Seven. (Delicate)

5 1 0
                                    

Hindi ako makalakad sa pwesto ko. Nasa apartment ako ni Lefzon. Ako? Nandito? Totoo ba ito? Tumingin ako kay Lefzon at alam kong napansin niya ang mukha ko na nagtataka.

"Wag ka mag-alala, wala akong balak gawin sa iyo." seryosong wika niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero alam ko kung anong ibig sabihin niya.

Pagpasok namin, nakita ko kaagad ang lobby ng building. Napakaganda dito. Mayaman pala siya? Hindi halata sa kaniya na sa ganitong uri ng lugar siya nakatira. Nagtungo kami sa elevator at sumakay kami.

Dumating kami sa 7th floor. Pagbukas ng elevator, naglakad kami sa hallway. Ang ganda dito. Agad kong naikumpara ang dorm namin dito. Maganda naman ang dorm namin pero pangmayaman talaga itong building na ito.

Tumapat kami sa isang pintuan. Ito na ata ang apartment niya. Agad niyang kinuha ang susi sa bag niya. Napansin ko ulit na may nakasabit na keychain na skateboard sa mga susi niya. Pagbukas ng kwarto, agad niyang binuksan ang mga ilaw.

"Sa ganito ka nakatira?" namamangha kong tanong sa kaniya.

"Apartment lang ito. Iiwanan ko din ito pagkagraduate." sagot niya.

"Bakit ako nandito?" tanong ko. Nakatingin pa din ako sa buong paligid. May sarili siyang sala, kwarto at kusina dito. Kung dito kami nakatira nina David at Lucas panigurado magdamag kaming manonood ng T.V.

"May ipapaayos ako sa iyong mga papeles ng council. Umpisahan mo na ang training mo sa pagsegregate ng mga importanteng papel namin." paliwanag niya.

"Hanggang dito inuuwi mo trabaho mo sa council?" tanong ko.

Ngumiti siya. Napangiti naman ako sa ngiti niya. Lumapit ako sa sala at ako na ang nagdesisyon na umupo sa sofa. Nakatingin pa din ako sa paligid.

"Ang yaman mo pala." wika ko. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa paligid. Nakakamangha.

Maya-maya lang ay lumapit siya sa akin dala ang napakadaming papeles. Hindi ko nagustuhan ang dami nito at nakita ko si Lefzon na natatawa.

"Sigurado ka bang lahat yan ay papeles pa sa council?" tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?" pagtataka niya.

"Sa dami niyan baka mamaya may personal ka nang papel diyan." biro ko. Nilapag niya ang mga papel sa lamesa sa harap ko. Nakita ko ang napakadaming application form at mga papeles na hindi ko maintindihan kung bakit meron siya.

"Ihiwalay mo yung mga application form base sa position na inapplyan. Tapos ihiwalay mo din yung mga memo ng council, yung mga letter for application of activities, finance files, at audited files." utos niya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya basta ginalaw ko na lang ang mga papeles at nag-umpisa akong silipin kung ano ba ang mga ito.

Nakita ko ang ilan sa mga dating activities ng council. Yung iba naman pending pa. May mga files din ng application namin at nakita ko ang kay Abby. Kinalikot ko pa ang mga ito para hanapin ang akin pero hindi ko makita. Tumingin ako kay Lefzon. Baka mapansin niya na nakikialam na ako dito.

Maya-maya lang, nakita kong kinuha niya ang bag niya sa may upuan sa kusina at pumasok siya sa isang kwarto. Baka ito ang kwarto niya.

"Magbibihis lang ako." paalam niya.

Pagkapasok niya sa kwarto, kinalikot ko ulit ang mga papeles at pilit kong hinahanap ang akin. Yung ibang application form na nakikita ko ay mga namumukhaan ko. May mga nakahalong finance files dito at nang makita ko ang mga pera na nakadeclare dito na nagastos ng council, napalunok na lang ako ng laway. Ganito kalaking pera ang ginagastos nila para sa ibang activities.

Double RainbowWhere stories live. Discover now