Ten. (W.)

15 1 0
                                    

Ako na ang nagsasabi. Walang matinong tao ang kakayanin ang sitwasyon ko. Hindi ko maalis ang mata ko sa mga mata niya. Sobrang ganda ng mga ito. Tanging ang mga librong yakap ko ang naghihiwalay sa katawan naming dalawa.

Napatingin na lang ako ng may dumaan sa tabi namin. Agad ko siyang naitulak. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Narinig ko na lang na natawa siya.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong malapit ng mag-umpisa ang susunod kong klase. Inabot ko sa kaniya ang hawak kong mga libro at nagmadali akong umalis sa harap niya. Hindi ko siya matingnan.

Pagkalabas ko ng library, nagmamadali akong naglakad papunta sa susunod kong klase. Hindi ko alam kung anong itsura ang meron ako pero kinakabahan na kinikilig ako. Si Lefzon. Lalo ata akong mababaliw sa kaniya. At mukhang alam niya kung paano ako mahulog sa bitag niya.

"Flynn!" biglang sigaw sa malayong distansya. Agad akong napatingin dito. Nakita ko si David na tumatakbo papalapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya pagkalapit niya.

"Wala ka bang klase ngayon?" tanong niya.

"Meron. Papasok na ako ngayon." sagot ko.

"Saan ka ba galing?" muling tanong niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Kakagaling ko lang sa library kasama si Lefzon. Kung sasabihin ko kay David malamang sa malamang malalaman niya na si Lefzon ang taong gusto ko. Kilala niya at kaklase pa niya. Paniguradong malaking pagkakataon ito para kay David para maasar ako kapag nalaman niya.

"Sa library, may kinuha lang ako." sagot ko.

"Ganun ba. Anong oras ka makikipagkita kay Kuya Adrian?" tanong niya.

"3:30 pa naman." sagot ko.

"Papuntahin mo siya mamaya sa dorm. Gusto din namin siyang makita ni Lucas." wika niya.

"Sa dorm yata siya dederetso. After nun tsaka kami lalabas. Sumama na din kayo ni Lucas kung maaga matatapos ang klase niyo." paliwanag ko.

"Late nang matatapos klase ko. Balik na lang kayo sa dorm pagkatapos para naman makita namin si Kuya." wika niya.

"Sige ako ang bahalang kumausap sa kaniya." sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap, agad akong naglakad paalis para pumunta na sa susunod kong klase.

∞∞∞

Nasa dorm ako at naghihintay na dumating si Kuya. Hindi pa siya nagtetext o kaya ay tumatawag kung papadating na ba siya. Binuksan ko muna ang laptop ko at sinilip ang facebook ko. May message na naman ako.

Si Lefzon.

Biro lang yung kanina. Ang bilis mo naman maasar. May atraso ka pa sa akin dahil wala ka sa Council Hub.

Ngumiti ako. May atraso daw ako? Bahala na kung pagtritripan niya ako bukas. Pero aaminin ko, kinilig ako sa ginawa niya kanina. Hindi ko malimutan ang mata niya. Kaso may sumasagi pa din sa isip ko na nagsasabi sa aking wag akong umasa. Una sa lahat, hindi ako sigurado kung bakit niya ito ginagawa. Kinikilig ako pero mahirap umasa. Straight siya.

Maya maya lang ay may biglang kumatok sa pintuan namin. Agad akong tumayo para tingnan kung si Kuya na ba ito.

Pagbukas ko ng pinto, hindi ako nagkamali. Nakangiti si Kuya at mukha siyang tanga.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

"Kasi nandito na ako." sagot niya. Seryoso pa din ang mukha ko. Agad siyang pumasok sa loob at nakita kong madami siyang hawak sa kamay.

Double RainbowWhere stories live. Discover now