Hindi ko alam kung anong trip nila sa buhay. O kung anong trip ni Lefzon sa buhay niya. Ang special ng pangalan ko. Sa lahat ng nag-apply, ako lang ang may pangalan sa screen. Tumingin ako kay Lefzon at nakangiti lang siya sa akin. Ngiting hindi mo magugustuhan.
"Bakit ako nakahiwalay?" pagtataka ko.
"Sabi ko naman sa iyo, mukhang ikaw talaga ang matatanggap dito." sagot ni Abby.
"Bakit kailangang nakahiwalay ako sa inyo?" tanong ko.
Minabuti kong tumingin sa likod dahil baka pakana ito ni Joyce. Pero yung iba sa mga applicants ay nakatingin din sa akin. Hindi ko din gusto ang tingin nila. Nakita ko si Joyce na nakikipag-usap sa mga kapwa student council niya.
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako kay Lefzon at kausap na niya si Jasper. Dapat nga siguro matuwa pa ako dahil mag-isa akong under ni Lefzon.
Pero nakakapagtaka pa din. Bakit ako? Trip ba talaga nila ako ngayong taon?
"Kung wala na kayong tanong pwede na kayong umuwi." wika ni Jasper.
Agad kaming nagtayuan lahat. Tumingin ako sa pwesto ni Lefzon. Napansin niyang tumingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin. Agad ko namang inalis ang pagkakatingin ko sa kaniya.
"Flynn, nice meeting you. Good luck sa atin." paalam ni Abby. Nginitian ko siya bilang sagot.
Naglakad na ako papuntang dorm. Madilim na sa buong school. Tahimik pa sa mga hallway. Habang naglalakad ako, nag-isip pa din ako kung bakit nakahiwalay ang pangalan ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ba ang dapat kong iexpect sa mga nangyayari sa pagsali ko. Pakiramdam ko may mga mas malala pang mangyayari sa akin sa pagsali ko dito.
Pagpasok ko sa kwarto namin, agad kong binuksan ang laptop ko. Agad na bumungad sa akin ang project na tinatapos ko. May project pa nga pala kami para sa Dosage Form na subject ko. Pasahan na nito bukas kaya alam kong mapupuyat ako ngayong gabi. Minabuti ko nang mag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang tuwalya ko para maghugas ng katawan.
Habang papunta akong CR, nakita ko ang cellphone ni David na nakasaksak. Pinatatanggal nga pala niya ito sa akin. Agad akong lumapit dito para hugutin mula sa saksakan. Tumingin ako sa lamesa ni Lucas at tinanggal ko din ang kaniya sa saksakan.
Bigla kong naalala.
Wala sa akin ang cellphone ko! Kinuha nga pala ito ni Lefzon kanina. Agad akong lumabas at tumakbo papuntang Council Hub.
Pagdating ko dito, agad kong nakita si Joyce at Lefzon.
Nasaktan ako.
Sinasara na nila ang Council Hub. Agad naman akong napansin ni Joyce. Tumingin siya sa akin na para bang kakainin niya ako ng buhay. Agad din naman napatingin sa akin si Lefzon.
"Bakit?" masungit na tanong ni Joyce.
"May kukunin lang sana ako kay Lefzon." sagot ko. Tumingin lang sa akin si Lefzon na parang nagtataka. "Yung phone ko kasi kinuha niya kanina."
Agad namang tumingin si Joyce kay Lefzon.
"Nasa iyo ba?" tanong ni Joyce.
"Wala." sagot ni Lefzon.
"Narinig mo Flynn, wala naman kay Lefzon. Anong kukunin niya sa iyo?" pang-aasar ni Joyce. "Tara na Zon."
Nakita kong nag-umpisa na silang umalis. Tiningnan ko si Lefzon ng masama. Naiinis na ako dahil hindi ako sanay na wala ang phone ko sa akin. Lalo na't nakikinig ako sa music bago matulog.
YOU ARE READING
Double Rainbow
General Fiction"Kaya sana maintindihan niyo." wika ko. "Dahil sa mundong ito natutunan kong walang magmamahal sa isang tulad ko. Sana maisip niyo na sina David at Lucas lang ang nagiging sandalan ko. Na sila lang ang mga taong tinatanggap ang buo kong pagkatao. Pe...