Thirty One. (D.R.)

7 1 0
                                    

Lumapit ako sa kaniya. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong bumalik papasok si Jasper.

"Bakit?" tanong ko.

"Sakay na." alok niya.

"Hindi ako sasakay diyan." sagot ko.

"Sumakay ka na lang." pagpupumilit niya. Agad niyang isinuot sa ulo ko ang helmet pero di ako sumakay sa motor niya.

"Pagtritripan mo na naman ba ako? Hindi na nakakatuwa Lefzon." wika ko.

"Bakit naman kita pagtritripan?" tanong niya.

"Nakausap ko sina Jemille at Abby. Nabanggit nila sa akin na madaming higaan sa kwarto nila. Bakit sa kwarto natin iisa lang ang higaan?!" naaasar kong tanong sa kaniya.

"Nagtitipid nga ang Council." sagot ni Lefzon.

"Nagtitipid ang Council? O ako ang tinitipid niyo?" tanong ko.

"Sumakay ka na lang. Malalaman mo din ang sagot mamaya." wika niya.

Hindi ako sumakay. Tinanggal ko ang helmet sa ulo ko at tiningnan ko siya ng masama. Bakit naman kailangang mamaya pa ang sagot? At mukhang wala namang ibang sagot sa tanong ko kundi ang pinagtritripan nila ako.

"Ayokong makipagbiruan sa iyo." wika ko. Agad kong binigay sa kaniya ang helmet at naglakad ako pabalik sa loob.

"Pharma." wika niya. Hindi ko siya pinansin.

"Pharma bumalik ka." sigaw niya. Naglakad pa din ako pabalik sa loob.

Naaasar lang ako sa kaniya. Pakiramdam ko pinapaasa lang niya ako. Bakit ba ginagawa pa niya ang mga bagay na ito? Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hatakin at hinalikan niya ako sa pisngi.

Anong nangyari? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla niya akong tinitigan sa mga mata ko. Tumingin ako sa paligid at nakatingin sa aming dalawa ang lahat ng staff ng resort. Nakaramdam ako ng hiya.

"Kabilin bilinan ko sa iyo huwag mong papaabutin sa pangatlong beses ang pagtawag ko sa iyo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." wika niya.

Pero nagustuhan ko ang ginawa niya.

Hinawakan niya ako sa braso at hinatak palabas. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya at sinusundan ko lang siya. Paglapit namin sa motor, agad niyang isinuot ang helmet sa akin. Nawalan na ako ng choice kundi ang sumunod na lang sa kaniya.

∞∞∞

Lumipas ang halos isang oras at nagbiyabiyahe pa din kami sa lugar ng kawalan. Hindi ko siya matanong kung saan ba kami pupunta dahil parehas kaming nakasuot ng helmet. Maya maya lang ay bigla siyang tumigil sa isang pamilyar na lugar sa akin. Pamilyar sa akin dahil nakita ko na ito sa internet.

Bigla niyang iginilid ang motor niya. Agad naman akong bumaba at tumingin sa dagat na nasa gilid nito.

"Patapat viaduct." wika niya.

Oo. Naalala ko na. Walang ibang laman ang kalsada kundi kaming dalawa lang. Pero bakit kami nandito?

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Ipinapasyal kita." sagot niya.

"Bakit ako lang?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa malaking dagat sa gilid ng kalsada. Napakaganda dito. Isabay mo pa ang napakagandang umaga. Malakas ang hangin. Sinubukan kong tumingin sa baba para tingnan ang tubig. Sobrang linaw nito.

Bigla siyang may kinuha sa compartment ng motor niya. Tiningnan ko lang siya. Pagkakuha niya dito, agad niya itong inabot sa akin. Lunch box. At dahil transparent ito, kita ko na sandwich ang laman nito.

Double RainbowWhere stories live. Discover now