Fifteen. (A.H.)

7 1 0
                                    

Nakatingin ang lahat sa kaniya. Bakit siya nandito? Narinig ko na lang na lalong naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Nandito ang boyfriend wala akong magagawa. Pass na muna." wika ni Blanco. Agad siyang bumalik sa pwesto niya. Tumingin ako kay Lefzon. Seryoso ang mukha niya. Maya maya lang ay binitawan niya ang kamay ko.

Muli akong umupo at alam kong nakatingin ang lahat sa akin ngayon.

"Truth na lang ba?" nakangiting wika ni Von.

"Next." wika ni Aira. Kita kong nabadtrip ang ilan sa kanila. Ginagawa nila akong katuwaan ngayon.

Muli akong tumingala. Tumingin ako kay Lefzon. Tahimik lang siya. Bakit niya ginawa yun? Napansin kong nakatingin sa akin si Jasper at nakangiti din siya.

Yumuko ako.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

∞∞∞

Natapos ang party. Nasa labas na kami ni Clea at hinihintay namin si Juneray na kinukuha ang sasakyan sa parking lot.

"Sana nag-enjoy ka Clea." wika ko.

"Nag-enjoy ako wag ka mag-alala." nakangiting sagot niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

Dumating ang sasakyan ni Juneray. Bumukas ang bintana nito at nakita ko si Juneray na inaayos ang upuan sa unahan kung saan uupo si Clea. Nakita ko sa mukha niya ang ngiti. Inlove din ang kumag na ito.

Binuksan ko ang pintuan sa unahan at pinapasok ko si Clea. Pagkapasok niya, sumilip ako sa bintana.

"Umuna na kayo." wika ko.

"Bakit? Saan ka pupunta?" gulat na wika ni Juneray.

"May dadaanan lang ako saglit sa may West Garden." sagot ko.

"Ihahatid ka na lang namin! Gabing gabi na ngayon." wika ni Juneray.

"Ako na lang dadaan dun. Biglaan lang din kasi. Umuna na kayong dalawa." wika ko.

"Sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong ni Juneray.

"Oo." nakangiting sagot ko.

"Okay sige. Mag-ingat ka. Itext mo ako kapag nakabalik ka na sa dorm niyo." bilin niya.

Ngumiti ako. Dahan dahan na isinara ni Juneray ang bintana at nagpaandar ng sasakyan niya.

Nagsinungaling ako.

Wala talaga akong dadaanan sa West Garden. Nanghihinayang lang ako sa pagkakataon na makakasama ni Juneray si Clea. Silang dalawa lang. Third party lang ako kapag sumabay pa ako sa kanila. At isa pa, kita ko naman sa tao na inlove siya.

Minabuti ko na lang din mag-umpisang maglakad. Sa may West Garden na lang ako sasakay ng taxi pabalik sa dorm. Habang naglalakad, nag-iisip pa din ako sa nangyari. Si Lefzon. Nandun din siya. Pero hindi niya ako pinapansin o kaya naman kinakausap. Tahimik lang siya at palaging nakatabi kay Jasper.

Biglang may sumabay sa akin paglalakad. Tumingin ako dito.

Si Blanco.

"Pauwi ka din?" tanong ko.

"Hindi." nakangiting sagot niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Wala. Nakita lang kita." sagot niya. Anong trip niya?

"Pauwi na ako. Sasakay na din ako ng taxi diyan sa West Garden." wika ko.

Ngumiti lang si Blanco. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinayaan ko lang siyang sumabay. Tumingin muli ako sa kaniya. Nakalusot ang mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang jacket. Muli akong tumingin sa dinadaanan ko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now