Thirty Three.

6 1 0
                                    

Napahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya at kita kong seryoso siya sa sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Hindi ako magsisinungaling sa iyo. Nakausap ko si Mattheu at alam kong tinatanong ka nila sa classroom niyo. At lalong hindi ko ipagkakaila sa iyo na alam kong may gusto din sa iyo si Blanco. Kaya pwede bang kapag may nagtanong sa iyo kung may nanliligaw sa iyo, ang isagot mo ay meron?" wika niya.

"Ito ba ang paraan mo ng pagsasabing manliligaw ka na sa akin?" natatawang tanong ko.

"Oo." sagot niya. "Papayagan mo ba ako?"

Tiningnan ko siyang mabuti. Nakakainis ang itsura niya. Lalo pa akong nahuhulog kapag nakikita kong dala dala niya ang napakabigat kong bag. Maginoo.

Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Ngumiti naman siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Pero Flynn, ano ba ang tingin mo kay Blanco?" tanong niya.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Gusto ko lang din malaman. Umamin siya na may gusto siya sa iyo kaya anong nararamdaman mo dun?" tanong niya.

"Paano kung sabihin kong nanliligaw na din siya?" wika ko. "Anong gagawin mo?"

"Kakausapin ko siya. Sasabihin ko sa kaniya na itigil na niya ang ginagawa niya dahil niloloko lang niya ang sarili niya." sagot niya.

"Gagawin mo talaga yan?" tanong ko.

"Oo." sagot niya.

"Baliw ka. Huwag mong gagawin yan. Mabait si Blanco sa akin." wika ko.

Biglang natigil sa paglalakad si Lefzon. Humarap siya sa akin.

"Kahit ligawan ka pa niya, okay lang sa akin. Hindi ko siya pipigilan." wika niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi kahit anong gawin niya, alam ko naman na nasa akin na ang puso mo." sagot niya.

Hindi ko napigilang ngumiti. Alam niya kung paano ako pakiligin. Minabuti ko nang tumalikod sa kaniya at naglakad na ako.

∞∞∞

Break time namin. Magkasama kami ni Juneray dahil hindi daw makakasabay sina David at Lucas sa akin. Si Lefzon naman may aasikasuhin daw sa Council. Habang naglalakad kami sa hallway, may napansin kaming mga nakadikit dito. Agad namin itong nilapitan.

To all students: Jingle Night and Election Day for the Student Council will be next week. The list of candidates is listed below. Kindly inquire your respective college organizations to validate the qualified voters. Thank you.

At sa ilalim nito, nakita namin ni Juneray ang mga pangalan namin. Sa secretary, kaming tatlo nina Jemille at Abby ang nakalista. Totoo na ito. Napansin namin bigla na nakatingin sa akin ang ibang estudyante. Karamihan sa kanila agad na inaalis ang tingin sa akin pagkatapos nila akong titigan. Hindi nga siguro ako mananalo. At kung hindi man ako mananalo, alam kong si Jemille ang isa sa pinakamalakas dahil iba din naman talaga ang personality niya.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Juneray.

"Wala naman. Pakiramdam ko lang hindi ako mananalo dito." sagot ko.

"Bakit mo naman naisip na hindi ka mananalo? Next week pa ang eleksyon. May oras ka pa para mangampanya." sagot ni Juneray.

"Bakit pa ako mangangampanya? Alam ko naman na matatalo din ako." wika ko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now