Twenty Six. (T.I.W.W.C.H.N.T.)

8 1 0
                                    

Nabingi yata ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"No offense." wika niya. "Kalat lang din kasi sa college namin na bagong target mo daw yung president ng Student Council. May nakakakita daw sa inyong sabay kumain at patago mo daw itong ginagawa para hindi malaman ni David."

Anong sinasabi niya? Wala akong ganiyang ginagawa. At isa pa, sino naman ang mag-iisip ng ganiyang mga bagay tungkol sa akin? Mga taong patay na patay kay David?! Nararamdaman kong nilalamig ang kamay ko. Ramdam kong mabilis ang tibok ng puso ko.

"Sandali. Hindi totoo yan." wika ko.

"Well, yan lang naman ang narinig namin." wika niya.

"Flynn!" biglang sigaw sa may hagdan. Napatingin ako dito at nakita kong nakatayo si David dito at nakatingin sa aming dalawa.

"Aalis na ako." wika ng babae. Pagkaalis niya, lumapit sa akin si David.

Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Gusto ko na namang umiyak. Bakit ba binibigyan nila ako ng mga walang kakwenta kwentang issue na hindi ko naman ginusto.

"Wag ka maniwala dun sa babaeng yun. Kilala yun sa college nila na maldita." wika ni David.

"Narinig mo yung mga sinabi niya?" tanong ko.

Tumango si David bilang sagot. Yumuko ako. Bakit ako na naman? Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mga mata ko.

"David." wika ko. "Kasalanan ko ba na naging kaibigan kita?"

Agad akong hinatak ni David at yinakap. Hindi ko na napigilan. Umiyak na ako. Pakiramdam ko nakapatong na naman sa balikat ko ang buong mundo. Ngayon, hindi lang si David ang nakikita nila. Pati si Lefzon nakikita na din nila. Nakikitaan na din nila ito ng pwede kong ikasira. Pakiramdam ko tuloy hindi ako dapat mapalapit sa kaniya. Baka pati siya madamay sa napakapangit kong reputasyon sa school.

"Flynn." wika ni David. "Hindi mo kasalanan ang maging kaibigan kami. Maswerte kami sa iyo kaya huwag mong isipin ang mga bagay na gawa gawa lang ng mga taong nasa paligid mo."

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak sa balikat ni David.

∞∞∞

Break time namin at naglalakad ako papuntang canteen. Hinihintay ako ni David at Lucas dito. Habang naglalakad, may biglang kumuha ng bag ko.

Si Lefzon.

"Pharma. Sabay na tayong kumain." wika niya.

Tiningnan ko siya. Ngumiti ako. Magsasalita na sana ako ng bigla kong maalala ang tungkol sa sinabi sa akin ng babaeng kadorm ko.

"Lefzon, sasabay muna ako kina David at Lucas. May pag-uusapan kasi kaming importante." wika ko.

"Hindi ba akong pwedeng sumabay?" tanong niya.

Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko nakatingin na naman sa akin ang lahat ng estudyante dito sa school.

"Importante kasi yung pag-uusapan naming tatlo. Pasensiya na." sagot ko. Agad kong kinuha ang bag ko sa kaniya at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nanghihinayang din ako sa pagkakataon. Makakasabay ko ulit si Lefzon at alam ko naman na papayagan ako nina David at Lucas pero natatakot din ako. Natatakot ako na baka pati ang magandang pagkakakilanlan ni Lefzon sa school ay masira nang dahil lang sa isang tulad ko.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko si David at Lucas na nakatayo sa labas.

"Nandito na pala si Flynn." wika ni Lucas.

Double RainbowWhere stories live. Discover now