Nakaupo ako sa bench sa tapat ng Accounting Office. Hawak ko ang maliit na box na binigay sa akin ni Lefzon. Hindi ko ito mabuksan dahil kinukulit ako nina David at Lucas dahil gusto din nila itong makita. Mula nang umuwi kami galing Ilocos, ilang beses na ding tumawag sa akin si Lefzon at tinatanong niya ako kung nabuksan ko na ba ang binigay niyang box.
Minabuti ko nang buksan ito. Pagkabukas ko, nakita ko ang isang maliit na metal skateboard. Kulay gold. Maliit pero sobrang ganda. Binaligtad ko ito at nakita kong may nakasulat dito.
Ay-ayaten ka
Anong ibig sabihin nito? Natigil na lang ako sa pag-iisip nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Flynn!" wika nito. Tumingin ako sa direksyon nito. Nakita ko si Aira na tumatakbo papalapit sa akin.
"Aira! Kumusta?!" wika ko.
"Kumusta ka din Flynn! Namiss ka namin sa foundation day!" wika niya.
"Namiss mo ba talaga ako? Pakiramdam ko nag-enjoy ka kasama si David." pang-aasar ko. Nagulat na lang din ako sa bibig ko dahil nagawa kong sabihin yan kay Aira.
"Grabe ka naman Flynn!" natatawang sagot niya. "Nag-enjoy naman ako pero siyempre iba pa din yung kasama ka namin sa mga booth. Sobrang saya ng foundation day sayang at wala kayo. Ikaw kumusta naman ang Ilocos trip mo?"
"Okay naman. Nag-enjoy din naman ako." sagot ko. Higit pa sa kasiyahan ang nangyari sa akin sa Ilocos.
"Hindi ka pa ba papasok sa klase natin?" tanong niya.
"Papasok na din. Umupo lang ako saglit dito." sagot ko.
"Bakit nga pala hindi mo kasama sina David at Lucas pagpasok?" tanong niya.
"Mabagal kumilos yung dalawang yun kaya umuna na akong pumasok." sagot ko.
Tumawa si Aira. Tumayo na kaming dalawa at naglakad na kami papunta sa room namin. Narinig ko na lang na biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag.
Si Lefzon.
"Hello." sagot ko.
"Tumingin ka sa likod mo." wika niya. Agad naman akong tumingin sa likuran ko. At nandun siya. Nakatayo at nakangiti sa akin.
"Aira, susunod na lang ako sa room." wika ko kay Aira.
"Okay Flynn." sagot niya. Agad na naglakad paalis si Aira. Agad naman akong lumapit kay Lefzon.
"Kailangan mo ba talaga akong tawagan para lang sabihin na nandiyan ka sa likuran ko?" tanong ko.
"Gusto ko lang marinig kaagad ang boses mo." wika niya. Kinilig naman ako.
"Papasok ka na din ba?" tanong ko.
"Oo." sagot niya. "Nabuksan mo na ba yung box?"
"Oo." sagot ko.
"Anong nakita mo?" tanong niya.
"Maliit na skateboard. Mahilig ka talaga sa ganung mga laruan." wika ko.
Bigla siyang natigil sa paglalakad. May mali ba sa sinabi ko? Tiningnan niya ako ng seryoso.
"Hindi laruan yun." wika niya.
"Sorry. Ano bang tawag dun?" tanong ko. "At isa pa pala, may nakasulat din sa likuran nun. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun."
Minabuti kong kunin muli mula sa bag ko ang skateboard. Pinakita ko sa kaniya ang ilalim nito.
YOU ARE READING
Double Rainbow
General Fiction"Kaya sana maintindihan niyo." wika ko. "Dahil sa mundong ito natutunan kong walang magmamahal sa isang tulad ko. Sana maisip niyo na sina David at Lucas lang ang nagiging sandalan ko. Na sila lang ang mga taong tinatanggap ang buo kong pagkatao. Pe...