Thirteen. (G.R.)

9 1 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakaikot ang isa niyang kamay sa likuran ko habang nakaikot naman ang isa pa niyang kamay sa likod ng ulo ko. Nakadikit ang ulo ko sa dibdib niya. Dito ko lang napansin na mas matangkad siya sa akin.

Kinikilig ako.

Bigla siyang nagsalita. "Gusto kong malaman mo na kapag tinawag kita, huwag na huwag mong papaabutin sa pangatlong beses dahil sa susunod na gawin mo ito, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." wika niya.

Natakot ako.

Napalunok na lang ako ng laway. Nakakatakot siya. Buti na lang yakap niya ako kaya kahit papaano hindi ko kita ang mukha niyang seryoso.

Bigla niya akong binitiwan. Tinitigan niya ako. Hayop. Ang gwapo pa din.

Hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako at pupunta sa direksyon na hindi ko din naman alam kung saan ako papunta o dito na lang ako at hintayin na si Lefzon ang unang umalis sa aming dalawa.

"Samahan mo ako." bigla niyang wika.

"Saan tayo pupunta?" pagtataka ko.

Agad siyang naglakad. Nag expect pa man din ako na hahawakan niya ako sa kamay at pipilitin na sumama sa kaniya pero nauna pa din siyang maglakad kahit na hindi siya sigurado kung sasama ba ako sa kaniya.

Hindi ako lumakad. Nakatayo lang ako at pinagmasdan ko lang siyang umalis. Bakit niya ako niyakap? Yan ang tanong na umiikot ngayon sa isipan ko.

Bigla siyang tumigil sa paglakad at humarap sa akin. Hindi ko gusto ang itsura niya.

"Sumunod ka na." wika niya.

Ayoko pa sanang humakbang pero sumunod pa din ako sa kaniya. Nakakatawa lang.

Dumating kami sa pinagpaparkingan ng motor niya. Napansin ko kaagad ang dalawang helmet na nakasabit dito. Isasama na naman niya ba ako?

Agad niyang inabot sa akin ang isa pang helmet. Hindi ko ito maisuot kaagad. Naguguluhan ako sa nangyayari. Saan ba kami pupunta? At bakit ako ang isinama niya?

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Tumingin muna sa akin si Lefzon ng seryoso. Ang gwapo. Nakakaasar. Nakakalusaw ang tingin niya.

"Sa lugar natin." sagot niya.

Biglang napangiti ang labi ko kahit na wala akong alam kung saan ba ang lugar namin. Lugar natin. Meron ba nun? Ano bang trip niya? Alam ba niya? Sinasadya ba niya? Bakit ganito siya ngayon? Sana lang hindi ito pangtritrip kasi kung totoo ito malamang sa malamang hindi kaagad ako makakatulog mamaya pag-uwi ko.

"Sasakay ka ba o hindi?" tanong niya.

Agad kong sinuot ang helmet at sumakay sa likuran ng motor niya. Muli akong humawak sa balikat niya pero agad din niyang inilipat ang kamay ko paikot sa tiyan niya. Nakayakap na naman ako sa kaniya.

Paasa ito. Bakit ba niya ito ginagawa?

Inumpisahan na niyang paandarin ang motor. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta pero sa ngayon, nawala na ang pagkabad trip ko.

∞∞∞

Tumigil kami sa lugar na sinasabi niya. Lugar niya ito. Dito niya ako dinala nung nagkagulo kami sa Club Red. Madilim na pero katulad ng dati, kitang kita ko ang palayan sa liwanag ng buwan. Ang lakas ng hampas ng hangin. Napapapikit na lang ako dahil napakapayapa ng gabi.

Bumaba ako sa motor niya.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang din siya sa palayan. Kitang kita ko ang mukha niya sa gabing madilim. Ang buhok niya na sumasayaw sa lakas ng hangin, nakakahulog ng damdamin. Bigla ko na lang din natanong ang sarili ko, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa taong ito?

Double RainbowWhere stories live. Discover now