Nineteen. (S.S.)

10 1 0
                                    

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. May mga matatanggal na sa amin? Pero bakit? Ang aga naman yata ng tanggalan?

Biglang umingay sa buong Council Hub.

"Tahimik!" sigaw ni Joyce. Agad namang tumahimik ang lahat. "We'll post the list on Monday at the bulletin board of the Council, then call time will be on Friday next week for the lucky passers. Yes. You heard that right. Call time will be every Friday. Not everyday."

"And by means of call time, it means second part of the screening. Weekly na siya, hindi na everyday." dugtong ni Jasper.

Tumingin ako kina Abby. Hindi din maipinta ang mga mukha nila. Si Jemille naman nakangiti lang sa harap. Sinipa ko ang upuan niya. Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Bakit?" nakangiting tanong niya.

"Nakangiti ka pa?" tanong ko.

"Well, that's life. Bakit tayo malulungkot sa announcement ng council? Sa college namin number one rule ang maging masaya." sagot ni Jemille.

Hanga din ako sa taong ito. Positive lang sa buhay. Masarap itong kasama panigurado.

Humarap ako kina Abby. "Okay ka lang?" tanong ko kay Abby na nagtakip ng scarf sa bibig niya.

"Okay lang ako. Nakakakaba lang." sagot ni Abby.

"At the end naman, isa lang talaga ang matatanggap sa ating lima." wika ni Gemma.

Tumingin ako kay Bien. Tahimik lang siya.

"Is there any question?" tanong ni Joyce. Nagulat kami sa dami ng nagtaas ng kamay.

Tumingin ako kay Lefzon. Nakatingin pa din siya at walang nagbago sa ngiti niya. Nakakakaba. Tanggal na ba ako? Dahil ba hindi ko siya nasamahan sa pagkain tatanggalin na niya ako? Kinakabahan talaga ako. Alam kong nilalamig ang mga kamay ko.

"And by the way." biglang wika ni Lefzon sa lahat. Tumahimik bigla ang buong Council Hub. "Isa sa factors na nagdetermine kung tutuloy pa kayo sa second stage ay ang mga facilitators niyo." Bigla siyang tumingin sa akin.

Okay. Mukhang matatanggal na talaga ako. Tatanggapin ko na lang ba? Pero kinakabahan pa din ako.

"Kung wala na kayong tanong pwede na kayong umuwi." wika ni Jasper.

Nagtayuan ang ilan sa amin habang ang iba ay nagtataas pa din ng kamay at may mga tanong pa. Gusto ko na lang makalabas dahil hindi na din ako makahinga dito sa loob.

∞∞∞

Dumating ang Linggo ng gabi. Hindi ako makatulog. Patay na lahat ng ilaw sa kwarto namin. At sigurado akong tulog na din sina David at Lucas. Hindi ako mapakali sa higaan ko.

Bukas. May result na bukas. Natatakot ako. Pakiramdam ko hindi ako masasama sa listahan. Malakas ang pakiramdam ko na talagang pinagtripan lang ako nina Lefzon at ngayon ang mga seryosong sumali na ang ipapasok nila sa pangalawang parte ng screening. At pakiramdam ko hindi ako naging seryoso. Puro landi. At landi lang naman talaga ang dahilan ko. At least aminado ako sa sarili ko.

"AAAHHH!" sigaw ko.

Biglang bumukas ang lampshade ni David. Patay. Tulog na nga pala siya bakit ako sumigaw. At bakit ba ako dito sumigaw? Hindi ko na din kasi mapigilan. Napapaisip talaga ako.

"Anong nangyari sa iyo Flynn?!" wika ni David. Agad siyang tumayo sa higaan niya at pumunta siya sa higaan ko.

"Sorry. Stress lang." sagot ko.

Pinisil ni David ang ilong ko. "Bwisit naman ito!" nanggigigil niyang wika.

"Sorry." muli kong wika.

Double RainbowWhere stories live. Discover now