Four. (A.B.)

14 1 0
                                    

At ito na ata ang araw na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Bakit ako? Bakit gusto niyang samahan ko siya dito?

Agad na gumawa si Lefzon ng ginagawa niya sa lamesa. Bigla kong naalala si Juneray! Nasa labas pa pala siya. Naglaban na ulit ang puso at utak ko. Dapat pala hindi na ako nagpasama kay Juneray. Kaso ako itong mapilit na nagpasama sa kaniya.

"Dito ko makikita kung willing ka ba na mag-ubos ng oras sa student council." paliwanag ni Lefzon.

"Pero wala pa namang orientation ah? Di ba hindi pa ako official applicant?" pagtataka ko.

"Official ka na. Ikaw ang una sa listahan namin." masungit niyang sagot. "Secretary."

Nakita kong natawa siya. Alam kaya niya? Pati ako natatawa. Sumagi na naman sa isip ko si Juneray. Pauunahin ko na ba siya o aalis na lang ako dito sa Council Hub? Naguguluhan ako.

"Sandali lang Lefzon. Lalabas lang ako kasi may naghihintay sa akin sa labas." wika ko.

"Wala na. Pinaalis ko na si Juneray." sagot niya.

Nagulat ako. Nakaramdam akong parang may kumikiliti sa tiyan ko. Kinikilig ako. Pero bakit ako? Hindi kaya plano lang nila ito dahil ako ang pagtritripan nila ngayong taon sa mga applicants? Ganun pa man, masaya na akong marinig na official applicant na ako.

Si Joyce. Pumasok na naman siya sa utak ko. Panigurado mamaya, bukas, o kahit sa susunod na mga araw mataas na ang tiyansa na magkita kaming dalawa.

Nakaupo lang ako. Wala akong ibang ginawa kundi tingnan lang si Lefzon na nagsusulat sa harap. Minabuti kong tumayo para mag-ikot.

"Umupo ka lang." bilin niya.

Agad naman akong umupo. Ang sungit naman nito. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil wala akong magawa susungitan pa niya ako.

"Wala kasi akong magawa." sagot ko.

Bigla niyang tinigilan ang mga ginagawa niya. Tumingin siya sa akin.

"Bakit secretary? Panigurado ikaw lang ang nag-iisang lalake sa posisyon ng secretary sa mga applicants kapag naglabas kami ng official list." paliwanag niya.

Hindi ako makasagot. Siya ang dahilan kung bakit iyon ang kinuha ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon.

"Wala pa namang official screening kaya hindi pa ako dapat sumagot sa mga tanong mo." sagot ko. Tiningnan niya lang ako ng masama. Agad niyang tinuloy ang ginagawa niya.

Lumipas ang oras. Madilim na. Natapos din si Lefzon sa kakasulat habang ako, natapos na din kakatitig sa kaniya. Pero bitin. Niyaya niya akong lumabas na at isasara na niya ang Council Hub. Pagkatapos niya itong ilock, agad siyang humarap sa akin.

"Huwag mong ipagsasabi na nasa official list ka na." bilin niya.

"Pero bakit ako? Bakit nauna ako?" tanong ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Ayaw mo ba?" Napalunok na lang ako ng laway sa sobrang lapit ng mukha niya.

"Malapit lang dorm mo, ako itong malayo. Gusto mo pa ba akong ihatid?" tanong niya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Siya nga itong dapat maghatid sa akin. Bakit? Kasi siya ang straight sa aming dalawa.

"Flynn." tawag mula sa likod ko.

Agad akong humarap dito at nakita ko si Lucas.

"Sa labas na tayo kumain." pagyayaya niya.

"Nasaan si David?" tanong ko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now