Thirty Five. (R.F.I.)

5 1 0
                                    

Kita ko sa muka nang dalawang Tourism Students ang pagkagulat nila kay Aira.

"Mabait akong tao pero kung gusto niyong makita ang totoo kong ugali, magpapakamaldita ako." wika ni Aira habang nakatingin siya sa dalawa.

Hindi makausap ang dalawa. Kita ko sa mukha nila ang takot kay Aira.

"Ikaw Celine, nadelay ka na di ba nang isang taon dahil sa dami ng bagsak mo. Bakit hindi mo muna ayusin ang grades mo bago ka magmaldita sa eskwelahang ito?!" wika ni Aira sa babaeng nasa kaliwa. Celine pala ang pangalan niya.

"At ikaw naman Ella. Baka nagkakalimutan tayo na ang laki ng utang ng pamilya mo sa pamilya namin." wika ni Aira.

Nagugulat ako kay Aira. Kilala niya pala ang dalawang ito?

"Aira, hindi ikaw ang inaaway namin dito. Yang baklang katabi mo ang pinagsasabihan namin." wika ni Ella.

"Itong baklang katabi ko dito, kaklase at kaibigan ko ito. Kung makapagsalita ka Ella, akala mo pag-aari mo na ang eskwelahang ito. Bagsak na ang pamilya mo kaya wala ka nang dapat ipagyabang pa. Ikaw ang lumugar sa dapat mong lugaran dahil mahirap ka na. Yan ang katotohanan." wika ni Aira.

Bumuka ang bibig ko sa pagkakagulat sa sinabi ni Aira. Hindi ako makapaniwalang siya itong katabi ko. Si Aira talaga itong kasama ko na nagmamaldita sa ibang estudyante sa eskwelahang ito.

"At ikaw Celine, yang peke mong ugali dapat isama mo yan sa peke mong scholarship. Matagal ka nag hindi scholar dahil puro bagsak ka lang naman. Wala namang binatbat ang utak mo sa utak ni Flynn. Topnotcher namin ito sa mga exams samantalang ikaw ang nangungunang loser sa college niyo!" wika ni Aira.

"Aira, please, wag nang palakihin itong nangyari. Sorry. Hindi na ito mauulit." wika ni Ella.

"Hindi na talaga ito mauulit kasi hindi na ako papayag na maulit pa ito. Pero dahil narinig ko lahat ng sinabi niyo kay Flynn, kailangan niyong gumawa ng paraan para mapatawad ko kayo." wika ni Aira.

"Gagawin namin ang lahat." wika nilang dalawa.

"Mabuti. Pumunta kayo mamaya sa bahay para sumama sa campaign staff ni Flynn." utos ni Aira.

"No way!" sigaw ni Ella.

"Okay. Isusumbong na lang kita kay Daddy para naman madagdagan pa ang pagkakalugmok ng pamilya mo. Tingnan na lang natin kung anong pwedeng gawin ni Dad sa utang niyo." pananakot ni Aira.

"Go na ako." wika ni Celine.

Hindi kaagad makapagsalita si Ella. Hindi din ako makapagsalita dahil hindi pa din ako makapaniwala sa pinakikita ni Aira.

"Okay fine." naaasar na sagot ni Ella.

"Isa lang ang gusto kong mangyari. Ibigay niyo ang best niyo para manalo si Flynn sa darating na eleksyon." wika ni Aira. "Umalis na kayo sa harapan ko."

Agad na tumalikod ang dalawa at umalis. Agad din namang humarap sa akin si Aira.

"Ikaw naman Flynn, bakit hinahayaan mo na kinakawawa ka ng ibang tao dito sa school?" tanong ni Aira.

"Sanay na ako." sagot ko.

"Kahit na sanay ka na, hindi mo dapat hinahayaan na may sinasabi silang hindi maganda tungkol sa iyo." wika ni Aira.

"Okay lang Aira. Hindi mo naman na kailangang gawin pa yung mga ginawa mo. Kawawa naman yung dalawang Tourism Students." wika ko.

"Anong kawawa? Mas kawawa ka dun. Maldita talaga si Ella pero takot yun sa akin dahil malaki ang utang nila sa pamilya namin. At yung Celine naman, ewan ko ba kung bakit nandito pa din yung babaeng yun. Sa dami ng bagsak nun dapat tinanggal na yun sa school na ito. At takot yun sa akin dahil alam niyang madami akong alam tungkol sa kaniya." paliwanag ni Aira.

Double RainbowWhere stories live. Discover now