Forty One.

5 1 0
                                    

"Zon, nandiyan ka na pala." wika ko.

Sobrang seryoso ng mukha niya. At hindi ako magpapakatanga para isipin na hindi niya nakita ang ginawa ni Blanco. Lumapit siya sa amin. Tinitigan niya ng seryoso si Blanco. At sumunod siyang tumingin sa waffle na hawak ko. Agad kong inabot ng sapilitan kay Blanco ang waffle. Nakaramdam na lang ako ng tensyon sa pagitan naming tatlo.

"Tara na." masungit niyang pagyayaya.

Agad akong tumayo. Ngumiti ako kay Blanco para magpaalam. Agad na kinuha ni Lefzon ang bag ko at naglakad na kami paalis.

Habang naglalakad, tumingin ako kay Lefzon. Sobrang seryoso niya.

"Bakit magkasama kayo?" tanong niya.

"Lumapit lang siya bigla sa akin." sagot ko.

"Hindi siya lalapit ng biglaan sa iyo. Alam kong inaabangan ka lang talaga niya." wika ni Lefzon. At alam ko din na sinadya ni Blanco na lumapit sa akin habang naghihintay ako kay Lefzon. Sinubukan ko na lang kausapin siya tungkol sa ibang bagay.

"Bakit natagalan ka?" tanong ko.

"Natagalan yung meeting namin sa chancellor." matipid niyang sagot.

"Sinong kasama mong nakipagmeeting?" tanong ko.

"Si Jasper." sagot niya. Sa paraan niya ng pagsagot sa akin, alam kong wala siyang ganang makipag-usap sa akin. Nagseselos ba siya?

"Saan tayo kakain?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Bigla siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa hawak kong paper bag.

"Ihahatid na kita sa dorm mo." sagot niya.

"Akala ko ba kakain tayo?" tanong ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Tumingin siya sa akin ng masungit. "Mukha kasing busog ka na sa paghihintay mo sa akin." masungit niyang wika.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya nagustuhan ang nakita niya sa amin ni Blanco. Huminga ako ng malalim. Kasalanan ko pa din. Kailangan kong intindihin. Sumunod ako sa kaniya paglalakad.

∞∞∞

Nasa library kami nina Juneray at Aira. Naghahanap kami ng mga gagamitin naming libro sa experiment namin kay Ms. Magda. Kaming tatlo ang naging magkakapartner sa gagawin namin.

"Flynn, bakit nga pala para hindi ka sinusundo ni Lefzon sa room?" tanong ni Aira.

Napatingin ako kay Juneray. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Busy lang si Lefzon. Pero nagkikita naman kami tuwing matatapos na ang mga klase namin." sagot ko.

"Si David ang palagi kong nakikitang kasama mo sa canteen. Okay lang ba kayo ni Lefzon?" tanong niya.

"Okay lang naman kami." sagot ko. Pero sa loob loob ko, pakiramdam ko hindi kami okay. "Bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Kasi sa Bluebird Restaurant kami kumakain nina Kate. Nakikita namin si Lefzon dito. Mag-isa siyang kumakain." sagot ni Aira.

Natigil ako sa paghahanap ng libro. Mag-isang kumakain si Lefzon. Hindi ba niya nakakasama sina Jasper o kaya naman ay sina Joyce sa pagkain? Ang mga nasa Council ang iniisip kong nakakasama niya.

"Baka naman may inaasikaso si Lefzon kaya mas minabuti niyang kumain mag-isa para mapabilis ang mga gawain niya." wika ni Juneray.

"Ganun ba. Sabagay, alam ko naman na okay lang kayo. Tinanong ko lang naman kasi nagtaka lang ako." wika ni Aira.

Double RainbowWhere stories live. Discover now