Nine. (H.G.A.F.M.)

9 1 0
                                    

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Bakit kasama ni Lefzon si Bryan? Nakatingin pa silang dalawa sa akin.

"Flynn, labas ka muna ng room." wika ni Jasper na nasa unahan na. Alam din ba ni Jasper kung anong nangyari? Malamang alam niya dahil nasa Club Red din siya kagabi. Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Ang tahimik sa room. Malamang nakatingin silang lahat sa akin. Alam kong napansin ni Jasper na tumahimik sa room kaya pinaayos niya ang lahat.

"Sige guys, magsama-sama na yung magkakaposition. Lalapitan na kayo ng facilitators niyo." wika ni Jasper.

"Friend, bakit hindi ka na tumayo diyan sa kinauupuan mo?" tanong ni Jemille. Kinakabahan pa din ako. Tumingin ako sa braso ko. Naaalala ko pa din kung gaano kahigpit ang hawak sa akin ni Bryan.

Nakita kong lumapit sa akin si Jasper.

"Flynn, tawag ka nila sa labas." bulong niya sa akin.

Hindi ako makausap. Natatakot ako. Kakausapin ba ako ni Bryan? Nakita kong pumasok si Lefzon ng room at lumapit sa akin.

"Pharma." bulong ni Lefzon. "Kakausapin ka daw ni Bryan. Siya ang lumapit sa akin at nakiusap. Hindi siya makalapit kay David dahil galit si David sa kaniya kaya ako ang kinausap niya. Kung hindi ka ready okay lang sasabihin ko sa kaniya na saka na lang."

Oo nga pala. Pagkahatid sa akin ni Lefzon sa dorm naabutan namin si David at Lucas na nag-aalala kung ano bang nangyari sa akin. Pinaliwanag ni Lefzon ang nangyari at galit na galit si David. Natakot ako na baka mamaya ako pa ang maging dahilan para masira ang pagkakaibigan ni David at Bryan. Tumingin ako kay Lefzon. Seryoso ang mukha niya.

"Sige lalabas ako." sagot ko.

Agad akong tumayo at sumunod kay Lefzon.

Paglabas ng Council Hub, nakita ko si Bryan na nakaupo sa may puno sa tabi ng Hub. Lumapit kami ni Lefzon dito. Natatakot ako kaya nasa likod lang ako ni Lefzon.

"Flynn." wika ni Bryan. Iba ang tono ng boses niya ngayon kumpara sa kagabi. "Flynn I'm sorry sa nangyari kagabi."

Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Maya maya ay may narinig akong naglakad sa likuran ko. Pagtingin ko dito si Jasper. Sumunod siya sa amin.

"Sorry talaga. Aamin ako sa iyo mainit ang dugo ko sa iyo pero hindi tama ang ginawa ko. Pasensiya na at lasing lang talaga ako." wika niya.

At nagawa pa niyang gawing dahilan na lasing siya. Nakakatakot pala siya kapag lasing. Ako ang naaawa kay Michelle. Paano na lang kapag nag-away sila? Pag-iinitan niya si Michelle lalo na kapag lasing siya?

"Nakikipaghiwalay si Michelle sa akin." wika niya.

Napatingin ako sa kaniya. Si Michelle nakikipaghiwalay sa kaniya? Napatingin din si Lefzon at Jasper kay Bryan sa narinig nila.

"Galit na galit sa akin si Michelle dahil sa ginawa ko sa iyo. Ayaw niya akong kausapin. Please patawarin mo ako Flynn." wika niya.

"Kaya mo ito ginagawa dahil kay Michelle?" naiinis kong tanong.

"Si Michelle ang buhay ko Flynn. Hindi ko kayang mawala siya." sagot niya.

Tumingin ako sa kaniya. Parang bumaba ang tingin ko sa maangas na si Bryan. "Ibig sabihin kung hindi nakikipaghiwalay sa iyo si Michelle, hindi mo maiisip itong ginawa mo?!" tanong ko.

"Hindi sa ganun Flynn." sagot ni Bryan. Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Pasensiya na Bryan. Sa oras na maisip mo kung ano ba ang ginawa mo tsaka mo na lang ako kausapin." sagot ko. Agad akong tumalikod at bumalik sa Council Hub. Nakita kong sumunod sa akin si Jasper.

Double RainbowWhere stories live. Discover now