pa. Sabi ko sa kaniya wag niya madaliin." sagot niya.

"Pero madalas kayong magkasama." wika ko.

"Hindi ko din alam Flynn. Kapag kasama ko siya biglang nag-iiba pakiramdam ko. Ang saya ko." wika niya.

Ngumiti ako. Inlove si Juneray. Parang kailan lang ang sabi niya sa akin gusto muna niyang matapos ang pharmacy pero ngayon, hindi yata niya kakayanin na mawala si Clea.

"By the way Juneray, may team building ang Council. Sa Ilocos gaganapin." wika ko.

"Talaga? Ang layo ng Ilocos!" sagot niya.

"Pero nakakaexcite. Makakapagpahinga din kami at the same time makakapagbakasyon." wika ko.

"Kailan daw gaganapin?" tanong ni Juneray.

"Sa foundation day ng school. Two days kami dun." sagot ko.

"Ibig sabihin two days mong makakasama si Lefzon." pang-aasar ni Juneray.

"Parang ganun na nga." nakangiting sagot ko.

"Aminado ka naman!" tumatawang wika ni Juneray.

Ngumiti ako. Totoo. Hindi naman siguro masamang mag-isip ng mga pwedeng mangyari lalo na't malayo ako kina David at Lucas tapos ang taong gusto ko pa ang makakasama ko. Maiba man lang kahit panandalian ang paligid ko.

Biglang may kumuha ng bag ko. Nagulat ako at napatingin kami dito ni Juneray.

"Ako na magdadala." wika niya.

Si Lefzon. Nasa isip ko lang siya biglang nandito na siya? At bakit nandito siya?

"Ako na. Kakain kami ni Juneray sa labas." wika ko.

"Hindi ba ako pwedeng sumabay?" tanong niya.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Jasper. Iba ang gusto niyang makasabay. Hindi na binanggit sa akin ni Jasper kung sino. Pinipigilan ko ang utak ko na mag-isip ng kung ano-ano pero ako ba? Gusto kong kiligin.

"Wala ka bang makakasabay?" tanong ko.

"Wala." matipid niyang sagot.

"Si Jasper bakit hindi mo yayain?" tanong ko.

"Ayaw akong sabayan ni Jasper. Busy siya sa college niya." sagot niya.

Nagtaka na ako. Magkaiba sila ng sagot ni Jasper. Sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila? Biglang nawala ang kilig na nararamdaman ko. Baka mamaya niloloko lang ako ni Jasper.

Double RainbowWhere stories live. Discover now