Twenty Seven.

4 1 0
                                    

Anong klaseng tanong ito? Akala ko ba sa council ang itatanong niya?

"Sandali bakit ganiyan ang tanong mo?" tanong ko.

"Pangalawang tanong. Niyaya ulit kita nung nakaraang araw na kumain pagkauwian pero ang sabi mo sa akin may tatapusin kang report ninyo ni Juneray. Tinanong ko si David ang sabi niya nag-aaral ka lang sa kwarto at wala ka namang ginawang report. Anong ginawa mo talaga nun?" tanong niya.

"Hindi naman alam ni David lahat ng ginagawa ko." sagot ko.

"Pangatlong tanong. Nakasalubong kita sa library at alam kong lunch niyo yun. Niyaya ulit kita pero ang sabi mo sa akin magrereview ka pero nandun lang ako sa library at hindi kita nakitang nag-aral dun. Saan ka nagpunta?" tanong niya.

"Hindi ako sa library nag-aral nun." sagot ko.

"Pang-apat na tanong. Kinuha ko ang bag mo kahapon dahil alam kong mahaba ang break time mo. Niyaya kitang kumain pero ang sabi mo pupunta ka sa Registrar's Ofiice. Naghintay din ako dun pero hindi ka naman nagpunta dun. Saan ka nagpunta?" tanong niya.

"Nalimutan ko sa dorm yung ipapasa ko sa Registrar." sagot ko habang nakayuko na ako.

"Panglimang tanong. Kanina inalok kita na sasabay ako sa iyong kumain pero ang sabi mo may pupuntahan kayo nina David. Kasama ko si David ng break time dahil kinausap namin ang chancellor. Sinong kasama mong kumain?" tanong niya.

Hindi na ako nakasagot. Ilang araw ko siyang iniwasan at alam niyang iniiwasan ko siya.

"Pang-anim na tanong." wika niya. "Iniiwasan mo ba ako?"

Tumingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. "Hindi." sagot ko.

"Huling tanong." wika niya. "Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"

Tumayo na ako dahil naiilang na ako sa mga tanong niya. Pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Pharma." wika niya. "Ano bang problema? Gusto ko lang maging kaibigan ka. Pero bakit parang iniiwasan mo ako? Alam ko napagtritripan kita pero kung nagagalit ka na dahil dun sige titigilan ko. Alam ko din na napagsusungitan kita pero kung naaasar ka na dun sige titigilan ko din yun. Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?"

"Lefzon." wika ko. "Kahit sinong estudyante dito sa school gugustuhin ang maging kaibigan ang isang tulad mo. Hindi kita iniiwasan. Pero sana alam mo kung anong pagkakakilanlan ko dito sa school. Sana alam mo na hindi maganda ang reputasyon ko dito. Sana alam mo na laman ng bibig ng karamihan ng mga estudyante dito sa school ang tungkol sa pagkatao ko. At sana alam mo na ang baba ng tingin nila sa akin dito."

"Alam ko naman lahat yun." wika niya. "Pero bakit naman si David pwedeng maging kaibigan mo?"

"Lefzon, sanay na siya." wika ko. "Pero ang pangalan mo..."

Naramdaman ko na lang na tutulo na ang luha sa mga mata ko. Pero pinipigilan ko. Pakiramdam ko hinahampas na naman ako ng katotohanan. Na sa bawat salitang sasabihin ko, sobrang sakit ang mararamdaman ko.

"Ang pangalan mo hindi deserve na makadikit ang pangalan ko." wika ko. "Dahil ako si Flynn. Si Flynn na baklang kaibigan ni David."

Tumalikod ako at lumakad pabalik sa loob ng Council Hub. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nakatayo si Blanco sa likuran namin. Tiningnan niya lang ako.

Pumasok ako sa loob ng Council Hub at kinuha ang bag ko. Napatingin sa akin ang karamihan sa kanila pero hindi ko na pinansin. Paglabas ko, agad namang sumalubong sa akin si Blanco. Nginitian ko na lang siya.

"Ihahatid na kita sa dorm mo." wika niya.

Ngumiti ako. Habang papaalis kami, biglang may humawak sa braso ko. Si Lefzon.

Double RainbowWhere stories live. Discover now