Eighteen. (S.)

8 1 0
                                    

Ang sungit ng mukha niya. At alam kong naaasar siya.

"Sorry." wika ko.

Nakatingin lang siya. Mag-isa na lang ba siya dito? Ang bilis namang natapos ng screening ngayong araw. O sadyang matagal ako?

Nakita kong tumingin siya kay Blanco. Hindi siya nagsasalita. Tumingin siya sa akin. Nakatitig siya. At ang sama ng tingin niya. Alam kong kasalanan ko.

"Kasalanan ko. Pasensiya ka na." wika ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Muli siyang tumingin kay Blanco. Tiningnan ko din si Blanco at seryoso lang siyang nakatingin kay Lefzon.

"Blanco, salamat." wika ko. Ngumiti siya sa akin at lumakad na paalis.

"Saan ka galing?" masungit na tanong ni Lefzon.

Sasagot ba ako? Natatakot akong isagot na galing ako sa food trip kasama ang isang kaklase ko dahil napalabas kami parehas ng classroom. Kabilin bilinan pa man din ni Lefzon na dapat role model kami kahit na natatawa pa din ako sa pag-iisip niyang ito dahil hindi ko maisip na role model si Joyce.

"Kumain ako sa labas." sagot ko.

"At yung kasama mong pharma din ang kasama mo?" tanong niya.

Tumango ako sa kaniya.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko sobrang laking kasalanan ang nagawa ko dahil hindi na naman ako nakaattend sa screening.

"Pagod na ako." wika niya.

Kinabahan ako. Sorry. Gusto ko ulit sabihin pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita. Tiningnan ko ang bag ko na nakasuot sa harapan niya. Mabigat ito panigurado dahil laman nito ang apat kong makakapal na libro. Huminga ako ng malalim.

"Samahan mo na lang ako kumain." wika niya.

Napatingin ako sa kaniya. Totoo ba ito? Mahinahon ang mukha niya. Hindi na ba siya galit? At hindi ba siya magagalit ng sobra sa akin?

Minabuti kong lumapit sa kaniya para kunin ang bag ko.

"Ako na lang magdadala." wika niya. Nagulat ako. Pero mukhang seryoso ang mukha niya kaya hinayaan ko na lang siyang dalhin ang bag ko.

Hindi ko alam kung saan kami kakain. Nagugutom din naman ako kasi dapat kakain na kami ni Blanco pero naalala ko ang screening kaya hindi natuloy ang pagkain naming dalawa.

Naglakad kami palabas ng school. Tiningnan ko siya at kita ko sa mukha niya na nabibigatan siya sa bag ko. Kung ikukumpara ang bag niya sa bag ko, wala pa sa kalahati ng laman ng bag niya ang laki nito sa laki ng bag ko. Gusto kong kunin ang bag ko dahil baka nahihirapan na siya pero seryoso ang mukha niya.

Sa tapat lang ng school kami nagdesisyon na kumain. Habang naghihintay sa order namin, tahimik akong nakatingin sa lamesa. Naiilang pa din ako. At nahihiya. Minabuti kong kunin ang cellphone ko para naman may magawa ako. Pagkalabas ko nito, agad itong kinuha ni Lefzon.

"Ako na lang ang kausapin mo." wika niya. Tumingin ako sa kaniya. Ano bang meron? Gusto kong kiligin pero natatakot na naman ako na baka mamaya pagtripan niya lang ako.

"Ano bang gusto mong marinig?" tanong ko.

"Kahit ano. Basta magkwento ka lang." wika niya. Nagtataka na ako sa kaniya. Tiningnan ko siya. Habang tinitingnan ko ang seryoso niyang mukha, bigla siyang ngumiti.

Napayuko ako.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala lang." sagot ko. Pero kinilig kasi ako.

Double RainbowWhere stories live. Discover now