Twelve. (W.T.D.)

7 1 0
                                    

Nanigas ata ang katawan ko sa narinig ko. Pero bakit? Bawal ba kaming sumali?

"I know you're shocked but we are here to actually discuss this matter with you." wika ni Ms. Mara.

"Yes Flynn. What really happened is that the Dean don't want the college to actually take part to such things like this one but as a student, it's your right to join extra curricular activities." paliwanag ni Ms. Magda.

"And we have discussed it too with the Dean." wika ni Sir Clet.

"Pinaglaban namin na you are the brightest student in your year level, and that we are not here to become hindrance in you participating in the student council. We are actually proud that at least one student is brave enough to do this." paliwanag ni Ms. Mara.

"And it is your right too to know that this has been discussed by the faculty, and that we support you as long as you promised to all of us that it will not affect your academics, okay?" wika ni Ms. Magda.

"Yes Ma'am." sagot ko. Dahan dahang nawala ang lamig sa mga kamay ko. Pero bakit? Gusto kong itanong kung bakit kami bawal pero sa itsura nilang lahat habang nakatingin sa akin, hindi ko ata kakayanin na magtanong pa sa kanila. At least ngayon alam ko na susuportahan daw nila ako.

"And if you can actually urge others students to join, why not. Masiyadong patay ang college natin dahil sobrang focused sa academics. So mas better may mga ganitong bagay na mangyari." wika ni Ms. Lindcey, professor ko sa Biochemistry.

Nagtawanan silang lahat. "True. Patay naman talaga college natin." wika ni Ms. Mara.

Ngumiti ako.

"Sige na Mr. Dela Vega. Thank you for your time. Alam kong may screening ka pa." nakangiting wika ni Mr. Clet.

"Thank you po." wika ko. Agad akong tumayo at lumabas ng faculty. Pagkabukas ko sa pintuan, nakita ko si Juneray na nakaupo sa hallway at naghihintay sa akin.

"Anong sabi?" agad na tanong ni Juneray.

Huminga muna ako ng malalim. Tumingin ako sa relo ko at nagpanik na ako. Baka saraduhan ako ng pinto sa Council Hub.

"Bukas ko ikwekwento sa iyo, sa ngayon, kailangan ko na talagang makapunta sa Council Hub dahil late na ako." wika ko.

"Okay sige bilisan mo at naghihintay na dun ang future boyfriend mo." biro ni Juneray. Agad akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang natatawa niyang mukha.

"Ikaw ba yan David?" naaasar kong wika.

Tumawa lang si Juneray.

Agad akong tumakbo. Umuna na ako kay Juneray. Hindi ko na ginamit ang elevator dahil matatagalan lang ako.

Pagdating ko sa Council Hub, hindi nga ako nagkamali. Nakasarado na ang pintuan nito. Maliwanag sa loob. Mukhang maagap natapos ang klase ng mga applicants kaya nakumpleto kaagad sila. Ako lang ang nandito sa labas. At mukhang ako lang ang kulang.

Hindi ko alam kung kakatok ba ako. Nakatayo lang ako sa labas. Hindi ko sigurado ang gagawin ko. Natatakot ako na ewan. Baka mapahiya lang ako kapag tumuloy pa ako. Kaso wala din ako nitong huling screening dahil nakipagkita ako sa Kuya ko. Kaya kapag hindi ako tumuloy dito, malamang sa malamang, tatanggalin na nila ako.

Lumapit ako sa pintuan. Nilalamig ang kamay ko at hindi ako sigurado kung kakatok pa ba ako.

"Flynn?" biglang wika mula sa likod ko. Tumingin ako dito.

Si Athena. Secretary ng Student Council.

"Hi. Kilala niyo po ako?" wika ko. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

Double RainbowWhere stories live. Discover now